Napapansin na kahit anong sipilyo ay tila may mabahong amoy pa rin ang iyong hininga? Ito umano ang posibleng dahilan kung bakit ito nangyayari.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang dahilan sa pagkakaroon ng mabahong hininga?
Ang mabahong hininga o halitosis ay isang nakakahiyang kondisyon na kung saan madalas ang taong nagtataglay nito ay hindi aware na siya pala ay nakakaranas nito.
Sa tulong ng mga taong nagmamalasakit sa kaniya ay saka palang malalaman ng taong nagtataglay nito na siya pala ay mayroon ng mabahong hininga. Bilang resulta ito ay maaaring magdulot sa kaniya ng anxiety o psychological distress.
Ayon sa UK National Health Services, kahit sino ay maaaring makaranas ng halitosis o bad breath. Sa katunayan base sa nakalap nilang data 1 sa kada 4 na tao ay mayroong bad breath.
Ito ang pangatlong karaniwang rason kung bakit nagpupunta sa dentista ang marami sa atin. Maliban sa pagkakaroon ng bulok na ngipin o tooth decay at gum disease.
Ayon naman sa Mayo Clinic, maraming posibleng dahilan kung bakit nagiging mabaho ang hininga ng isang tao. Ang mga dahilan na ito ay ang sumusunod:
Mga dahilan kung bakit nagkaka-bad breath
Woman photo created by karlyukav – www.freepik.com
1. Pagkain o pag-inom ng mga strong smelling o maanghang na pagkain at inumin.
Ang pagkain ng mga pagkaing may matapang na amoy tulad ng bawang, sibuyas at maanghang na spices ay nagdudulot ng mabahong hininga.
Sapagkat habang tinutunaw mo ang mga pagkaing ito ay pumapasok ito sa iyong blood stream. Ito ay napupunta sa iyong baga na nakakaapekto sa inilalabas mong hininga sa iyong bibig.
2. Poor dental hygiene.
Kung hindi rin agad na masisipilyo ang ngipin, ang mga food particles na nakasiksik sa loob at paligid nito ay pinamamahayan ng bacteria na nagdudulot din ng mabahong hininga.
Sa oras nga rin na mapabayaan ito ay maaari nitong ma-irritate ang iyong gums at maaaring pagsimulan ng kondisyon na kung tawagin ay periodontitis.
Ang mga pustiso o dental appliances na hindi maayos ang fit sa bibig ay maaari ring maging dahilan ng bad breath. Sapagkat sa ito ay maaaring pamahayan ng bacteria na nagdudulot ng mabahong hininga.
Ang paninigarilyo ay maaari ring magdulot ng mabahong hininga. Ayon nga sa mga pag-aaral, ang mga naninigarilyo ay mas mataas ang tiyansang makaranas ng gum disease. Ito rin ang isa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mabahong hininga ang isang tao.
4. Dry mouth.
Ang pagiging dry ng bibig o kondisyon na kung tawagin ay xerostomia ay maaari ring magdulot ng mabahong hininga. Sa tulong kasi ng saliva o laway ay nalilinis ang loob ng bibig.
Madalas ang dry mouth ay nararanasan habang natutulog na dahilan kung bakit mabaho ang hininga pag-gising sa umaga.
5. Medications o mga gamot na iniinom.
May mga gamot rin o medications na iniinom na nagdudulot ng dry mouth. Habang may ilan naman na kapag natutunaw ay inire-release ng katawan ang chemicals na kung saan ito gawa. Ito ay lumalabas sa katawan sa pamamagitan ng hininga na madalas ay may amoy na hindi kaaya-aya.
6. Impeksyon sa bibig.
Ang bad breath ay maaaring dahil rin sa impeksyon sa bibig. Ito ay maaring dahil sa surgical wound o sugat mula sa isang oral surgery. Tulad ng pagpapabunot ng ngipin o kaya naman ay gum disease at mouth sores.
Woman photo created by asierromero – www.freepik.com
7. Iba pang mouth, nose and throat conditions.
Ang mga kondisyon na may kaugnayan sa nose at throat ng isang tao tulad ng tonsilitis ay maaari ring magdulot ng mabahong hininga. Sapagkat sa mga ito ay dulot ng bacteria na nagpo-produce ng bad breath.
