Jessy Mendiola sa second wedding nila Luis Manzano: “Our dream wedding. ? Thank you, Lord. We’re finally complete.”

Luis Manzano hindi pinalampas na pormal na magpropose kay Jessy sa kanilang kasal sa pangalawang pagkakataon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Luis Manzano and Jessy Mendiola second wedding naganap na. Pamilya ni Jessy present na sa kasal niya sa pagkakataong ito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Luis Manzano and Jessy Mendiola second wedding.
  • Wedding proposal ni Luis kay Jessy bago ulit sila magpakasal.
  • Mga realizations ni Jessy sa 3rd anniversary nila ni Luis bilang mag-asawa.

Luis Manzano and Jessy Mendiola second wedding

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Naganap na ang Luis Manzano at Jessy Mendiola second wedding nitong nakaraang linggo. Ang kanilang kasal ginanap sa Coron, Palawan na kung saan present na ang pamilya ni Jessy.

Sa Instagram, si Jessy ay nagbahagi ng ilang larawan sa naging kasal nila ni Luis. Ito nga ang nasabi niya.

“Our dream wedding. 🤍 Thank you, Lord. We’re finally complete.”

Sa larawan ng kanilang kasal ay makikita na nandoon ang ama at ina ni Jessy. Pati na ang mga kapatid niya.

Matatandaang hindi nakadalo ang mga magulang ni Jessy sa kanilang kasal noong 2021. Ito ay dahil sa restriksyon na dulot ng COVID-19 pandemic noon.

Hindi rin tulad ng naging kasal nila noong una na ginanap sa isang farm sa Batangas, ang pangalawang kasal nila Jessy at Luis ay ginanap na sa isang maliit na simbahan sa Palawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wedding proposal ni Luis kay Jessy bago ulit sila magpakasal

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Samantala, sa YouTube channel ay ibinahagi niya ang kanilang wedding video. Makikitang lutang na lutang ang ganda ni Jessy. Ganoon rin ang little baby girl nila ni Luis na si Rosie o Peanut kung kanilang tawagin.

Sa naturang video ay makikita rin ang naging surprised wedding proposal ni Luis kay Jessy. Si Jessy bagamat second wedding na ito kay Luis ay hindi napigilang maluha parin sa tinuran ng kaniyang asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 “I never really got to propose to you, ‘di ba? That’s why… Howhow, will you marry me?”

Si Jessy pabirong sumagot ng “No” noong una kay Luis na binawi niya agad ng “Of course!”.

Si Luis sinundan ito ng mensahe niya para kay Jessy.

“I love you very much. Ilang years na tayo but tomorrow is a new day for us. Thank you for considering me to spend the rest of my life with you. I would do it over and over again with you.”

Ito ang mga katagang nasabi ni Luis kay Jessy ng pormal itong magpropose ng kasal sa misis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga realizations ni Jessy sa 3rd anniversary nila ni Luis bilang mag-asawa

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Ang second wedding nila Jessy at Luis ay sumabay din sa third wedding anniversary nila bilang mag-asawa. Sa Instagram ay ibinahagi ni Jessy ang mensahe niya para kay Luis. Pati na ang natutunan niya sa pagsasama nila sa nakalipas na 11 taon. Walong taon nito ay pagiging magboyfriend at girlfriend at tatlo bilang married couple.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Being together for almost 8 years and being married for 3 years have taught me so many things. One of them is that love is not always easy, and that it isn’t supposed to be easy all the time. You have to constantly work hard for it.”

Ito ang sabi pa ni Jessy.

Sa parehong post ay sinabi niya ring si baby Rosie ang biggest blessing sa pagsasama nila ni Luis. Sinundan ito ng pangako niya para sa kaniyang mag-ama.

“God has given us our biggest blessing, our little Rosie. And I always say this, kayo lang.. sapat na. I promise to love our family with all my being. I promise to always choose you over and over again even on our hardest days and I promise to protect our peace and happiness. And I love you Peanut… I love you, my howhow. Forever and always.”

Congratulations Luis and Jessy!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement