15 ways para maging baby-proof ang inyong bahay, ayon sa mga pedia

Ligtas na bahay para sa baby ang nais natin. Isang paraan para maging babyproof ang bahay ay ang paglalagay ng outlet covers sa mga saksakan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa mga kabihan, “It takes a village to raise a baby”, at totoo nga naman ito. Ang mga baby talaga namang kumukulit lalo na kapag gusto natututo na silang gumapang at iba, lalo na kapag sila’y naging toddler na. Mas nagiging curious kasi sila kaya minsan hindi naiiwasan ang mga aksidente sa bahay. 

Pero inilista naman sa inyo kung mga ways para maging ligtas na bahay para sa baby ang inyong bahay at maiwasan ang mga ganitong aksidente. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • 15 na bagay na rekomendado ng mga pediatrician para sa isang ligtas na bahay para sa baby
  • Child Safety sa bahay, tips para sa mga magulang 

Hindi na nakakagulat na ang ating mga anak, lalo na kapag bata pa sila ay masaktan ang kanilang sarili. Habang ang mga mild lamang na pasa o maliliit na sugat ay madali lang i-deal, ang mga malalaking injury ay ang dahilan ng labis nating pag-aalala. 

Kaya naman kinakailangan na lagi tayong alerto lalo na kapag ang mga anak natin ay mas nagiging curious na. Pero paano nga natin gagawing ligtas na bahay, ang ating bahay para sa baby? Ano ang mga kailangan nating gawin? 

Well, ang mga pediatrician ay may mga sariling child safety guidelines na nirerekomenda nila sa ating mga parents. Para mas maging baby/kid friendly ang ating mga bahay. 

At dahil naiintindihan namin na ang challenging na bagay para sa atin sa ilang pagkakataon. Kaya naman nagdesisyon kaming i-compile ang 15 na bagay na makakatulong sa inyo para maging baby proof ang inyong bahay. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

15 na bagay na rekomendado ng mga pediatrician para sa isang ligtas na bahay para sa baby

Image courtesy: iStock

1. Tension-mounted baby gates

Hindi rekomendado ng ilang mga pedia ang paglalagay o pag-install ng tension-mounted gates, dahil hindi ito matibay o stable. Sa halip, mag-instal ng mga baby gates na kayang-kayang idikit sa pader o kayang i-drill. 

Ito’y totoo lalo na kapag nag-i-install ng isa sa isang hagdanan. Madalas din kasing nagkakaroon ng aksidente ang mga bata sa hagdanan. Kasabay nito, mahalaga rin na mag-install ng baby gate sa itaas at ilalim ng staircase kung may mga butas ito. Lalo na kung pwedeng malaglag ang inyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. i-babyproof ang swimming pool

Ang pagkalunod ay isa sa mga nangungunang sanhi ng injury sa ilang mga tahanan sa buong mundo. Kadalasang biktima dito ay ang mga bata dahil na rin sa negligence. 

Kaya naman nirerekomenda ng mga pedia na ang mga swimming pool sa bahay ay gawing ligtas para sa baby. Ito’y maaaring lagyan ng mga barikada o harang sa paligid ng pool. Maaari ka ring maglagay ng alarm sa pintuan papunta sa inyong pool. 

Mayroong mga ilang modern-day alarm na nag-a-alarm na agad kapag malapit na ang mga bata sa swimming pool o kaya naman sa pintuan ng pool. Maganda itong safety component sa inyong bahay lalo na kung mayroon kayong pool. 

Kasabay nito, turuan ang iyong anak kung ano ang mga safety protocols pagdating sa mga swimming pools, para alam nila ang kanilang gagawin. Pwede rin silang ipasok sa mga swimming class. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Bracket large furniture

Isa sa mga kailangan mo ring i-consider ang paglalagay ng safety measures sa mga mabibigat na furtinure sa inyong bahay. Siguraduhing ang mga mabibigat na bagay ay secured sa pader. Maaaring gumamit ng mga bracket o kaya naman ng mga strap at anchor. 

Kaya, kung sakali mang ang inyong anak ay magla-Tarzan ay hindi siya mapapahamak. Maiiwasan din ang mga malalaking injury. Magiging assured ka rin na ang inyong mga gamit sa bahay ay hindi siya mababagsakan. Ito ay napakasimpleng proseso lamang pero malaki ang magiging tulong nito. 

