X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ruffa Gutierrez sa reunion nina Lorin, Venice at Yilmaz Bektas after 15 years: “Everything was worth the wait.”

5 min read
Ruffa Gutierrez sa reunion nina Lorin, Venice at Yilmaz Bektas after 15 years: “Everything was worth the wait.”

Lorin at Venice nakasama ring muli ang equally beautiful nilang older sister na si Ilknaz. Lorin and Venice Bektas masayang nakasamang muli ang kanilang amang si Yilmaz.

Lorin and Venice Bektas masayang nakasamang muli ang kanilang amang si Yilmaz matapos ang 15 taon.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Reunion nina Lorin and Venice sa kanilang amang si Yilmaz Bektas
  • Bakit umabot ng 15 taon bago payagan ni Ruffa ang mga anak na sina Lorin at Venice na makitang muli ang kanilang ama

Reunion nina Lorin and Venice sa kanilang amang si Yilmaz Bektas

Nitong mga nakaraang araw ay makikita ang kakaibang saya ng dating beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez sa kaniyang mga Instagram post. Dahil matapos ang 15 taon ay nakasama na ng kaniyang mga anak na sina Lorin and Venice Bektas ang kanilang amang si Yilmaz.

Si Ruffa excited na inihatid ang mga anak niya sa airport bago tuluyang lumipad ang mga ito pa-Istanbul, Turkey.

 
View this post on Instagram
  A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

“5:30am drop off for Lorin & Venice’s morning flight to Istanbul. The girls are super looking forward to reuniting with their Baba and Turkish loved ones after more than a decade.

My cuties, have a meaningful, memorable and fun trip! Take lots of pics & videos. Better yet, vlog! I love you.”

Ito ang mensahe ni Ruffa sa mga anak sa pag-alis ng mga ito papuntang Turkey.

Sa sumunod na Instagram post ni Ruffa ay makikita na ang muling pagsasama ng mag-ama. Si Lorin at Venice, personal na sinundo ng ama nilang si Yilmaz sa airport na agad niyakap at pinaghahalikan ang mga anak ng makita ang mga ito.

“The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart.”

 
View this post on Instagram
  A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

Ang mga celebrity friends ni Ruffa hindi mapigilang maging emosyonal sa tagpong ibinahagi ng aktres. Kahit sila mismo umano ay na-touch at labis ang kasiyahan na nakasama na nila Lorin at Venice ang kanilang amang si Yilmaz.

jackie_forster I can’t with this. Thank you so much to Yilmaz also, you can all begin to heal. God is good!

jinkeepacquiao God is good all the time!

mond Made me tear up. So happy for them!

Sa reunion nina Lorin at Venice sa kanilang ama, pati ang older sister nilang si Ilknaz ay nakasama rin ng magkapatid. Si Ilknaz ay ang anak ni Yilmaz sa nauna niyang misis na si Selen Görgüzel, isang kilalang aktres sa Turkey.

“Trust in God’s perfect timing. It took patience and a whole lot of faith, but everything was worth the wait.”

Ito ang caption pa ng post ni Ruffa kung saan makikita ang reunion ng mga anak na sina Lorin at Venice sa kanilang ama.

lorin and venice, ilknaz bektas with dad yilmaz

Larawan mula sa Instagram video ni Ruffa Gutierrez

Samantala, makikitang nagi-enjoy talaga ang magkapatid na sina Lorin at Venice sa bakasyon nila ngayon sa Istanbul. Sa isang IG story nga ni Lorin ay nagbahagi siya ng selfie nilang tatlo ng mga kapatid niyang si Venice at Ilknaz.

Advertisement

“All 3 sisters finally complete.”

Ito ang mensaheng makikita sa post na ito ni Lorin.

lorin and venice bektas with sister ilknaz

Siya ay nag-post rin ng larawan nila ni Venice kasama ang amang si Yilmaz. Ang caption niya rito ay “Family Ties”.

lorin and venice bektas with dad yilmaz

Larawan mula sa Instagram account ni Lorin Gutierrez

BASAHIN:

Ruffa Gutierrez malapit ng mag-graduate ng college at 47 years old: “It’s never too late!”

Angelica Panganiban reveals gender of her first baby: “I have my mini me!”

Chito Miranda kung papaano napasagot si Neri Naig: “Trinato ko siya bilang prinsesa”

Bakit umabot ng 15 taon bago muling makasama nina Lorin at Venice ang kanilang ama

Taong 2007 nang umuwi si Ruffa Gutierrez sa Pilipinas kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice. Ito ay matapos ang apat na taon ng maikasal sa kilalang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

Sa naging pag-uwi ni Ruffa ay baon niya ang balitang tumakas at nakikipaghiwalay na siya sa asawa. Dahil si Ruffa nakaranas raw ng paulit-ulit na pang-aabuso sa kamay nito.

“Yes, I have many scars in my body and it came to a point where I would just put makeup on them, cover them up. When he would cut my hair, I would put hair extensions. It became like a normal situation.”

Ito ang sabi ni Ruffa sa isang panayam kung saan ibinahagi niya ang naranasang pang-aabuso.

Sa isang panayam kamakailan lang ay ibinahagi ni Ruffa na ang trauma na naranasan ang naging dahilan para magdalawang-isip siyang ipakita ang mga anak sa ama nilang si Yilmaz.

Pero kamakailan lang, sa huling pag-uusap nila ni Yilmaz ay siniguro daw nito na wala siyang balak na gumawa ng kahit anumang masama sa mga anak niya. At ang mga anak na mismo ang nagsabi na maaring ito na ang tamang oras para harapin na ang kanilang ama.

“Before takot ako na baka makidnap sila or whatever. But I think now that they are adults. And they can go with someone older than them maybe it’s gonna be ok. I have to talk about it with the kids. Malalaki na sila sa tingin ko naman kaya na nila ‘yan.”

“And then sabi nga ni Yilmaz if there’s something that I wanted to do, sana matagal ko ng ginawa. It’s been 15 years so maybe it’s the time na mag-reconcile sila. So whatever pain na nasa dibdib nila, matatanggal na ‘yon. Kasi after all that’s still their dad.”

Ito ang sabi pa ng dating beauty queen sa naturang panayam.

Instagram

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Ruffa Gutierrez sa reunion nina Lorin, Venice at Yilmaz Bektas after 15 years: “Everything was worth the wait.”
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko