Lying in clinic vs hospital: Saan ba mas magandang manganak?
Talaan ng Nilalaman
Lying in clinic vs hospital: Saan maganda manganak?
Saan nga ba mas magandang manganak, maliban kasi sa mga ospital pwede ang panganganak sa isang lying in clinic. Pero ano ba ang benepisyo at kagandahan sa panganganak sa lying in clinic vs hospital at vice versa.
Pero ano nga ba ang pagkakaiba ng panganganak sa lying-in clinic at hospital? Lahat ba ng buntis ay maaaring mamili sa kung saan sa dalawa sila maaaring manganak?
Panganganak sa lying-in clinic
Ang panganganak sa mga lying-in clinic ang isa sa paraang nakita ng Department of Health upang mabawasan ang infant at maternal mortality rate sa bansa.
Partikular na sa mga lugar na malalayo ang ospital at mahihirapang mabigyan ng medikal na atensyon ang mga babaeng nagdadalang-tao.
Homey environment sa panganganak
Ayon sa pagsasalarawan ng pregnancy website na Whattoexpect, ang mga lying-in centers ay freestanding facilities na nagbibigay ng homey feeling sa mga buntis na nagnanais ng natural childbirth experience.
Hindi ito tulad ng mga ospital na puno ng medical equipment at limitadong tao lang ang makikita mo. Sapagkat madalas, isa hanggang apat na buntis lang ang maaaring manganak dito sa loob ng isang araw.
Kaya naman mas nagkakaroon ng privacy ang babaeng bagong panganak at kaniyang sanggol. Kung sinuswerte, minsan nga’y isang buntis lang ang nanganganak sa isang lying-in center sa isang araw.
Kaya naman solo o tila naka-private room na siya sa isang ospital at mas matututukan pa ang pangangailangan niya.
Depende sa pag-aanakan ay mas maluwag ang visiting hours at rules ng mga lying-in clinic kaysa sa mga ospital.
Normal vaginal delivery lang puwede
Pagdating sa pagbibigay ng primary care sa mga buntis, midwife at hindi OB-GYN ang gumagawa nito sa mga lying-in centers. Siya’y hahalilinan ng isang nurse na tutulong din sa kaniya sa pagpapaanak at pagbibigay ng CPR o neonatal resuscitation, kung kinakailangan ng buntis at bagong silang nitong sanggol.
Dahil rito’y hindi nagsasagawa ng caesarean section delivery sa mga lying-in centers. Tanging normal vaginal delivery lang ang maaaring gawin rito na nangangailangan lang ng kakaunting medical intervention.
Hindi rin ini-encourage rito ang induced labor, paggamit ng epidurals at paggamit ng vacuum o forceps sa panganganak.
Kailangang i-transfer sa ospital kung may emergency
Tipid at mas mabilis ang recovery time
Iba pang inio-offer ng lying-in clinics maliban sa pagpapaanak
“Creating a place where both the environment and the people are familiar to the laboring woman, I believe, has an impact on their ability to cope in labor.”
“At a birth center, you have privacy, intimacy, agency and freedom of movement. You won’t be tied to monitoring equipment during labor.
And you’re free to eat and drink and have lots of friends and family in the room if you like, all of which may be restricted in a hospital.”
Pero hindi lahat ng buntis ay maaaring manganak sa lying-in center
Pero hindi lahat ng buntis ay maaaring manganak sa mga lying-in centers. Tulad nga ng una ng nabanggit, hindi ito tulad ng ospital na may sapat na medical equipment at personnel.
Kaya naman ang mga babaeng tinatanggap lang manganak rito’y ang may low-risk pregnancies o hindi nakakaranas ng kahit anumang komplikasyon sa pagbubuntis.
Tulad ng pagkakaroon ng gestational diabetes at high blood pressure. Ganoon din kapag higit sa isang sanggol ang dinadala, ang baby ay nasa breech position at kapag ang babaeng manganganak ay higit sa 35-anyos na.
Hindi basta-basta tumatanggap ng walk-in na babaeng manganganak na ang mga lying-in clinic. Kung nagbabalak manganak sa isa sa mga lying-in centers sa inyong lugar ay dapat magkaroon ka muna ng record. Doon ka rin dapat nagpe-prenatal check-up sa kanila.
Dapat mayroon ka na ring ideya sa pinakamagandang lying-in center na maaari mong pag-anakan. Gawin ito sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong sa kaalaman o experience ng iyong kamag-anak o kakilala.
Sa ngayon na naka-red alert ang mga ospital dahil sa COVID-19 pandemic, isang magandang opsyon ang panganganak sa mga lying-in centers.
Bagamat hindi ito fully equipped tulad ng mga ospital, masisiguro naman ang kaligtasan mo rito sa tulong mga mga licensed at experienced midwifes na magpapaanak sa ‘yo.
Panganganak sa ospital
Ang panganganak sa ospital ay may malaking benepisyo rin. Hindi katulad sa mga lying-in clinic sapat ang kagamitan sa mga ospital kung sakaling magkakaroon ng komplikasyon ang iyong panganganak.
Kung sakali ring hindi mo na kaya ang sakit mayroon epidural na pwedeng mong magamit upang mapadali ang iyong panganganak at mabawasan ang sakit.
Mas mataas na halaga ang magagastos sa ospital
Ang panganganak sa ospital ang kinakailangan ng sapat na budget. Mas mahal kasi ang panganganak sa ospital kaysa sa mga lying in clinic.
Subalit kung ang iyong pagbubuntis talaga at kumplikado at inabisuhan ka rin ng iyong doktor na maaaring magkaroon ng pagsubok sa iyong panganganak, mas mainam pa rin na manganak sa ospital.
Bukod sa kumpletong gamit, kung sakaling magkaroon ng emergency ay agad itong maagapan dahil kumpleto ang kanilang kagamitan at pasilidad.
Lying-in Clinic o Hospital: Ano nga ba ang mas tama para kay mommy at baby?
Ang mga soon-to-be parents, lalo na ang mga first-time parents ay dapat magkaroon na ng ideya at impormasyon sa pagpili kung saan ba nila gustong manganak.
Isa rin itong wise decision para sa mga magulang para mapangasiwaan ng maayos at ligtas ang panganganak. Nasa mga magulang ang desisyon, malaya sila sa kung anumang serbisyo ang gusto nila sa panganganak.
Paano nga ba malalaman kung ang lying-in clinic o hospital ang right option para kay mommy at baby?
Bukod sa mga advantages na nabanggit para sa lying-in clinic at hospital, na parehong makapagbibigay ng kalidad na serbisyo sa panganganak. Narito rin ang ilang sa mga dapat bigyang konsiderasyon upang makapili ng maayos.
- Kung ikaw ay nakapili ng isang healthcare provider, alamin at tignan ang kapasidad nito. Kung kaya ba nitong magsanay sa isang lying-in clinic o sa isang hospital. Safety ang unang inaalala, hindi lamang ng mga magulang, kundi maging ang grupo na tutulong sa iyong panganganak. Kaya’t nararapat ikonsidera ar isipin kung kaya ba ng iyong care team mapangasiwaan ang mga problema at komplikasyon na maaaring mangyari sa sandaling mangyari ang panganganak.
- Alamin sa iyong health insurance carrier kung anong option ang sakop nito, kung maaari ba itong sa lying-in clinic o hospital.
- Lagi pa ring tatandaan na ang may dinadalang bata higit sa isa ay hindi maaaring manganak sa mga lying-in clinics, dahil isa ito samga risk factors na hindi eligible sa panganganak sa birth centers.
- Kung ikaw ay mayroong oras bago ang panganganak. Maaari ka ring sumanggani at pumunta sa mga lying-in clinics at hospital na malapit lamang sa iyo upang mas mabilis ang pagdedesisyon ng pagpili sa dalawa.
- Kapag nanaisin din ang ang delivery at paglalabor na walang iniisip at ang ginhawang parang ikaw ay nasa sarili mo lamang tahanan, magandang opsyon ang lying-in clinics. Kung ang nais naman ay ang maayos na pamamahala ng sakit at access sa mga serbisyo ng ospital, ang opsyon na maaaring ikonsidera ay ang panganganak sa hospital.
- At ang isa sa mga bagay na dapat tignan sa pagpili ng serbisyo sa panganganak, ay and lying-in clinic costs at hospital prices. Mahalagang malaman ang budget na nakalaan sa panganganak upang makita kung ano ang tamang opsyon para kay mommy at baby. Dapat na isaalang-alang sa budget ang mga gastusin mula sa prenatal care hanggang sa iyong panganganak mismo.
Lying-in clinic prices sa Pilipinas
Mas mababa ang prices or cost ng mga lying-in clinics kaysa sa mga hospital. Ito nga ay dahil sa mayroon itong kaibahan sa mga medical equipments, services at maging ang facilities.
Advantages ngang maituturing ang panganganak sa lying-in clinic, dahil sa medical care na kayang ibigay nito sa isang buntis na hindi na nangangailangan ng malaking gastos. Paalala lamang na ang panganganak samga lying-in clinics para lamang sa mga indibidwal na low risk ang pregnancy.
Kadalasan, ang mga lying-in clinics dito sa Pilipinas ay mayroong mga maternity package na pasok sa budget. Ang service rates ng mga ito ay mula P15,000 hanggang P25, 000, ito ay depende pa sa pangangailangan at kondisyon ng pasyente at ng bata.
Kasama sa offered maternity package na ito ay ang mga sumusunod:
- Doctor’s fee (OB-Gyne)
- Anesthesiologist
- Midwife free services, at
- Facility fees
Kung ikaw ay nangangailangan namn ng ICU Services, maaaring sumangguni patungkol rito sa mga staffs at tanungin ang availability nito. Ngunit, kung ang panganganak ay sensitibo at masyadong kritikal, ipagbigay-alam ito sa iyong Doktor.
Mayroon ding offer ang mga lying-in clinics na confinement services. Sakaling ang nanay at bata ay nangangailangan pa ng isa pang araw sa clinic para mas mamonitor ang kalagayan. Tandaan lamang na ang confinement service ay hiwalay sa maternity package cost, at kasama ito sa dagdag na babayaran.
Bukod sa mga iyan, maaaring Philhealth accredited din lying-in clinics, kung saan makakakuha ka ng mga discounts at coverage sa panganganak gamit ang iyong account.
Sumangguni sa iyong healthcare provider kung paano magagamit ang iyong account. Ganoon din sa mga HMO card, maraming mga lying-in clinic sa Pilipinas ang tumatanggap ng mga health cards. Alamin kung ang iyong card ba ay honored sa lying-in clinic.
Karagdagang ulat mula kay Jasmin Polmo
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.