Jessy Mendiola maraming adjustments sa first year ng marriage nila ni Luis: "I chose the right man"

Luis Manzano at Jessy Mendiola ipinagdiwang ang kanilang 1st wedding anniversary. Alamin ang buong detalye rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinahagi ang ilan sa kanilang mga natutunan sa kanilang buhay mag-asawa sa loob ng isang taon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Jessy Mendiola at Luis Manzano married life
  • Luis Manzanao at Jessy Mendiola, plano nang magkaroon ng anak

Jessy Mendiola at Luis Manzano married life

February 21, 2022 noong ipinagdiwang ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano ang kanilang 1st year wedding anniversary.

Sa isang vlog sa Youtube channel ng host and actor na si Luis Manzano, ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga natutunan sa loob ng isang taong kasal sa isa’t isa.

Una pa lamang ay inamin na ng aktres na si Jessy Mendiola na marami silang ginawang adjustments mula sa pagiging mag-boyfriend-girlfriend hanggang nang sila ay ikasal.

Bukod pa sa mga pagbabago na kanilang naranasan, inaasahan pa rin daw nila na marami pa rin silan kailangan gawing adjustment sa hinaharap.

Pagbabahagi ni Jessy,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I’m not saying na dahil one year na, nakapag-adjust na ‘ko. Marami pa ring adjustments na kailangan.  I’m sure as years go by, marami pa talaga tayong madi-discover sa isa’t isa.”

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Bagamat isang taon na rin ang nakalipas mula nang silang dalawa ay pinag-isa, mayroon namang natutunan si Jessy na kaniya din payo para sa katulad nilang couple.

Para sa aktres, mahalaga pa rin ang individuality parang ang dalawang tao ay nasa relasyon, mag-asawa man o kahit magnobyo pa lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You have to still value that individuality,” payo ng aktres sa mga magkarelasyon.

Hindi raw dapat mawawala ang sariling identity ng bawat isa. Bukod rito, dapat ding iwasan na ikumpara ang iyong sarili sa iyong partner dahil mahalaga na mahanap ng bawat isa ang kanilang sariling path at purpose. Dagdag pa niya,

“I guess totoo nga ‘yon, ‘behind every man’s success is a woman,’ but  it also goes the other way around.. vice versa din ‘yon.”

Suporta at pasensya ang nangingibabaw sa relasyon ng celebrity couple na ito kaya patuloy silang nagsa-succeed sa kaniya-kaniya nilang karera.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Mula pa lamang daw noon ay all out na ang supporta na ibinibigay ni Luis sa kaniyang misis. Pagsasaad ni Jessy,

“He has always been so supportive of everything and anything na gusto kong gawin.”

Bagama’t suportado nila ang isa’t isa sa mga bagay na gusto nilang gawin sa kanilang mga buhay, isa sa mga bagay na nagbago ay paraan ng kanilang pagdedesisyon. Bilang mag-asawa, malaki ang pagpapahalaga nila sa paghingi ng permiso.

Isa ito sa mga bagay na kanilang ginagawa, ang magdesisyon ng magkasama sa bawat bagay na kanilang nais gawin. Para sa kanila, ito ay tanda ng pagmamahal at respeto sa isa’t isa.

Bukod pa rito, inamin ni Jessy na ang “unlimited support” na natatanggap niya mula sa kaniyang husband ang itinuturing niyang best part ng pagiging Mrs. Manzano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“’Yong support and ‘yong patience, hindi nauubos sa’yo. Para kang river of patience,” sambit ni Jessy sa kaniyang asawa na si Luis. 

Ito ang isang bagay na parati niyang ipinagpapasalamat sa kaniyang mister. Kaya naman sa loob ng isang taon na pagiging kasal ng dalawa, mas napatunayan ng aktres na tama ang kaniyang desisyon na magpakasal kay Luis.

“I chose the right man,” proud na sabi ni Jessy Mendiola.

Masaya niyang ibinahagi sa mga tao kung paano paulit-ulit na pinatunayan ni Luis sa loob ng isang buong taon kung gaano siya ka-sincere sa kaniyang wedding vow sa aktres. Araw-araw, ipinapakita nila kung gaano nila pinahahalagahan at ka-mahal ang isa’t isa.

Advice ni Jessy Mendiola sa katulad nilang mag-asawa,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You chose that person and you have to choose to love that person everyday kahit hindi sila ka-mahal-mahal. Love is a choice, always a choice.”

BASAHIN:

Jessy Mendiola sinagot ang basher na nagsabing, “Paano ka magkaka-baby niyan if you always exercise&”

‘Wais na misis’ tipid ideas from actress Neri Naig

Vilma Santos, minsan na raw sinagip ang buhay ni Jessy Mendiola, ayon kay Luis Manzano

Luis Manzano at Jessie Mendiola, plano nang magkaroon ng anak

Luis Manzano at Jessy Mendiola nagbigay ng learnings sa kanilang 1st wedding anniversary. | Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Matapos ang isang taong pagsasama bilang mag-asawa, inamin ni Jessy Mediola at Luis Manzano ang kanilang pagnanais na magkaroon na ng anak. Isa ito sa mga itinuturing ni Jessy na goal sa mga susunod na panahon, ang maging isang ina.

Pagbabahagi ng aktres,

“I’m very much happy where I am right now. Syempre nagre-ready na ‘ko maging mommy, gusto na rin namin magkaroon ng family.”

Isa rin sa kaniyang mga plano ay ang makapagtayo ng sarili nilang negosyo. Nilinaw naman niyang hindi niya iiwan ang vlogging at social media.

Ayon sa kaniya, ilan ang mga ito sa mga bagay na maaari niyang pagka-abalahan oras na dumating ang panahon na siya ay magdadalang-tao na.

Samantala, ibinahagi naman ni Luis ang kaniyang pangako para kay Jessy oras na sila ay magkaroon na ng anak. Ayon kay Luis Manzano,

“Ang promise ko lang sa’yo, ‘pag dumating na.  ‘Pag nabigyang na tayo ng little bundle of joy.. is mag-relax sa trabaho ng konti.”

Sa kasalukuyan ay maganda ang takbo ng karera ng celebrity couple na ito. Ayon sa kanila, ginagawa nila ito upang magkaroon ng komportableng buhay ang kanilang magiging pamilya.

Subalit pag dumating ang panahon na magbubunga na ang kanilang pagmamahalan, mas ibabalanse niya ang kaniyang buhay may pamilya at kaniyang buhay sa showbiz.

Inamin din nila na wala pa sa kanilang isip ang tuluyang umalis sa industriya. Dahil bukod sa trabaho, ito rin ang kanilang passion at talagang mahal nila kung ano ang kanilang ginagawa.