4. Wall-mounted TV sets

Image courtesy: iStock

Ilan sa mga doktor ang nagsasabi na ang mga flat-screen televisions ay kinakailangan na nakadikit sa pader at mataas ito. Kaysa ilagay ito sa isang stand. Maaari kasing mabagsakan nito ang inyong anak lalo na hindi ito stable. Maaari rin kasing akyatin ito ng inyong anak. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Blinds na mayroong long chords

Para sa mga bahay na mayroong mahabang chords ng kanilang blinds. Magandang palitan ito bago pa dumating si baby. Maaari kasing maging sanhi ito ng pagkakasakal nila. 

Maaari mo ring liitan ang loop para lalong ma-minimize ang risk ng pagkakaroon ng aksidente.

6. Button batteries

Ang pagkakaroon ng maliliit na button batteries ay may tendency na hindi natin ito mapansin agad. Maaaring malunok ito ng ating mga anak lalo kapag nasa sahig ito at hindi natin napansin agad. 

Siguraduhing ang mga maliit na bagay ay hindi maabot ng inyong mga anak para hindi niya ito malunok. 

7. Huwag maglagay ng stuff toys o blankets sa loob ng kaniyang kuna

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image Source: Pexels

Sinabi ng mga pedia na ang crib dapat ng ating mga anak ay walang laman para maging ligtas si baby habang natutulog siya. Kinakailangan lamang ng isang mattress at bedsheet at wala nang iba pa. 

Ang paglalagay ng mga stuff toys, blankets, at unan sa kuna o crib ay makakapagpataas ng risk sa suffocation para sa inyong anak. Lalo na kung hindi pa niya kayang humingi ng tulong o ibahin ang kaniyang position sa pagtulog. 

Kaya naman mahalaga na huwag lagyan ng ibang gamit ang crib ng inyong anak para iwas suffocation. 

BASAHIN: 

Cooking at home more often? Remember these tips to help ensure food safety

Toddler climbs over pool fence, reminding us to never take safety for granted

10 bagay na dapat mong malaman bago bigyan ng pacifier si baby

8. Medicine cabinet

Ang iyong makulit na anak ay maaaring magkaroon ng adventure spree at hindi natin ito napapansin. Lalo na kung mapadako sila sa ating medicine cabinet o mga lalagyanan ng gamot. 

Kaya naman kailangan maging extra careful tayo. Lalo sa kapag iinom tayo ng gamot at maiiwanan nating bukas o malapit sa mga bata ang lalagyan ng ating mga gamot. 

Ganun din sa pag-inom nito, dapat inom agad ito bago pa maagaw ng inyong baby o kaya naman malaglag niyo ito at malunok ni baby ang gamot. 

Ang mga pills o gamot ay kadalasang colorful kaya naman madaling ma-attract dito ang mga bata. Maaari itong i-consume ng bata lalo na kung hindi tayo nakatingin. 

Kasabay nito, siguraduhin din na ang mga lalagyan ng gamot ay laging naka-lock o hindi niya maabot. 

9. Mga bintanang may baby guards

Ang mga bahay na mayroong mga baby at toddler ay kinakailangan ng mga baby guards sa kanilang mga bintana para sa safety. Ilang mga aksidente ang naitala sa buong mundo dahil sa na-aaccess ng mga bata ang bintana. Kaya naman maganda na magkaroon ng window guard sa inyong bahay. 

Dapat ikabit ito ng maayos para siguradong ligtas si baby. Ito ay isa lamang sa mga paraan para maging ligtas na bahay ang inyong bahay para sa baby.

Maghanap ng mga window guards na may quick release feature na nag-a-allow na sa atin na madaling makalabas ng bahay kung mayroon mang emergency katulad ng sunog at hindi accessible ang pintuan. 

10. Siguraduhing laging nakasarado ang pintuan ng mga banyo 

Image Source: iStock

Kahit na mas obvious na mas maraming naaksidente sa mga water-related, lalo na sa swimming pools. Tumataas din ang bilang ng mga batang nagkakaroon ng injury sa loob ng banyo.

