Lotlot de Leon may mensahe sa mga kapwa niya magulang para maiwasan ang conflict o hindi pagkakaintindihan sa kanilang anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Lotlot de Leon sa mga magulang.
- Mensahe ni Lotlot para naman sa mga anak.
Lotlot de Leon sa mga magulang
May bagong proyektong pinagbibidahan ang aktres na si Lotlot de Leon. Ito ay patungkol sa relasyon ng isang mag-ina na talaga namang naka-relate ang aktres. Dahil matatandaang taong 2018 ng maikasal muli si Lotlot pero ang adoptive mother niyang si Nora Aunor hindi dumalo sa special event na ito sa buhay niya. Doon nagsimula ang usap-usapan na may hidwaan sa pagitan ng mag-ina.
“May mga bagay na mahirap ipaliwanag pero sa isang parte lang ako sigurado. Mahal ko sya at alam ko mahal nya din ako kame ng mga kapatid ko.”
Ito ang pahayag ni Lotlot noon ng matanong kung may hidwaan ba silang mag-ina.
Si Lotlot hindi idinetalye ang conflict sa pagitan nilang mag-ina na sa pagdaan naman ng panahon ay naayos na nila.
Sa naging karanasan na ito, si Lotlot may mga natutunan. Bilang isang anak at magulang narin sa ngayon, may payo siya sa mga tulad niyang magulang para maiwasan ang conflict o gulo ng tulad sa nangyari sa kanilang mag-ina.
“Sana magkaroon din lang ng puwang sa mga magulang na makinig sa mga kung ano ‘yung nararamdaman ng mga anak, na hindi rin maging sarado ang kanilang puso at isipan.”
Ito ang payo ni Lotlot sa mga kapwa niya magulang lalo na pagdating sa kung umiibig na ang kanilang anak.
Larawan mula sa Facebook account ni Lotlot de Leon
Mensahe ni Lotlot para naman sa mga anak
Si Lotlot may mensahe rin para sa mga anak na kung minsan ay hindi maintindihan ang desisyon ng magulang nila.
“Respetuhin mo naman. Kung ano ang tama para sa kanila, maaaring mali sa atin. Pero at the end of the day, in the culture of our country, being Filipinos, anak lang tayo lahat.”
Ito ang sabi pa ng aktres.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!