LJ Moreno eldest son na-bully sa school. LJ ikinuwento ang nangyari sa anak at ano ang naging reaksyon at ginawa niya bilang isang ina.
Mababasa sa artikulong ito:
- LJ Moreno eldest son bullying experience.
- Palantaan na na-bubully ang iyong anak at ang mga dapat gawin.
LJ Moreno eldest son bullying experience
Image from LJ Moreno-Alapag’s Facebook account
Sa kanilang pinaka-latest na vlog update, ibinahagi ng dating aktres na si LJ Moreno na na-bully ang panganay niyang anak at adopted son na si Ian sa school.
Sina LJ ngayon kasama ang mister na si Jimmy Alapag at tatlong anak na sina Ian, Keona at Calen ay naka-base na ngayon sa Amerika.
Kuwento ni LJ sa nangyayaring pambu-bully sa anak ay na-late siya sa pagsundo dito sa school ng 10 minuto kaya nangyari ang insidente. Nakita na lang umano niya na galit na galit ang anak at nang pumasok sa loob ng kotse ay napaiyak na.
“Pagkasundo ko sa kaniya, hindi siya nagsasalita. Tapos I saw there were kids there but he doesn’t say anything tapos parang galit na galit siya. And finally, when we got in the car, nag-break down na siya.”
Ito ang kuwento ni LJ.
Dagdag niya kaya pala napaiyak ang anak dahil binully raw siya ng mga bata sa kanilang school. Kinuha ang mga gamit niya at ang sombrero niya ay nilagay sa basurahan. Inaasar daw siya ng mga ito at ini-enganyo siyang manakit para makaganti.
“Apparently, one of the boys daw put his cap dun sa trash can. Tapos mino-mock siya. ‘Yong skateboard niya kinuha ng isang kid. Mino-mock siya nagpapahabol.
They are calling him names. Pinoprovoke siya na hit me, hit me. And sabi raw niya ‘I’m not gonna do the first strike because I am not a bad guy.’”
Ito raw ang kuwento ng panganay na anak ni LJ.
Naging reaksyon ni LJ matapos malamang na-bully ang anak niya
Image from LJ Moreno-Alapag’s Facebook account
Nakita raw ni LJ kung gaano naapektuhan ang anak sa nangyaring insidente. Pero imbis na magalit ay sugurin ang mga batang nam-bully dito ay nagpigil si LJ at kinausap nalang ng maayos ang anak.
“Hindi ba kapag nakikita mo ‘yong anak mong umiiyak parang nanggigil ka rin. But we have to make sure we are a good example and tell them the right thing.
So I said the best way really is to walk away and always tell Mama or Dada. And if your teachers were there, tell them.”
Ganito umano kung paano hinandle ni LJ ang naranasang bullying incident ng panganay niya. Dagdag pa niya, hindi tamang may nabubully na mga bata.
Kaya tayo bilang mga magulang ay dapat gawin ang ating part na masigurong hindi nabibiktima ng bullying ang ating anak. At ang best way para magawa ito ay ang siguraduhing nakakausap mo ang iyong anak at nalalaman mo ang mga nangyayari sa kaniya.
“No kid should get bullied and I think as parents we have to make it a point na talagang kausapin natin ‘yong kids natin every day.
Ask them how school is kasi hindi naman natin talagang maiiwasan, meron talagang mga ganun na mangyayari in school.
The easy way out could be homeschool him again but then what would that be teaching him di ba? So I told him at kinausap ko naman siya ng mabuti at ok na siya.”
Ito ang sabi pa ni LJ.
Image from LJ Moreno-Alapag’s Facebook account
BASAHIN:
Ito ang epekto sa bata kapag binu-bully siya ng kaniyang kapatid, ayon sa study
Ano ang mga signs na nabu-bully ang iyong anak?
Para maiwasan natin ang bullying o matigilan natin ito ay dapat alam natin bilang mga magulang ang mga palatandaan na nabubully na ang isang bata.
Madalas, ang mga palatandaan nito ay mga sugat o pasa na resulta ng physical bullying na naranasan ng isang bata. Pero maari ring nabubully na ang isang bata na walang naiiwan na pisikal na palatandaan. Ang ibang mga signs na mapapansin sa kaniya ay ang sumusunod:
- Iba ang kinikilos niya o siya ay nagiging anxious o nagiging sobrang worry o nerbyoso.
- Hindi siya nakakain at nakakatulog ng maayos.
- Ayaw niya ng gawin ang mga bagay na nai-enjoy niyang ginagawa noon.
- Naging moody siya o madaling magalit hindi tulad ng dati.
- Umiiwas siya sa ilang pangaraw-araw na sitwasyon tulad ng pagpasok sa school.
Ano ang dapat gawin?
Ang una mong dapat gawin kung nagpapakita ng signs of bullying ang iyong anak ay ang kausapin siya. Alamin mo kung ano ang nangyayari sa kaniya.
Iparamdam mo sa kaniya na maari ka niyang pagkatiwalaan at siya ay hindi mo iiwan. Ipaliwanag sa kaniya na ang bullying ay hindi magandang pag-uugali at hindi lang siya ang nakakaranas nito.
Turuan rin siya ng mga bagay na dapat niyang gawin sa oras na nabully siya at hindi kasama dito ang pagganti. Kausapin agad ang mga adults sa lugar na kung saan nabubully ang iyong anak tulad ng teachers niya sa school.
Ito ay upang mabantayan nila ang iyong anak sa oras na wala ka. At upang makagawa rin sila ng tamang aksyon para kausapin at paliwanagan ang nambubully sa iyong anak.
Huwag ding kalimutang i-praise ang iyong anak sa oras na ginawa niya ang tama at hindi gumanti sa mga batang nambubully sa kaniya.mHigit sa lahat, maging present ka sa lahat ng oras para sa kaniya.
Makinig sa mga sinasabi niya at iparamdam na laging nandyan ka para tulungan at gabayan siya sa anumang problemang kakaharapin niya bilang isang bata.