Umiiwas sa pagkain dahil sa takot na baka mas makadagdag ito sa pananakit ng iyong tiyan na dulot ng LBM? Narito ang mga pagkaing, bukod sa pwede ay makakatulong ding lunasan ang pagtatae.
Sino nga ba namang gugustuhing magpabalik-balik sa banyo? Idagdag mo pa ang masakit na paghilab ng tiyan, tunay ngang nakakairita sa pakiramdam ang LBM.
Marami sa atin, tuwing nakararanas nito ay mas pinipiling huwag na lang kumain dahil sa posibilidad na makasama ito at ilabas na lang kinalaunan.
Hindi ba’t mas nakababagabag kung gutom ka na nga? Nagtatae ka pa? Sabay-sabay nating alamin ang mga pagkaing pwedeng kainin ng mga nakararanas ng LBM o diarrhea.
Ano nga ba ang LBM o diarrhea at mga sintomas nito?
Ang Loose Bowel Movement (LBM) o diarrhea ay pagiging matubig ng dumi o tae. Dulot din nito ay ang mas madalas na pagdumi sa loob ng isang araw. Karamihan sa mga tao ay nararanasan ito, isa o hanggang dalawang beses sa loob ng isang taon. Maaari rin itong magbunga ng panunuyo o matinding kawalan ng tubig sa tiyan.
Ang pagtatae o LBM ay tumatagal lamang ng ilang araw ngunit maaari ring lumalala kung hindi naagapan. Ito ang ilan sa mga sintomas ng pagtatae:
- pananakit ng tiyan
- pagkahilo
- pagsusuka
- lagnat
- malambot o lusaw na dumi
- dehydration
Larawan mula sa Shutterstock
Iba’t ibang uri ng LBM o diarrhea
- Accute diarrhea: Ito ang pinakakaraniwang uri ng pagtatae. Maaarri itong magtagal sa loob ng isa hanggang dalawang araw. Ang uri ng pagtataeng ito ay hindi kinakailangan ng gamot sa kadahilanang maaari rin itong mawala kinalaunan.
- Persistetent diarrhea: Ang diarrhea na ito ay tumatagal ng ilang linggo, maaaring dalawa hanggang apat na linggo.
- Chronic diarrhea: Ito ay tumatagal ng mahigit apat na linggo . Para sa mga taong may mahinang immune system, maaari itong maging sanhi ng kamatayan.
10 pagkain para sa nagtatae
Habang nakararanas ng LBM, narito ang ilan sa mga maaari ninyog kainin.
Isa ang saging sa mga pagkain para sa nagtatae. Ang saging ay nagtataglay ng mataas na bilang ng pectin. Ang pectin ay fiber na nakukuha sa mga prutas ta gulay. Nagtataglay ito ng vitamins, at minerals na nakakatulong sa pag-improve ng digestion.
2. Apple sauce
Ang pagkain ng apple sauce ay mas mainam kaysa pagkain ng mansanas dahil ang balat nito ay maaaring hindi matunaw habang nakararanas ng diarrhea. Isa ito sa maaaring makatulong upang malunasan ang pagtatae.
3. Puting kanin
Ang isa sa mga epektibong lunas sa pagtatae ay ang bigas. Binabawasan nito ang bilang ng pag-urong upang alisan ng laman ang mga bituka. Nakakatulong din ito upang mabawasan ang mga toxin sa katawan.
4. Tinapay
Ang pagkain ng tinapay ay nakakatulong upang i-absorb ang excess na tubig na dulot ng diarrhea na pwedeng pagkain para sa nagtatae. Nakaktulong ito upang patigasin ang dumi.
Kinakailangan lamang na ang tinapay na kakainin ay hindi nagtataglay ng ano mang dairy products sa kadahilanang mas maaari nitong mapalala ang pagtatae.
5. Pinakuluang Patatas
May koneksiyon sa pagitan ng patatas at pagtatae. Una, ang pagkain ng maraming patatas ay maaaring magdulot ng pagtatae. Sa kabilang banda, ang pagkain nito nang walang balat ay nakatutulong upang pagalingin ang pananakit ng tiyan.
Oo, ipinagbabawal ang pagkain ng mga dairy products tuwing nakararanas ng pagtatae ngunit ito ay maliban sa yogurt o mga fermented drinks na nagtataglay ng probiotics.
Ang pagkain nito ay nakatutulong upang ibalik sa katawan ang mga beneficial na bacteria na nailabas dulot ng pagtatae. Binabalanse nito ang good and bad bacteria sa katawan.
7. Tubig
Napakaimportante ng pag-inom ng tubig upang gumaling ang pagtatae. Dahil nga ang LBM ay nagdudulot ng panunuyo o dehydration, kinakailangang ibalik ang mga nawalang tubig sa katawan. Dagdag pa rito, nakatutulong rin ang pag inom ng maraming tubig upang ilabas ang ibang toxinssa katawan.
8. Soup Broth
Bukod sa dehydration ang pagkakaroon ng LBM o diarrhea ay nagiging sanhi ng pagwala ng salt o iba pang minerals sa katawan na bumabalanse sa body fluids. Ang sabaw ng mga pinakuluang gulay o karne ay nakatutulong upang ibalik ang mga minerals na ito.
8. Gelatin
Ayon sa mga eksperto kinakailangang kumain ng cler liquids tuwing mayroong diarrhea. Ang pagkain ng gelatin ay isa sa mga maituturing na clear liquid food, kung kaya ito ay isa sa mga pagkain na pwedeng kainin ng mga nagtatae.
