Luis Manzano as a father to Rosie: “Okay lang maging busy pero hindi maging absent sa buhay niya”

Si Luis willing daw gawin ang lahat mapatawa lang ang anak niyang si Rosie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Luis Manzano as a father, busy man daw sa pagtratrabaho, hindi daw siya mawawalan ng oras para sa anak niyang si Rosie.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Luis Manzano as a father.
  • Mensahe ni Luis para sa anak na si Peanut o Baby Rosie.

Luis Manzano as a father

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Bilang bahagi ng father’s day special sa kaniyang vlog, ay ininterview si Luis Manzano ng kaniyang misis na si Jessy Mendiola. Ang naging takbo ng usapan ay ang naging pagbabago sa buhay ni Luis ng siya ay maging isang ama na.

Ayon kay Luis, kung noong binata siya ay masipag na siyang mag-trabaho, mas doble sipag daw siya ngayon. Bagamat paglilinaw niya ay mas nakakapag-relax din siya ngayon kumpara noon. At ito ay dahil sa presensya ng anak niyang si Rosie sa buhay niya.

Kuwento pa ni Luis, napakahalaga umano sa kaniya ang magkaroon ng oras sa anak. Hindi man siya laging nasa tabi nito. O mas konti man ang oras niyang naibibigay dito kumpara sa pagtratrabaho ay ginagawa niya daw ang lahat huwag lang maging absent sa buhay ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Okay lang maging busy pero hindi maging absent sa buhay niya.”

“Pag malaki na si Peanut pag sinabi niyang Papa may school play ako. Papa may taekwando ako, ballet ano man yan. I will be there.

Ito ang sabi pa ni Luis tungkol sa kung paano siya bilang isang ama.

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Pagpapatuloy pa niya, the best moment daw para sa kaniya bilang ama ang mapatawa ang anak niya. Kaya naman magmukha man daw siyang tanga sa harap ng anak ay ginagawa niya makita lang itong masaya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Wala akong problemang magmukhang tanga para mapa-smile siya. Wala akong problema na sumayaw ako na parang baliw. Gumawa ng funny face. Yung moment ko na mapatawa ko si Peanut, yung moment naming dalawa.”

Ito ang sabi pa ni Luis.

Ibinahagi niya rin na bilang isang public figure ay marami rin siyang naririnig na komento tungkol sa pagiging ama niya sa anak. Pero hindi niya daw pinapansin ito. Dahil hindi man daw lahat ay nakikita ng publiko. Lalong-lalo na ang mga oras na kasama niya ang kaniyang pamilya. Kaya naman, payo niya sa ibang magulang na tulad niya na kung saan maraming nakikialam sa parenting style nila ay ito.

“Shut down mo yang noise na yan. Ang importante kayo. Yung family mo. yung support system nyo.”

Ito ang sabi pa ni Luis na may mensahe rin sa mga daddy na tulad niya na busy mag-provide para sa kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Don’t forget why you are doing what you are doing. You just have to find that balance.”

Ito ang sabi pa ni Luis.

Mensahe ni Luis para sa anak na si Peanut o Baby Rosie

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mensahe rin siyang iniwan para sa anak niyang si Rosie na makikitang mas close sa mommy nitong si Jessy Mendiola kaysa sa kaniya.

“Peanut pag napanood mo to when you are much older, when you fully understand. I love you very much. Mama and Papa will do everything for you because we love you very much.”

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement