Lotlot de Leon sa pagiging adopted: "Never be ashamed of where you came from and your story!"

Christopher de Leon na ama ni Lotlot nagpaabot ng pagmamahal sa kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lotlot de Leon proud sa pagiging adopted. May pakiusap din ang aktres sa mga humahamak sa mga adopted na tulad niya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Lotlot de Leon on being an adopted child.
  • Pakiusap ni Lotlot de Leon sa mga humahamak sa mga adopted o ampon na tulad niya.

Lotlot de Leon on being an adopted child: “Yes, I am adopted and yes I am also human!”

Image from Instagram

Sa kaniyang pinakabagong Instagram post ay naglabas ng hinaing ang aktres na si Lotlot de Leon tungkol sa pagiging adopted niya. Panimula niya oo nga siya ay isang adopted, pero siya ay isa ring tao at mayroong pakiramdam.

“Yes, I am adopted and yes I am also human! I am not a commodity. I am my own person who have feelings too.”

Ito ang bungad ni Lotlot sa kaniyang Instagram post.

Pagpapatuloy pa ng aktres, marami siyang ipinagpapasalamat sa pagiging adopted niya. Kasama na rito ang mga negatibo niyang karanasan na siyang pundasyon sa kung sino siya bilang tao sa ngayon.

“I am grateful for many things in my life. I am grateful for all the good and bad things that I have been through because those are what molded me to be who I am today! And I accept what was and what is!”

Lotlot sa iba pang mga adopted na tulad niya: “Never be ashamed!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lotlot de Leon kasama ang amang si Christopher de Leon/ Image from Instagram

Kaya naman dagdag pa ng aktres ipagpapatuloy niya at pahahalagahan ang buhay na ibinigay sa kaniya ng Diyos. Panawagan niya nga sa ibang adopted o ampon na tulad niya, huwag ikahiya ito.

Maging proud sa kanilang pinagmulan at kuwento sa buhay. Higit sa lahat ay suklian din ng pagmamahal ang mga taong nagpakita ng maayos na pakikitungo sa kanila.

“I will keep on moving forward owning this life that was given to me. For those who are like me, never be ashamed of where you came from and your story! Continue to live your life because this is percent yours! Love those who truly love you!  ”

May pahabol rin siyang pakiusap sa mga taong patuloy na nagdi-discriminate ng mga batang adopted o ampon. Sana ito raw ay itigil na dahil ampon man sila kung tawagin sila ay tao rin at may pakiramdam.

“Oh and please to those who keep on discriminating ADOPTED kids, let go of the bigotry. It’s so unbecoming of a supposed “human being”! #hindiakorobot”

Ito ang sabi pa ni Lotlot de Leon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Lotlot De Leon ibinahagi ang status ng relasyon sa inang si Nora Aunor

Actress Lotlot de Leon and biological mom reunited after 26 years

Proseso ng pag-aampon sa Pilipinas: Mga hakbang at kwalipikasyon

Reaksyon ng mga netizens

Maraming mga netizen ang suportado ang post ni Lotlot tungkol sa adoption. Lalo tungkol sa diskriminasyon na nakukuha nila sa ibang tao.

“Stop discriminating adopted kids! I worked as a foster parent. Alam ko kung gano kahirap ang pinagdaanan ng mga batang ‘yan. Hindi nila ginusto na maging foster child o adopted child. Kaya please tigilan na natin ang pag di discriminate sa kanila.”

Ito  ang sabi ng isang netizen.

May mga netizens naman na tulad rin ni Lotlot na adopted ang naka-relate sa post niyang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We are chosen by our parents! That’s the joy of being adopted! Sharing the same sentiment.”

Ito ang sabi ng isang netizen.

Mayroong isang netizen din ang nakapagpatunay kung paano naging isang magandang regalo sa mundo ang mga adopted na tulad ni Lotlot.

“I am an adoptive mother and I love my daughter more than anything else in this world. Like you, she is so sweet, kind, always grateful. I am a mother, a grandma now because of her, and she was my greatest blessing from God. I believe children like you were God-sent. Tight hugs Ms. Lotlot.”

Ito ang sabi pa ng netizen.

Samantala, nagpaabot naman ng pagmamahal kay Lotlot ang mga nakilala at itinuturing niyang pamilya. Tulad na lang ng aktres na si Sandy Andolong na misis ngayon ng ama ni Lotlot na si Christopher de Leon.

“Tight hug @ms.lotlotdeleon. You are loved by many, especially your dad, me & the de Leon clan❤️”

Ito ang komento ni Sandy Andolong sa IG post ni Lotlot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinaramdam din ng aktor na si Christopher de Leon ang pagmamahal niya sa anak at nag-komento sa post nito na may buong pagmamahal.

Si Lotlot de Leon ay adopted child nina Christopher de Leon at Nora Aunor. Ang mga kapatid niya ay sina Ian de Leon, Kenneth, Kiko at Matet de Leon na isa ring adopted.

Image from Instagram

Source:

Instagram 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement