Lovely Abella at Benj Manalo ibinahaging kumikita sila noon ng P5 million kada buwan dahil sa live selling. Pero sa isang iglap nawala ito sa kanila. Narito ang kuwento ng mag-asawa.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Lovely Abella at Benj Manalo live selling business.
- Realization ng mag-asawa.
Lovely Abella at Benj Manalo live selling business
Sa isang panayam ay ibinahagi nina Lovely Abella at Benj Manalo ang naging success ng business nila noon. Ayon sa mag-asawa, mabentang-mabenta noon ang live selling business nila. Nakatulong nga daw sa success nito ang pagiging celebrity nila na naging daan para pagkatiwalaan sila ng kanilang mga buyers at customers.
“Nagkakaroon kami ng magandang credentials doon sa mga audience namin. Kumbaga, alam nilang hindi sila maii-scam. Alam nila na parang, ‘OK, pagkakatiwalaan ko sila. Kilala ko ‘to. Familiar sila.’ So ‘yung unang trust kaagad na ibibigay nila is 100 percent.”
Ito ang pagbabahagi ni Benj sa panayam sa kanila ng talkshow host na si Boy Abunda.
Ayon pa sa kaniya, dahil sa tiwala at pagtangkilik sa kanila ng kanilang mga customers ay kumikita sila noon ng P5 milyon sa isang buwan lang. Pero dahil sa malaking kinikita na ito ay lumaki daw ang ulo ng dalawa at tila naging gahaman sa pera.
“May isang buwan doon, sabi nila ghost month that time, walang pera ang mga tao, pero we earned at least one month nang mga P4M to P5M. That’s net. That time, sabi namin ‘Kaya na natin ‘to.’ I mean, ‘di na natin kailangang magtrabaho. We were so full of ourselves.”
Ito ang sabi pa ni Benj.
Realization ng mag-asawa
Pero ang malaking income nilang ito biglang nawala. Ito ay nang biglang ma-disable ang Facebook account nila na may mag-iisang milyon naring followers. Dito umano nagkaroon ng realization ang dalawa sa naging ugali nila noong maraming pera pa ang natatamasa. At kung paano nila nabalewala ang iba pang mahahalagang bagay dahil sa negosyo at sa pagkakaperahan nalang sila tumutok.
“Dumating kami sa unang punto namin na medyo naging greedy kami. Nasabi namin ‘di namin kailangan ng show biz kasi okay na kami. But then God changed us, isang click tinanggal niya lahat.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Benj.
Pagpapatuloy pa niya, natakot sila noon sa nangyari. Pero naging eye opener sa kanila ito.
“We were so scared na parang ‘Pa’no nang gagawin natin? It was a realization sa ‘min na parang Lord can actually take that away in a snap. So from there, we learned.”
Sa ngayon, pinagpapatuloy pa rin Lovely at Benj ang paglilive selling. Mayroon narin silang bagong Facebook account na may higit 90,000 followers na.