8. Seryosong sakit tulad ng cancer at metabolic disorders.
Maliban sa mga nauna ng nabanggit na kondisyon, ang mabahong hininga ay maaaring dulot din ng isang serysong sakit. Tulad na lamang ng cancer, metabolic disease o gastroesophageal reflux disease. Sapagkat ang mga sakit na ito ay nagpo-produce ng mga chemicals na inilalabas ng katawan sa pamamagitan ng paghinga.
9. Foreign object na nakabara sa ilong.
Sa mga bata, isa rin sa dahilan ng pagkakaroon nila ng mabahong hiniga ay maaaring dahil may bagay o foreign object na nakabara loob ng ilong nila.
Ibang bibihirang dahilan ng mabahong hininga
Samantala, may mga bibihirang dahilan din ng pagkakaroon ng mabahong hininga. Ito ay ang mga sumusunod.
10. Ketoacidosis.
Ang ketoacidosis ay isang seryoso at life-threatening na kondisyon. Ito ay nararanasan ng isang diabetic na tao kapag masyadong mababa na ang level ng insulin sa kaniyang katawan.
Imbes na sugar, sa kondisyong ito ay ginagamit na ng katawan ng tao ang kaniyang fat stores. Ito ay nagreresulta sa pagre-release ng katawan ng hindi kaaya-ayang amoy na maaaring maidaan sa pamamagitan ng paghinga.
11. Bowel o intestinal obstruction.
Ang hininga ay maaring mag-amoy dumi kung masyadong matagal ng nagsusuka ang isang tao. Ganoon din kapag nakakaranas siya ng bowel obstruction o pagbabara sa bituka.
12. Bronchiectasis.
Ang kondisyon na ito ay isang long-term condition sa baga na kung saan ang airways ay mas malapad kumpara sa normal. Ito ay nagreresulta sa mucus build-up na nagdudulot ng mabahong hininga.
13. Aspiration pneumonia.
Ang aspiration pneumonia ay isa pang kondisyon na maaaring magdulot ng mabahong hininga. Ito ay ang pagmamaga o impeksyon sa baga o airways na dulot ng pagkakainhale ng suka, saliva, food o liquids.
Paano malalaman kung ikaw ay may mabahong hininga?
Kung walang sinuman ang magsasabi sa ‘yo na ikaw ay may mabahong hininga, maaari mo ring tukuyin ito ng mag-isa. Gawin ito sa pamamagitan ng pagdila sa iyong pulso.
Hayaan itong matuyo at saka amuyin. Kung mabaho ang iyong naamoy ay may posibilidad na ikaw ay bad breath o may halitosis na.
Lunas sa mabahong hininga
Woman photo created by lookstudio – www.freepik.com
Kung mayroong mabagong hininga ay may mga paraan naman na maaring gawin upang malunasan ito. Ito ay ang sumusunod:
- Siguraduhin na laging malinis ang iyong bibig. Magsipilyo pagkagising at bago matulog sa gabi. Ganoon din sa tuwing matapos kumain.
- Makakatulong ang pag-floss ng ngipin matapos magsipilyo. Ito ay para makasiguro na walang naiwang food particles sa singit-singit ng ngipin.
- Para maiwasan ang dry mouth ay ugaliing uminom ng maraming tubig o manatiling hydrated. Hindi lang nito mapipigilan na magkaroon ka ng mabahong hininga, makakatulong din ito sa overall health mo.
- Iwasan ang mga pagkaing may matatapang na amoy tulad ng bawang at sibuyas.
- Gumamit ng mint-flavored mouthwash dalawang beses sa isang araw. Sa pamamagitan nito ay nanatiling fresh ang hininga mo ng mas matagal.
- Regular na magpatingin sa dentista ng iyong ngipin at bibig. Ito ay upang agad na malunasan ang mga kondisyong maaaring makaapekto sa iyong hininga. Gawin ito ng kada anim na buwan.
- Kung naninigarilyo ay itigil na ito.
- Kung gumagamit naman dental appliances tulad ng dentures at retainers ay linisan ang mga ito araw-araw.
- Mainam din na magpalit ng iyong sipilyo kada 3 buwan. Ito ay para masigurado sa mas maayos na paglilinis nito ng iyong ngipin.
Kailan dapat magpunta sa doktor?
Sa oras na hindi mawala ang mabahong hininga matapos gawin ang mga nabanggit ay magpunta na sa doktor. Ito ay upang matukoy kung ano nga ba talaga ang dahilan ng iyong bad breath at maresetahan ka ng tamang gamot o lunas para dito.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!