Isa sa nga ganitong pangyayari ay dahilan ng negligence. Kung saan kinakailangan mong laging isarado ang pintuan ng inyong mga CR o banyo. 

Ito ang isa sa mga pinakamahalagang child safety guidelines at tandaang ang mga bata ay huwag munang hayaang pumunta sa banyo o CR ng walang adult supervision. 

11. Gumamit ng mga outlet covers

Talaga namang curious ang mga baby at toddler. Kaya naman kahit ang mga saksakan ng kuryente ay kinakalikot nila minsan. Kaya naman mahalagang mag-invest din sa mga outlet covers para hindi maipasok ng inyong mga anak ang kanilang mga daliri sa saksakan ng kuryente. 

Sa paghahanap ng mga outlet covers, siguraduhing ito ay hindi tamper-resistant at walang mga maliliit na bahagi na maaaring maging choking hazard. 

Maaari ring takpan ang mga saksakan ng mga furniture sa bahay para hindi makita ni baby. 

12. Huwag nang gumamit ng baby walker

Image Source: Pexels

Ayon naman sa ilang pediatricians, ang mga baby walkers ay hindi naman umano nagbibigay ng kontribusyon sa paglalakad ng ating mga anak. 

Sa isang Research ng American Academy of Pediatrics, nirerekomenda nila sa mga magulang na huwag nang gumamit ng mga baby walkers. Ang pagpapagamit natin nito sa ating mga anak na walang bantay ay delikado umano para sa bata. 

Maaari kasing madala sila ng baby walker nila sa mga delikadong lugar sa bahay katulad ng hagdanan. 

Maaari ring mabungo nila ang mga gamit sa bahay na maaaring mabagsakan sila ng mga gamit dito. 

13. Iwasan ang sharp corners sa bahay

Tanggalin o kaya naman takpan ang mga sharp corners sa loob ng bahay para maging ligtas ito para sa baby. Maaari kang bumili ng mga rounded caps online o sa mga hardware stores na maaaring mailagay sa mga sharp corners. 

Dahil sa kanilang tangkad malaki ang risk sa mga bata na matusok ang kanilang mga mata, ulo, kamay at iba ng mga matatalim na corners na ito. 

14. Pananaliksik tungkol sa mga houseplants bago sila ilagay sa loob ng bahay

Aminin natin, na karamihan sa atin ay isang certified planTita at planTito. Pero alam niyo bang mga mga halamang toxic o nakakalason para mga baby at pets. Kaya naman mahalaga na mag-research muna tungkol sa halamang gusto mong ilagay sa loob ng inyong bahay. Mayroon kaming listahan dito. I-click dito. 

Minsan ang mga bata rin ay may underlying allergy na hindi mo rin alam. Malalaman mo lang din ito kapag nadikit siya sa halaman. Pero pwede mo naman i-double-check palagi ito para maging ligtas na bahay para sa baby ang inyong tahanan. 

15. Iwasan ang mga mahahabang table cloth

Maliban na lang kung ang iyong baby ang palihim na magaling sa paghatak ng mga long table cloth na hindi naman nagugulo ang lamesa. Maganda na iwasan na ito ngayon. 

Maaari kasing hatakin ito ng inyong anak at hindi magandang opurtinidad ito dahil baka mabagsakan sila ng mga bagay na nasa lamesa. 

Katulad ng maiinit na tubig, kutsilyo, at iba pa na maaaring magdala ng injury sa kanila. Iwasan ang risk na ito at siguraduhing naka-tuck o maikli ang inyong table cloth.

Ito lamang ang ilan sa mga child safety guidelines na maaari mong sundan para maging ligtas na bahay para sa baby ang inyong tahanan. Tandaan na kapag nakaramdaman ka na hindi ito para ligtas sa anak mo ay gumawa ka na ng paraan. 

Kaya naman sundin ang inyong instinct at babaan ang risk ng injury sa iyong anak. Ang ideya dito ay makapaglikha ng masaya at ligtas na paligid para sa paglaki at pag-develop ng inyong anak sa loob ng inyong tahanan. 

 Republished with permission from theAsianparent Singapore

If you want to read the English version of this article, click here.

Isinalin ni Marhiel Garrote

Sinulat ni

The Asian Parent