Luis Manzano at Jessy Mendiola proud na ipinakilala sa publiko ang kanilang baby girl

Ang pangalan nito ay si Isabella Rose Tawile Manzano. Si Jessy nag-share din ng kaniyang postpartum body.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Luis Manzano and Jessy Mendiola ipinakilala na ang kanilang baby girl.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Luis Manzano and Jessy Mendiola baby.
  • Motherhood journey ni Jessy Mendiola.

Luis Manzano and Jessy Mendiola baby

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Ipinakilala na sa publiko nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang baby ngayong Sabado, January 7. Matatandaang nitong nakaraang araw pa usap-usapan na nakapanganak na si Jessy.

Ito ay matapos ibahagi ng beteranong showbiz reporter na si Cristy Fermin ang balita. Ayon kay Fermin, nanganak si Jessy noon pang bago pumasok ang bagong taon. Ang source niya ay mula mismo sa isang kakilala na nagtratrabaho sa ospital na pinag-anakan ng aktres.

Sa post nina Luis at Jessy sa kanilang Instagram accounts ay hindi nila idinetalye ang birth story ng kanilang baby. Pero ang TV host at aktres ay proud na ibinahagi sa publiko ang napili nilang pangalan sa kanilang baby girl.

“Hi Peanut ❤❤ Isabella Rose Tawile Manzano.”

Ito ang caption ng post ni Luis na may kalakip na larawan niyang masayang karga ang kaniyang baby. Bagama't ang mukha ng sanggol ay nakatakip at hindi makikita sa camera.

Sa kaniyang Instagram ay nagpost rin si Jessy tungkol sa kaniyang anak. Tulad nga ng iba pang first time moms, si Jessy na-love at first sight sa kaniyang baby. At gaya ng sinabi niya noon ay isinunod nga ng aktres sa isang bulaklak ang pangalan ng kaniyang unica hija.

“I never knew I could love like this.

My little Rosie. ?

Isabella Rose Tawile Manzano. ♥”

Ito naman ang post ni Jessy sa kaniyang Instagram account.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagama't hindi niya rin ipinakita ang mukha ng kaniyang baby at makikita namang namana nito ang makinis at maputi niyang kutis.

Agad namang bumati ang malalapit na kaibigan nina Luis at Jessy sa pagdating ng kanilang first baby na si Rosie.

loveangelinequinto Awwwww. Congratulations Jessy and Kuya❤❤❤❤❤ Hello Peanut❤❤❤

missizacalzado Congratulations, Jessy! So excited to meet Rosie! ❤❤❤

iamsuperbianca So so precious!!!! Congratulations Lu and Jessy ❤

karlaestrada1121 Hi momshie Jessy and popshie lucky! 

Sa comment sections rin ng post nina Luis at Jessy tungkol sa kanilang anak ay ibinahagi nila ang napili nilang itawag sa kanila ni Baby Rosie. Ito ay “Mama” at “Papa”.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Motherhood journey ni Jessy Mendiola

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Ilang linggo bago makapanganak si Jessy ay ibinahagi niya ang nararamdaman niya sa kaniyang pagbubuntis. Sabi ni Jessy sa isang tulad niya na may body insecurities isang challenge at struggle ang pagbubuntis. Dahil ito sa malaking pagbabago na ginagawa nito sa kaniyang katawan at ganoon narin sa buhay niya.

“Some might think this is “mababaw” but for someone who struggled with body insecurities due to body shaming, this is quite a big deal for me.

“Kanya kanya naman tayo ng insecurities. Being pregnant is a GREAT BLESSING but also a HUGE sacrifice, especially if you’ve struggled with body image during your whole life.

Not only it will affect you physically but also emotionally and mentally. Andyan na din yung “Ready na ba ako to be a mom?” “Am I gonna be good enough?” “Will I be able to do the things I did before I got pregnant?”

Ito ang bahagi ng pahayag noon ni Jessy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero ang first time mom, na-overcome na daw ito. Ito ay dahil tiningnan niya ang good side ng kaniyang pagbubuntis. At ito ang pagkakaroon ng anak na isang blessing. Kaya naman hirit pa ni Jessy bagamat mahirap magdalang-tao, ito ay worth it naman.

"You have to be ready for the changes your body and mind will go through. I wasn’t at first, but as I saw my belly growing each day and the moment I started feeling my baby’s strong kicks and movements… I’ve accepted that my body will change regardless of how much I try to live in the past. To all the expectant moms out there like me, remember… you have a growing HUMAN inside of you. It’s not easy, but it’s WORTH IT.”

Ito ang sabi pa ni Jessy.

Kuwento pa noon ni Jessy, kaya very relax at less stress ang pagbubuntis niya ay dahil very supportive ang mister niyang si Luis. Ang pagsuporta daw sa isa’t isa ang sikreto ni Jessy kung bakit blooming na blooming siya habang ipinagbubuntis ang kanilang baby Peanut.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Just support each other. Siyempre nandiyan yung worries, nandyan 'yong anxieties, nandyan 'yong fear, nandyan 'yong kasiyahan, pag-aalala yung doubt, it’s very important that you support each other. Be open to each other.”

Ito ang iniwan pang mensahe ni Jessy sa mga buntis na tulad niya noon.

Samantala, sa IG story ni Jessy ay ibinahagi niya ang look niya ngayon matapos manganak o postpartum. Ang aktres tulad ng inaasahan ay para ngang hindi nanganak.

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Congratulations Luis and Jessy!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement