Kung paano sinabi kay Lauren Gordon ng isang anonymous na ina na maagang nabiyuda.
Nagkakilala kami ng asawa ko online dahil sa pareho naming pagmamahal sa mga hindi kilalang writers. Sa tatlong taon ay nakipag-date kami sa ibang tao, nagcha-chat maya’t maya tungkol sa mga libro at mga nakakatawang pangyayari sa buhay namin na magkahiwalay. 19 taong gulang, anim na buwan nang hiwalay sa karelasyon, nagdrive ako nang 2 oras para makita siya sa unang pagkakataon. Sa loob ng dalawang linggo ay nakatira na kami sa iisang bahay.
Matagal na niyang nilalabanan ang depression, ngunit bata pa ako nun at akala ko ay kaya kong pagalangin yun.
Akala ko ay kailangan niya lang tumayo at itigil ang pagiging malungkot, na hindi ganon kahirap ang kanyang buhay at phase lamang ito. Pinakasalan ko siya sa edad na 20 taong gulang, iniisip na tatanda kaming magkasama.
21 taong gulang, nagdalang tao ako sa kambal.
Kinakaya naming mabuhay sa nga minimum wage na trabaho ngunit nagdesisyon na makitira sa pamilya ko para makapagtipid para sa dalawang baby. Manginginom siya simula pa nang nagkasama kami at sinabi kong hindi ito pwede habang nakikitira kami sa mga magulang ko, at sumang-ayon siya. Sa loob ng dalawang buwan patago siyang umiinom ng beer. Hindi ko ito pinansin, hindi siya maingay o magulo o nananakit na lasing. Umiinom lang siya hanggang makatulog, at akala ko marami pang masmasama dito. Nakakita na ko ng di magagandang malasing; mild lang siya kung ikukumpara. Parang phase parin. Naisip kong magbabago ito kapag napanganak na ang mga bata.
Image source: Shutterstock
Nag stay-at-home mom ako, at kahit nako-kontrol ko ang pag-inom niya ng beer, natutunan niyang sumimple ng pag-inom ng pint na bote ng alak. Aantayin niya lang akong makatulog bago simulan ang matinding pag-inom. Ang dalawang taon namin sa apartment na iyon ay hindi madali. Makakakita ako ng nakatagong bote at kokomprontohin siya, aayos panandalian ang mga bagay, at uulit nanaman sa dati. Patuloy ang paglala ng depression at nagdevelop narin ako sa akin; ang kawalan ng kakayahan na hindi siya painumin ay nagparamdam sakin na wala akong kwentang asawa. Mahirap kami, ngunit akala ko kami ay masaya. Bakit kinailangan niya uminom? Ano ang sobrang sama?
Ang huling taon ang pinakamahirap.
Biglaan siyang tumigil at nakaranas ng delirium tremens (DTs). Akala ko ito ang malinaw na rock-bottom wake-up call na kinailangan niya. Nagkamali ako. Isang gabi ng Agusto 2018 inalalayan ko siya papuntang kama, natrain na hindi matulog bago siya sa takot na kung saan siya makatulog, at lumabas ako para manigarilyo. Pagbalik ko hindi siya humihinga, kulay asul ang kanyang mga labi. Walang malay, tumigil siya sa paghinga dala ng sleep apnea at hindi na nagawang gumising pa.
“May mahahanap ka rin sa lalong madaling panahon.”
“Bata at maganda ka. May lalaki diyan na magugustuhan ka kahit may anak ka na.”
May ilan din na hindi gaanong supportive.
“Baka gusto mong magsimulang magdate ulit. Packaged goods ka.”
“Kailangan mo ng lalaki sa bahay. Ayaw mong lumaki ang mga anak mo na walang kinikilalang ama.”
“Kailangan mo ng isang tao na mag-aalaga sa iyo.”
Image source: File photo
Tungkol sa mental illness, tungkol sa addiction, tungkol sa ebolusyon ng pagsasama, tungkol sa dalamhati. Ang pagkawala niya ay parang pagkawala ng bahagi ng utak ko, sa dami ng ginawa naming magkasama. Hindi na pareho ang pakiramdam sa paggawa ng maliliit na bagay tulad ng grocery shopping o panonood ng TV. Ano pa man ang isipin ng iba na sapat na oras na ang lumipas; hindi nila alam at malalaman na hindi pa sapat.
Hindi ko pa naiiyak ang lahat ng luha ko. Ako rin ay hindi pa handang gumawa ng mga bagong alaala.