Lorna Tolentino ibinahaging seven years old palang siya ng ipangako ni Rudy Fernandez sa kaniyang sarili na siya ang papakasalan nito

Kuwento pa ng aktres, si Rudy Fernandez ang unang lalaking minahal niya at talagang tumupad sa pangako nito sa sarili na papakasalan siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang isang pangako na ayon kay Rudy ay talagang tinupad niya lumipas man ang maraming taon at maraming babae man ang nakilala sa showbiz industry.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Lorna Tolentino and Rudy Fernandez love story.
  • Ready na ba si Lorna na ma-inlove ulit?

Lorna Tolentino and Rudy Fernandez love story

Larawan mula sa Instagram account ni Lorna Tolentino

Sa panayam sa kaniya ng batikang newscaster na si Korina Sanchez ay ibinahagi ng aktres na si Lorna Tolentino ang pagsisimula ng love story nila ni Rudy Fernandez. Ayon kay Lorna, pitong taon palang siya nang unang magkita sila ni Rudy o kilalang Daboy sa showbiz. Sa unang pagkikita daw na yun ay ipinangako ni Daboy na si Lorna ang babaeng papakasalan niya. Ang aktor noon ay 17-anyos at sampung taon ang agwat ng edad kay Lorna Tolentino. Pagbabahagi pa ni Lorna, binilinan pa nga daw ni Daboy noon na palakihin ng maayos si Lorna sapagkat ito nga ang babaeng papakasalan niya.

“Seven years old ako noong nakita niya ako. Tapos noong 14 years old ako, naging best friend niya ‘yung kapatid ng mama ko. Pumupunta siya sa bahay tapos nakikita na niya ako. Noong adult na ‘yung mga roles namin, medyo naging close na kami.”

“Actually ang sinabi niya sa akin, tinupad daw niya ‘yung pangako niya noong pinakasalan niya ako. Yung pangakong pakakasalan niya nga ako noong makita niya ako noong seven years old ako. Palakihin daw nang mabuti ‘yung batang ‘yan at pakakasalan ko siya.”

Ito ang pagbabalik-tanaw ni Lorna sa naging love story nila ni Rudy Fernandez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Lorna Tolentino

Ready na ba si Lorna na ma-inlove ulit?

Kuwento pa ng aktres, si Daboy ang una’t huling lalaki sa buhay niya. Ito ay pumanaw sa sakit na cancer noong 2008. Kaya naman ng matanong kung ready na ba siyang mainlove ulit matapos ang ilang taong pagiging single, ito ang nasagot ni Lorna.

“You know what hindi naman pinaplano yan. But I pray that someday, someone will take care of me when I get older. You can’t really avoid it but it’s up to Him.”

Ito ang sabi pa ni Lorna na nasa plano na daw ng Diyos kung siya ba ay iibig pang muli o hindi na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Lorna Tolentino at Rudy Fernandez ay ikinasal noong 1983. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na sina Renz at Raphael.

Larawan mula sa Instagram account ni Lorna Tolentino

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement