LJ Reyes on finding a better version of herself: "It’s not easy at all."

Nagsisilbing inspirasyon si LJ Reyes para sa mga single mother na tulad niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang matapang na LJ Reyes ang ibinida niya sa kanyang Facebook post na may mensahe ng tungkol sa self-love. Si LJ ay solong pinapalaki ang kaniyang dalawang anak habang sila ay nasa America.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • LJ Reyes sa pagpapahalaga sa self-love
  • Mga hinarap na challenges ni LJ Reyes

Larawan mula sa Instagram account ni LJ Reyes

LJ Reyes sa pagpapahalaga sa self-love

Matapang na ibinahagi ng aktres at single mom na si LJ Reyes ang kanyang mga selfies sa Facebook account nito kasabay ng mensahe para sa kanyang sarili. Sa caption ni LJ, sa ngayon daw ay hindi man ganoon kadali pero sinusubukan niyang tahakin ang daan para sa paghahanap ng kanyang sarili.

Pinilit din ni LJ Reyes na subukan ang pagkakaroon ng self-love at self-care kahit pa mahirap para na rin sa dalawa niyang anak na sina Aki at Summer.

“On my journey to finding a better version of myself! It’s not easy at all. Definitely not. Self-care/self-love is a bit thin when you have two other lives depending on you. (But of course I wouldn’t have it any other way!)”

Malaking tulong din daw ang mga tao sa paligid niya niya na nag-iiwan ng mensahe na may katulad niyang karanasan. Dahil daw sa mga kuwento nila ay mas lalo siya nai-inspire at lumalakas ang loob upang magpatuloy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Along the way, I have received messages and talked to people with similar experience or even those with a different one but took all their might and faith to rebuild.

Honestly, you have inspired me more than I have inspired you! And one day, someday, I would be able to give back the strength I found from hearing these empowering stories of faith and perseverance!

Sa pagtatapos niya, sabi niya rin na lahat daw ng mga taong ito ay deserve ng pagmamahal.

“For the meantime, know that each one of you is beautiful. Each one of you deserve to feel loved. Each one of you is in the hands of God. Stay wonderful!”

Larawan mula sa Instagram account ni LJ Reyes

Napuno naman ang comment section ng pagsuporta at pagbibigay ng mensahe ng inspirasyon para sa aktres.

“Be happy po. You deserve it!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You are such an inspiration. Keep it up, Ms. LJ!”

“Alam mo Ms. LJ, same po ang kwento ng buhay natin. Isang araw nagising ako na hindi na pala ako or kami ang mahal niya. Nakakalungkot at kailangang pagdaanan ng mga anak ko ang ganitong sitwasyon. Pero sa kabila ng lahat, sinikap kong itaguyod ang mga anak ko.”

 

Isa ang aktres na si LJ Reyes sa naging usap-usapan noong nakaraang taon dahil sa naging issue ng dating karelasyon nito na aktor na si Paolo Contis. Pumutok kasi ang issue na nag-cheat si Paolo sa aktres sa co-star nito sa pelikulang “A Faraway Land” na si Yen Santos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inamin naman kalunan ng aktor na nag-cheat nga siya pero hindi raw involved si Yen dito.

“Aaminin ko, naging marupok  ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions,”

Larawan mula sa Instagram account ni LJ Reyes

Pinagtanggol niya rin ang kaibigan niya raw noon na si Yen na pangunahing dawit sa issue ng hiwalayan nila,

“She (Yen Santos) was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung ano-ano.”

Ayon kay LJ sa interview niya with Boy Abunda, dalawang buwan mula raw nang maghiwalay sila ng dating karelasyon na si Paolo ay “no efforts” daw na makipag-usap ito sa kanya. Sa kabila raw nito nais pa rin niyang mapatawad ang aktor upang makamove on nang maayos,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pinagdadasal ko na mapatawad ko siya kasi I know if I don’t forgive him, this very dark emotion will eat me up. I won’t be able to move forward with my kids nang maayos, ‘yong walang galit.”

Inamin din dito ni LJ Reyes na hindi pa rin nawawala ang sakit na ginawa ni Paolo Contis. Ang pangunahing iniisip na lang niya ngayon ay ang desisyon na magbebenefit ang kanyang mga anak.

“Siyempre, may pain. Hindi pa mawawala ‘yon. But for me to make, at least, decent decisions that will benefit my kids I really have to set aside all those negative emotions,”

Nangako naman ang aktor na si Paolo Contis na tutulong siya sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva