X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

E-cigarette liquid naging sanhi ng pagkamatay ng baby

3 min read
E-cigarette liquid naging sanhi ng pagkamatay ng baby

Ayon sa ulat, aksidente raw na nainom ng sanggol ang liquid nicotine na ginagamit sa mga e-cigarette. Ang kemikal na ito ay lubhang mapanganib para sa mga sanggol.

Importante sa mga magulang na siguraduhing malayo sa kanilang mga anak ang iba't-ibang kemikal na posibleng makalason sa kanila. Ito ay dahil likas na sa mga bata ang pagiging curious o mausisa tungkol sa kanilang paligid. 

At ito na nga ang naging dahilan upang mamatay ang isang sanggol, dahil aksidente raw nitong nainom ang liquid nicotine na ginagamit para sa e-cigarette. Ano nga ba ang dalang panganib ng liquid nicotine, at ano ang magagawa ng mga magulang tungkol sa mga aksidenteng pagkalason?

Liquid nicotine, ikinamatay ng isang sanggol

Ayon sa ulat, nangyari raw ang insidente sa Australia kung saan ipinagbabawal ang ganitong klaseng kemikal. Bagama't ipinagbabawal ang liquid nicotine sa Australia, mayroon pa ring nakakapuslit nito sa loob ng bansa.

Ginagamit ang kemikal na ito sa mga e-cigarettes bilang bahagi ng e-juice, o ang likido na ginagamit pampausok sa e-cigarette. Bagama't safe ito sa mga matatanda, ito ay lubhang mapanganib para sa mga bata at mga sanggol. Kahit maamoy lang, o kaya malagay sa mata ng sanggol ay nakamamatay ang ganitong kemikal. Isang ml lang ng nicotine ang kinakailangan upang mamatay ang isang sanggol, kaya't dapat itong ilayo sa mga bata.

Hindi naglabas ng iba pang detalye ang doktor na tumingin sa bangkay ng sanggol, ngunit kumpirmadong nicotine nga ang nakamatay sa bata. Dahil dito, inuudyok ng gobyerno ng Australia na mag-ingat ang mga magulang na gumagamit ng vape o kaya e-cigarettes.

Ang isa raw problema ay makulay ang balot ng mga e-juice na binebenta sa merkado. Dahil dito, inaakala ng mga bata na candy o kaya matamis ang laman nito. Isa pa ay hindi lahat ng e-juice ay nakalagay sa child-proof na lalagyan. 

Dahil sa lalong pagsikat ng mga e-cigarette, mas importante na maging mapagmatiyag ang mga magulang, at mag-ingat sila kung sila ay gagamit ng ganitong klaseng mga produkto.

Paano makakaiwas sa pagkalason?

Hinding-hindi dapat binabalewala ng mga magulang ang  posibilidad na malason ang kanilang anak. Kinakailangang maging maingat at siguraduhin ng mga magulang na hindi maabot ng kanilang mga anak ang iba't-ibang mga kemikal na mahahanap sa bahay.

Heto ang ilang mga tips na makakatulong upang mapanatiling ligtas ang mga bata.

  • Ilayo ang mga produkto tulad ng baby oil, sabon, shampoo, etc sa iyong anak. Ilagay ito sa matataas na lugar, o kaya sa loob ng cabinet na hindi nila mabubuksan.
  • I-lock ang mga lalagyan ng mga household chemicals tulad ng bleach, muriatic acid, at drain cleaner. Siguraduhing hindi ito abot, o mabubuksan ng iyong anak.
  • Isara lagi ng mabuti ang takip ng mga gamot at iba pang kemikal. Ito ay upang hindi ito aksidenteng mabuksan ng mga bata.
  • Hangga't maaari, palaging bantayan ang iyong anak upang mailayo sila sa panganib.
  • Alamin ang mga ingredients ng mga produktong iyong binibili. Kung maaari, bumili ng mga produktong safe at organic upang siguradong walang masasamang kemikal na nakahalo.

 

 

Partner Stories
A mother’s sacrifice: Heroic tales of love and care from mom frontliners
A mother’s sacrifice: Heroic tales of love and care from mom frontliners
Celebrity ‘fur-rents’ Megan Young, Mikael Daez are new Doggo ambassadors
Celebrity ‘fur-rents’ Megan Young, Mikael Daez are new Doggo ambassadors
Sing your heart out with ‘The Disney Family Singalong’ stars on Disney Channel
Sing your heart out with ‘The Disney Family Singalong’ stars on Disney Channel
How to Really Reduce Plastic Use – and Why a Total Ban may not be the Real Solution
How to Really Reduce Plastic Use – and Why a Total Ban may not be the Real Solution

Sources: Pirate FM, SEATCA

Basahin: Viral photo shows 6-year-old from Laoag City using an e-cigarette

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • E-cigarette liquid naging sanhi ng pagkamatay ng baby
Share:
  • Bagong silang na sanggol patay sa sakit na kung tawagin ay enterovirus

    Bagong silang na sanggol patay sa sakit na kung tawagin ay enterovirus

  • "Ihiwalay ang mga sanggol na 6-buwan pababa," payo ng DOH laban sa tigdas

    "Ihiwalay ang mga sanggol na 6-buwan pababa," payo ng DOH laban sa tigdas

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

    STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

  • Bagong silang na sanggol patay sa sakit na kung tawagin ay enterovirus

    Bagong silang na sanggol patay sa sakit na kung tawagin ay enterovirus

  • "Ihiwalay ang mga sanggol na 6-buwan pababa," payo ng DOH laban sa tigdas

    "Ihiwalay ang mga sanggol na 6-buwan pababa," payo ng DOH laban sa tigdas

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

    STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.