9. Coconut water
Ang coconut water o sabaw ng buko ay nagtataglay ng mataas na bilang ng electrolytes. Ayon sa ilang pag-aaral nakakatutulong ang pag-inom ng coconut water upang maibsan ang dehydration na dulot ng pagtatae.
10. Electrolyte water o sports drinks
Ang pag-inom ng maraming tubig ay nakatutulong upang marehydrate ang katawan. Sa kabilang banda, kung ang pagtatae ay mas malala na kaysa sa inaasahan, mas mainam na uminom ng mga inuming nagtataglay ng mataas na bilang ng electrolytes tulad ng sports drinks.
Mga pagkain na maaaring maging sanhi ng diarrhea o LBM
Upang maiwasan ang pagtatae, narito ang ilang pagkaing dapat nating bigyan ng pansin.
1. Spicy Food
Ang pagkain ng sobrang maaanghang na pagkain ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtatae. Nagtataglay ang sili ng capsaicin. Ang capsaicin ay maaaring nanakatutulong sa ibang sakit ngunit maaari rin itong magdulot ng iritasyon sa katawan.
2. Sugar substitute at artificial sweeteners
Ang mga ito ay maaaring magdulot ng tinatawag na laxative effect na nagreresulta sa pagtatae.
3. Milk at mga dairy products
Larawan mula sa Shutterstock
May mga taong mayroong lactose intolerance. Ang lactose intolerance ay nangangahulugan na ang iyong katawan ay walang mga enzymes sa asukal sa mga dairy products.
Imbis na durugin ito ay inilalabas ito ng katawan sa pamamagitan ng pagtatae, dahilan kung kaya’t ang mga dairy products ay maaaring maging sanhi ng LBM.
4. Kape
Ang caffeine na tinataglay ng kape ay nagsisilbing stimulant. Ginagawa nitong alerto ang isip, gayundin ang digestive system. Marami sa mga tao ay nadudumi na agad matapos uminom ng kape. Ang kape dinaragdagan din ng gatas o mga sugar substitute na mas nakapagpapataas ng laxative effect nito.
6. Fructose
Ang fructose ay matatagpuan sa mga prutas. Ang pagkain ng sobra nito ay maaaring magdulot ng laxative effect. Kung kaya naman hinihikayat na ilimita ang pagkain ng sobrang daming prutas.
7. Sibuyas at bawang
Ang sibuyas at bawang ay nagtataglay ng mga juices na kapag tinunaw ng acid sa ating tiyan ay maaaring makairita sa pagtae. Ang bawang at sibuyas ay nagtataglay ng fructose, gayundin ang mga hindi madaling matunaw na fiber na mas nagpapabilis ng digestion. Mahirap din itong tunawin nagdaragdag ng gas sa tiyan at kinalaunay nagiging resulta ang pagtatae.
8. Broccoli and cauliflower
Ang mga gulay na ito ay maraming health benefits. Gayunpaman nagtataglay ang mga ito ng mataas na bilang ng fiber na maaaring magdulot ng constipation, gas o diarrhea.
9. Fast food
Karaniwang nabibili sa fast food ay mga matatabang pagkain. Ang mga pagkaing ito ay maaaring magdulot o magpalala ng diarrhea dahil hirap ang katawan na tunawin ang mga ito. Kaunti lang din ang tinataglay na sustansiya ng mga pagkaing ito dahilan upang ilabas agad ito ng katawan.
10. Alcohol
Ang pag-inom ng alak ay maaring magdulot ng pagtatae kinabukasan. Lalong lalo na kung ang ininom ay abeer o wine. Nagdudulot rin ito ng iritasyon sa pagtunaw ng mga pagkain na nagreresulta sa pagtatae.
Paano nga ba maiiwasan ang pagkakaroon ng LBM o diarrhea?
Larawan mula sa Shutterstock
Maaaring ang ibang uri ng diarrhea ay hindi mapipigilan dahil sa ilang medical conditions ang mga diarrhea na dulot ng impeksiyon ay maaaring maiwasan.
Narito ang mga maaaring gawin:
- Ang pagiging malinis sa katawan ay isang bagay na makatutulong upang maiwasan ang pagtatae. Iwasan ang paghawak sa mga mga maduduming bagay at siguraduhing maghugas palagi ng kamay.
- Kung maaari ay uminom lamang ng mga mineral water. Kung hindi naman ay siguraduhing pinakuluan munag mabuti ang tubig na iinumin. Nakatutulong ito upang patayin ang mga bacteria na maaaring magdulot ng pagtatae.
- Iwasan ang pagkain ng mga pagkain na mula sa bangketa. Maaaring ang ilan sa mga tinda sa bangketa ay malinis ngunit madalas dinn na ang mga ito ay expose sa mga dumi na maaaring magdulot ng impeksiyon.
- Gumamit lamang ng mga yelo na gawa sa mineral water o pinakuluang tubig.
- Siguraduhing malinis ang mga prutas at gulay na kakainin. Kung maaari ito ay lutuin munang mabuti bago kainin.
- Importanteng ang lahat ng pagkaing kakainin ay nilutong mabuti upang mapatay ang mga bacteria na maaaring magdulot ng pagtatae.
Oo, ang pagtatae ay maaari ring gumaling matapos ang ilang araw kahit hindi nilulunasan. Gayunpaman kung ito ay hindi pinagtuunan ng pansin at hindi naagapan ay maaaring magdulot ng mas malalang health complications. Kung kaya naman hinihikayat na maging maingat sa mga pagkain na ating kakainin.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!