LJ Reyes engaged na sa non-showbiz boyfriend

Celebrity mom makikitang very happy sa bagong yugto na ito ng kaniyang buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LJ Reyes engaged na nga ba sa non-showbiz boyfriend? Mga kaibigan ni LJ dumagsa ang pagbati sa celebrity mom.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • LJ Reyes engaged na sa non-showbiz boyfriend.
  • Reaksyon ng mga netizens.

LJ Reyes engaged na sa non-showbiz boyfriend

Larawan mula sa Instagram account ni LJ Reyes

Aktres at celebrity mom na si LJ Reyes binigla ang mga netizens sa kaniyang naging post kasama ang hinihilang boyfriend. Pero ang mas nakakabigla sa mga larawang ibinahagi ni LJ ay makikitang nag-propose ng kasal ang sinasabing lalaki na nagngangalang Philip Evangelista.

Sa latest Instagram post ni LJ ay makikita ang mga larawan niya kasama ang isang lalaki sa isang beach. Ang lalaki may kuha ng litrato na nakaluhod at may ipinapakita sa box kay LJ na tila isang singsing. Sa mga sunod na lalarawan ay makikitang isinusuot ng lalaki ang singsing sa kamay ni LJ. Habang ang celebrity mom, makikitang napakasaya at napaiyak pa nga sa sumunod na larawan kung saan yakap-yakap niya ang lalaking nakatagged sa kaniyang IG post.

Reaksyon ng mga netizens

Walang ibinigay na detalye si LJ sa kaniyang IG post. Pero ang caption nito ay pumukaw sa atensyon ng marami. Dahil sa marami ang nakarelate sa pinagdaan ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.”

Jeremiah 29:11 NLT

Matatandaang taong 2021 ng nagpunta ng US si LJ kasama ang mga anak na si Aki at Summer. Ito ay matapos ang kontrobesyal na hiwalayan nila ng aktor na si Paolo Contis. Si LJ noon ay piniling mamalagi nalang sa US at muling magsimula sa kaniyang buhay. Pinili niya ring manahimik at maging pribado sa kaniyang mga aksyon habang nasa ibang bansa. Hanggang sa kahapon ay binigla nga ni LJ ang lahat sa kaniyang recent IG post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni LJ Reyes

Ang mga celebrity friends ni LJ masaya sa bagong balita na ito sa celebrity mom. Ilan sa mga bumati kay LJ na nagpaabot ng kanilang kasiyahan sa bagong yugto na ito sa buhay ni LJ ay sina Marian Rivera, Carla Abellana, Melissa Ricks at Ryza Cenon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement