Luis Manzano nagpa biopsy para ma-check kung cancerous ba ang lumalaking bukol sa kaniyang ulo. Ito ang kaniyang kuwento.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Lumalaking bukol sa ulo ni Luis Manzano.
- Luis Manzano biopsy result.
Lumalaking bukol sa ulo ni Luis Manzano
Larawan mula sa YouTube vlog ni Luis Manzano
Sa kaniyang latest vlog ay ibinahagi ng TV host na si Luis Manzano na kinailangan niyang sumailalim sa biopsy examination. Ito ay dahil sa lumalaki niyang bukol sa ulo na akala niya noong una ay nunal lang.
“May kailangan i-biopsy dito sa taas ng ulo ko. Parang ang biopsy kung hindi ako nagkakamali ay i-check kung cancerous or not or kung malignant or benign. Akala ko dati pa, nunal. Kaya niloloko ko ‘yong mga tao na matalino ako, may nunal ako dito.”
Ito ang kuwento ni Luis sa kaniyang vlog.
Pagpapatuloy niya ang hair stylist niya ang nakapansin na lumalaki ang inaakala niyang nunal sa ulo niya. Kaya naman minabuti niyang ipatingin nalang ito sa doktor para sigurado. Lalo pa’t may posibilidad na ito ay maaring sintomas ng melanoma o skin cancer. Natatakot man siya sa tinatawag na biopsy exam ay ginawa niya ito para masigurado ang kaniyang kondisyon. Hindi niya narin muna ipinaalam ito sa ina na si Vilma Santos para hindi ito mag-alala. Tanging ang misis lang na si Jessy Mendiola ang nakaalam ng dinadala niyang pag-aalala sa kaniyang kalusugan.
Luis Manzano biopsy result
Matapos ang isang linggo ng sumailalim sa examination ay lumabas ang resulta ng biopsy ni Luis. At masaya siyang ibahagi ang naging resulta nito.
“Do I feel OK? Yes. Apat na doktor na ang nagsabi na malabo-labo talaga na it’s cancerous.”
Ito ang masayang pagbabahagi ni Luis sa kaniyang vlog na sinabi ring ginawa niya ito para mag-promote ng awareness sa iba.
Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola
“Para sa akin ang main goal ko is to create awareness. Kasi napaka rami siyempre ‘yung mga binabantayan na mga nunal growth, kita ‘yan sa mga katawan,”
Ito ang sabi pa ni Luis na kinailangan pang dumaan sa additional blood test para matukoy ang dahilan ng paglaki ng nunal niya sa ulo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!