Iniimbestigahan ang posibleng food poisoning sa 86 na estudyante matapos kainin ang biniling lumpia at turon malapit sa kanilang eskwelahan.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 86 na estudyante, nagsuka sa biniling turon at lumpia sa eskuwelahan
- Food poisoning: Ano-ano ang mga dapat tandaan
86 na estudyante, nagsuka sa biniling turon at lumpia sa eskuwelahan
Tinitingnan ang posibilidad ng food poisoning sa simpleng pagmemeryenda lamang sana ng turon at lumpia ng mga estudyante at guro sa San Francisco Elementary School sa Occidental Mindor0. Nasa 86 na estudyante, anim na guro, at lima pang indibidwal ang nabiktima ng pagkain ng lumpia at turon. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagsuka ang mga ito matapos kainin ang panindang nabili sa labas ng eskwelahan.
Base sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), dinala raw ang mga bata sa district hospital. Pagkukwento pa ng MDRRMO Head na si Arcris Canillo, nakatanggap daw sila ng tawag nitong Lunes lamang matapos indahin ng mga estudyante ng pananakit ng tiyan at pagsusuka,
“Tumawag sa amin ang Barangay San Francisco regarding doon sa mga sumasakit na tiyan ng mga bata sa San Francisco Elementary School. Dinala namin ang patients sa San Sebastian District Hospital.”
Sa ngayon daw ay nasa 64 pasyente na ang nailabas sa ospital dahil sa mild na sintomas lamang ang ipinakita. Mayroong pa rin daw naka-admit na 33 dahil kinakailangan obserbahan pa.
Base naman kayDepartment of Education spokesperson Michael Poa, nakikipagtulungan na ang kanilang ahensya sa division office hinggil sa insidente.
Food poisoning: Ano-ano ang mga dapat tandaan
Nakakababahala ang mapunta sa sitwasyon ng ma-food poison, lalo na sa mga bata. Mas mataas din daw ang tyansang makaranas ng food poison sa mainit na panahon ayon sa experts. Madali kasing napapanis ang pagkain dahil sa init. Kadalasan daw na pinamamahayan anng mabilis nito ay ang milk, juice, sea food, at iba pang fresh produce.
Base sa research, nasa tinatayang 250 bacteria, parasites, at viruses ang nagiging dahilan kung bakit nakukuha ito. Maaari itong mamuhay sa pagkain sa kahit anong stage. Narito ang ilang sa kanila:
Salmonella
Pangalan ito ng grupo ng mga bacteria. Kadalasang nakikita sa mga hindi masyadong luto na itlog at karne. Maaari ring makuha sa unpasteurized milk o cheese, fruits, at iba pa. Maaaring makita ang sintomas sa loob ng 1 hanggang 3 araw o higit pa.
Clostridium perfringens
Kadalasang nakukuha sa mga pagkaing na-prepare nang bultuhan na kadalasang nabibili sa canteen katulad ng nabiling lumpia at turon ng mga estudyante. Karaniwan itong matatagpuan sa beef, gravy, at chicken. Maaaring makaramdam ng cramps at diarrhea na tumatagal nang 6 hanggang 24 oras.
Campylobacter
Nakukuha mula sa hilaw na poultry, tubig, at unpasterized na gatas. Kung malala, maaaring magkaroon ng blood diarrhea na tatagal sa 2 hanggang 5 araw.
E.coli
Isang type ng bacteria na matatagpuan sa intestines ng hayop. Maaari mong makuha ito sa hilaw na ground beef, sprouts, unpasteurized milk, at iba pang pagkain o liquid na nagkaroon ng contact sa dumi ng hayop.
Listeria
Hindi common na bacteria na kadalasang tumutubo sa malalamig na temperatura tulad ng refrigerator. Nakukuha ito sa pagkain ng smoked fish, ice cream, deli meats, hot dogs, at pates. Makikita na kaagad ang sintomas nito sa loob pa lamang ng isang araw. Kabilang diyan ang pagkakaroon ng lagnat, pagkahilo, pagsusuka at diarrhea. Mas malala rin daw ito sa mga matatanda, buntis, at iba pang mayroong mahinang immune system.
Tips to prevent food poisoning:
Prevention is always better than cure ika nga. Hindi biro ang maaaring maranasan sa pagkaranas ng pagkalason sa pagkain tulad na lang ng sinapit ng mga estudyante sa pagkain ng lumpia at turon. Kaya nga bago pa makaranas ng food poisoning kailangan doble ingat sa mga kinakain. Narito ang ilang tips on how to prevent this to happen:
- Parating maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig sa tuwing magluluto o magpi-prepare ng pagkain.
- Hugasan nang maigi ang mga prutas at gulay bago kainin.
- Huwag kainin nang hilaw ang karne, seafood, itlog, at poultry products lalo kung nagkaroon ito ng contact sa ibang pagkain.
- Linisan nang maigi ang mga cutting board at kutsilyo sa pamamagitan ng sabon at hot water.
- Lutuin nang lubos ang mga kakaining pagkain.
- Kumain sa mga restaurant o pagkainang sa tingin mo ay may malinis na handling sa pagluluto.
- Parating mag-request na i-well done ang mga pagkaing may ground meat kung iba ang magpe-prepare ng foods.
- Siguraduhing walang undercook sa mga oordering pagkain.