LOOK: Lotlot de Leon nagpakasal sa kaniyang long-time Lebanese boyfriend

LOOK: Lotlot de Leon nagpakasal sa kaniyang long-time Lebanese boyfriend

Ganap na Mrs. Fadi El Soury na ang aktres na si Lotlot de Leon matapos makasal sa kaniyang Lebanese businessman na fiance kahapon.

Lotlot de Leon ikinasal na sa kaniyang long-time partner na si Fadi El Soury kahapon. Ang pribadong seremonya ay ginanap sa El Jardin de Zaida sa San Juan, Batangas na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

congrats Fadi and Lotlot #FADIgetsaLOToflove #LotlotAndFriends

A post shared by Shyr Valdez (@shyrvaldez) on

Mrs. Lotlot de Leon Soury

Matapos nga ng anim na taong masayang relasyon bilang magkasintahan ay naging pormal na ngang Mr. and Mrs. El Soury si Lotlot at ang kaniyang fiancé na ibinalita ng kanilang wedding designer na si Zandra Lim sa Instagram.

Sa caption nga ng Instagram post ni Zandra Lim sinabi niya na:

“This beautiful soul wanted her wedding to fall on their monthsary which is just a month short of their 6th anniversary. “One of the kindest to have breathe the same air with, I’m awestruck to have discovered that. Here she is, captured in one of her warmest laughs.”

Present sa napakaimportanteng event sa buhay ni Lotlot de Leon ay ang apat niyang anak sa dating asawa na si Ramon Christoper na si Diego, Max, Jessica at ang kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Si Janine nga ang gumanap na Maid-of-Honor sa kasal ng kaniyang ina na pinarisan ng rumored boyfriend niya na si Rayver Cruz bilang Best Man.

 

View this post on Instagram

 

❤❤❤ Scene from Lotlot & Fadi’s wedding @rayvercruz and @janinegutierrez are so sweet #fadigetsalotoflove #Repost @pikapikaph

A post shared by D’OriginalJanineGutierrezFans (@doriginaljaninegutierrez) on

Dumalo din sa kasal ni Lotlot de Leon ang amang si Christopher de Leon kasama ang asawa nitong si Sandy Andolong.

 

View this post on Instagram

 

Congratulations @mr._fady @ms.lotlotdeleon ❣️👰🏻🤵🏻 Happy for you😊❤️ We love you Lot😘 #eljardindezaida

A post shared by Sandy_Andolong de Leon (@sandy_andolong_de_leon) on

Nagpost nga si Janine Gutierrez sa kaniyang Instagram story ng isang video habang naglalakad papalapit sa altar ang kaniyang ina kasama ang kanyang lolo na si Christopher de Leon at kapatid na si Diego.

Lotlot de Leon kasama ang kaniyang ama.

Image from Janine Gutierrez Instagram account

Nakakaantig ngang panoorin ang father and daughter dance nina Lotlot de Leon at ng kaniyang ama na ishinare ng kaniyang kaibigan na si Shyr Valdez sa Instagram.

 

View this post on Instagram

 

the FATHER and DAUGHTER dance

A post shared by Shyr Valdez (@shyrvaldez) on

Naghandog nga rin ng isang kanta ang veteran actor na si Christopher de Leon sa kasal ng kaniyang anak na si Lotlot de Leon na ishinare rin Janine Gutierrez sa kaniyang Instagram story.

Christopher de leon habang kumakanta sa kasal ng anak na si Lotlot de Leon.

Image from Janine Gutierrez Instagram account

Napaka-fresh at romantic nga ng set-up sa venue ng kasal ni Lotlot de Leon at ng kaniyang bagong asawa na ibinahagi rin ng kanilang wedding designer na si Zandra Lima at ng kanilang event host na si Karen Kabuhat.

 

View this post on Instagram

 

Thank you Lord for the beautiful weather 🙏🏼🙏🏼🙏🏼 #FADIgetsaLOToflove #FADItiestheLOT

A post shared by Rhed Sarmiento (@rhedsarmiento) on

Ang 47-anyos na aktres ay hindi nga matago ang kaniyang kaligayahan sa panibagong milestone sa kaniyang buhay. Bago pa nga ang pinakahihintay niyang araw na ito, ay ibinahagi ni Lotlot de Leon ang excitement na kaniyang nararamdaman sa isang interview na kung saan sinabi niya na malaki ang pagkakaiba ng kasal niya na ito kumpara sa nauna. Dahil mula sa invitation, gown, motif at venue ay siya lahat ang nag-asikaso kasama ang kaniyang fiancé noon na si Fadi.

Sa isang litrato nga na ishinare ng aktres na si Shyr Valdez makikitang naroon din ang isa pang kapatid ni Lotlot de Leon na si Ian de Leon.

 

View this post on Instagram

 

the soon to be married couple Fadi and LotLot #FADIgetsaLOToflove #FADItiestheLOT #LotLotAndFriends

A post shared by Shyr Valdez (@shyrvaldez) on

Ang kasal na ito ni Lotlot de Leon ay ginanap sampung taon makalipas ang annulment ng kanilang kasal ng dating asawa na si Ramon Christopher.

Samantalang, ang bagong asawa ni Lotlot na si Fadi El Soury ay isang Lebanese businessman na nag-propose ng kasal sa kaniya, Hulyo ngayong taon.

 

Sources: GMA News, Inquirer, PEP

Photos: Nice Print Photography (right) & Pikapika (left)

Basahin: Actress Lotlot de Leon and biological mom reunited after 26 years

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner