TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Mom confession: "Nakakasakit ng damdamin na masabihan ng LOSYANG"

5 min read
Mom confession: "Nakakasakit ng damdamin na masabihan ng LOSYANG"

Pakiramdam niyo ba ay losyang na misis na kayo? Hindi kayo nag-iisa. Ito ang tips ng isang mommy para hindi natin ito maramdaman.

Masyado na kasi tayong na busy at minsan hindi na tayo nagkakapag-ayos, minsan nasasabi natin sa sarili natin na losyang na misis na ata tayo, I feel you, mommies. Nakakasakit din ng damdamin na masabihan ng minsan, lalo na ng mga taong malalapit sa atin.

Hindi talaga madali ang mag-alaga ng pamilya samahan pa ng mga sandamakmak na gawaing-bahay sa araw-araw.

Bonus na lang talaga na maisipan pang magpaganda. Pero aminin natin na nakakadagdag sa bagahe natin as mommies ang emotional stress lalo na kung napunu tayo ng insecurities.

In reality, hindi naman burden ang mag-ayos tayo ng sarili. Sa katunayan mas nakakaboost pa ito ng self-esteem. Kaya kailangan nating mai-address ng maayos kung saang banda ba tayo nagkulang? Nakakasakit din kaya ng damdamin na masabihan ng lusyang.

Kaya alamin natin ang mga bagay na nakakapagpa-l0syang sa atin.

losyang na misis

Larawan mula sa Shutterstock

7 na habits na ginawa natin kaya nagiging losyang na misis tayo

1. Wala tayong motivation

Lagi kasi natin tinitignan kung ano ang pangit sa atin, kaya hindi tayo motivated na magpaganda. Hinahayaan na lang na mukhang zombie ang itsura.

Basagin ang ideyang yan. Huwag magpadala sa nakikita. Tandaan na sa sarili magsisimula ang pagmamahal at pag aalaga. Kung naibibigay natin ‘yan ng tama sa ating sarili, maibibigay rin natin ‘yan sa ating pamilya.

2. Wala na tayong confidence

Binabase kasi natin sa laki ng katawan ang pagiging maalindog. Iyon bang balingkinitan lang ang may karapatan magsuot ng halter dress. Hubarin ang ganyang paniniwala.

Chubby man tayo, suotin natin lahat ng damit kung saan tayo komportable. ‘Di kailangan makiuso, huwag piliting mag crop top kung ‘di natin kayang panindigan, dahil mas blooming sa paningin ang babaeng may kumpiyansa at marunong magdala sa sa Balingkinitan man o Chubby.

losyang na misis

Masakit masabihan ng losyang na misis. | Larawan mula sa Shutterstock

BASAHIN:

Reinanay Julianne as a SAHM: “Ako lang ng ako—hanggang nalosyang na ako.”

Mom confession: “Feeling ko sobrang losyang ko na.”

“Hindi ako LOSYANG—mas inuuna ko lang ang anak ko kaysa sarili ko”

3. Mababang self-esteem

Minsan ay naiimpluwensyahan tayo ng mga nakikita natin sa social media. Bumababa na ang ating self-esteem dahil sa pagkokompara ng ating sarili sa mga magagandang mommies sa IG, FB, Tiktok and the likes.

Kaya ayaw na nating mag effort na pagandahin ang sarili, dahil iniisip natin na hindi ma-achieve ang gandang artista kahit anong gawin. I-deactivate natin ang ganyang kaisipan.

Unique ang bawat beauty nating mga mommies. Hindi kailangan na kamukha mo si Gal Gadot para may karapatan kang mag-ayos. Love your own face and prettiness. Maraming skin and beauty care para mag-bloom ang gandang hindi inaakala.

losyang na misis

Larawan mula sa Shutterstock

4. Hindi na tayo nagbibigay ng oras para sa ating self-care

Lagi tayong walang oras sa ‘me time’ kulang tayo sa pahinga parati. Tinitignan lang natin ang ating mga relo kung tanghali na ba o takip-silim. Mas priority kasi natin na tapusin lahat ng makitang gawain sa bahay bahala na kung walang pahinga.

Kahit imposibleng matapos pinipilit pa rin kaya ang ending para ng lantang gulay. Ayaw nang maligo dahil mas gusto ng matulog at maaga na naman gigising kinabukasan at magpapagod na ama sa araw.

Itigil natin ang ganyang routine dahil ikamamatay natin yan ng maaga. Hatiin ang gawaing bahay dahil hindi naman mauubos ang bukas.

5. Wala tayong leisure time

Grocery store lang kasi ang alam puntahan ng mga sapatos natin. Kailangan din natin magliwaliw para maginhawaan naman ang mga katawan sa dami ng ating ginagawa.

Para maging magaan din ang ating isipan na punong-puno ng mga problema. Kahit problema ng kapit-bahay iniisip pa. Nakakatulong ang paminsang-minsan unwind.

Nakakatanggal ng stress hormones na nagpapatanda sa itsura natin. Apakan ang mga alalahanin natin sa buhay. Hindi tayo alipin ng sarili nating bahay.

6. Pag-deny natin sa ating personal needs

Masyado tayong nagtitipid na kahit 20 pesos na kojic soap ayaw pang bumili. Hindi naman luho na kahit minsan mapagbigyan natin ang ating sarili bumili ng mga beauty products. Marami namang mura na mabibili na hindi nakakasira ng mukha. Hindi lang puro pangangailangan sa bahay at mga anak.

Kailangan din natin ng kunting alaga ng mga skincare para naman attractive pa rin tayo sa paningin natin sa ating sarili at sa  mga partners natin.

losyang na misis

Larawan mula sa Shutterstock

7. Wala nang intimacy

Sa sobrang pagod wala na ring panahon sa pagkakaroon natin ng time sa ating mga asawa. Sa bawat kalabit ni mister ang reply palagi “Huwag ngayon. Pagod ako.”

Base sa mga study nakaka-blooming ang palagiang lovemaking ng mag-asawa, nagpo-produce kasi ito ng love hormones. Kaya mas lalo tayong nalolosyang dahil sinasakop na ng stress hormones ang ating katawan.

Mahalaga na tayong mga nanay kahit na marmaing ginagawa ay binibigyan natin ng panahon ang ating mga sarili. Paano natin maibibigay ang best natin sa mga roles natin bilang nanay at asawa kung hindi tayo masaya o confident sa ating sarili?

Kaya naman mahalaga na maglaan tayo ng oras sa ating selfcare. Maaaring humingi tayo ng tulong sa ating mga asawa o iba pang miyembro ng pamilya para alagaan muna ang ating mga anak. Sa ganun magkaroon tayo ng time sa sarili natin para makapag-unwind at makapag-refresh.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.
img
Sinulat ni

Ena Burias

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • Mom confession: "Nakakasakit ng damdamin na masabihan ng LOSYANG"
Share:
  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

    Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

    Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko