Sa mundo ngayon na laman ng media ang pagkakaroon ng kabit, nais ng lahat na magkaroon ng loyal na asawa. Ngunit, ano nga ba ang kailangan para hindi magloko ang isang tao? Ang pagtingin ba sa iba ay matatawag nang pagloloko o hindi naman masama ang tumingin? Ano ang kailangan tandaan para hingi mangaliwa?
Pagtingin sa iba
Sa article ni Ashlyn Brady na “Look but Don’t Touch?” inimbestigahan niya ang abilidad na hindi magloko ng ilang partners. Dito, napag-alaman niya na ang pagloloko sa asawa ay ang pangunahing dahilan ng mga hiwalayan. Napag-alaman din niyan na ang pagiging malapit sa kaakit-akit na maaaring maging karelasyon ay nagpapataas ng tsansang magloko ang isang tao. Ganunpaman, kanyang nilinaw na maaari itong maiwasan kung may kakayahan na hindi magpadala sa tukso ang tao.
Kanyang nilinaw na ang pagtingin sa iba ay hindi agad nangangahulugan ng pagloloko. Natural sa mga tao ang mapatingin sa maaari nating makita na maganda sa ating paningin. Kahit pa nasa masayang relasyon, hindi maiiwasan ang hindi humanga sa iba bukod sa iyong asawa. Ang mahalagang tanong ay, ano ang gagawin matapos tumingin?
Abilidad na mag self-regulate
Nagpasya si Brady na ang pagloloko ay nangyayari dahil sa kawalan ng abilidad na kontrolin ang sarili. Pagdating sa pagloloko, ang taong walang abilidad kontrolin ang sarili ay bumibigay sa tukso na nakakahadlang sa layunin ng kanilang relasyon sa asawa, ang pagpapanatili ng eksklusibong relasyon. Ang pinakamabuting paraan para maiwasan ang pagloloko ay ang pagkakaroon at paggamit ng abilidad na mag self-regulate. Ngunit, madali ba itong gawin?
Ayon kay Brady, ang abilidad na mag self-regulate ay nagpapatibay ng ating kakayahan na hindi madala sa tukso ng maraming mga bagay. Kabilang sa mga ito ang bisyo, pagsusugal at marami pang iba. Ganunpaman, ito ay naaapektuhan ng kinalalagyan na sitwasyon. Humihina ang abilidad na ito kapag lasing, may sakit, o kaya naman ay nakakaranas ng stress.
Dapat bang hindi tumingin sa iba?
Sa pag-aaral sa ilang mga bagong kasal, napansin nila Brady na ang pagseselos ay may kinalaman sa abilidad mag self regulate ng isang tao. Kanilang napag-alaman na ang pagtingin sa iba ay kinikilala ng mga mahina ang kakayahan na kontrolin ang sarili bilang pagloloko. Subalit, ang mga malakas ang kakayahan magkontrol ng sarili naman ay hindi ito nakikita bilang pagloloko. Mula dito, nasabi ni Brady na hindi nakakasama sa isang relasyon ang pagtingin sa iba. Bagkus, masama lamang itong tignan para sa mga may mahihinang kakayahan na mag self-regulate.
Dahil dito, hindi kinakailangan ng mga may matibay na abilidad na mag self-regulate ang umiwas mula sa pagtingin sa iba. Sa totoo, napag-alaman na ang sadyang pag-iwas sa maaaring paghangaan ay nagpapatibay ng kanilang paghanga. Ito ay maaari ring magdulot ng masmatibay na kagustuhan na magloko ang isang tao.
Ganunpaman, maraming masasayang nagsasama ang nananatili sa kanilang paniniwala na ang pinaka-mabisang paraan para hindi magloko ay ang umiwas sa tukso. Hangga’t maaari, hindi sila nagpupunta sa mga single bar, nagtitingin sa dating apps, o gumagawa ng paraan para makakilala ng iba. Nananatiling masaya ang kanilang pagsasama nang hindi tumitingin sa iba.
Source: Psychology Today
Basahin: #AskAtty: Ano ang puwedeng ikaso sa kabit ng asawa ko?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!