Lumaking mabait na bata ba ang gusto mo para sa iyong anak? May mga bagay kang dapat gawin upang ito ay tuparin.
Paano magiging mabait na bata ang iyong anak
Bilang isang magulang, ang nais natin ay lumaking mabait na bata ang ating mga anak. Dahil ayon sa mga psychologist at life experts, ito ang sikreto upang maging masaya at magkaroon ng satisfaction sa buhay ang isang tao.
Ngunit paano ba natin sisimulang ituro ito sa ating anak?
Ayon kay Vanessa LoBue, na isang associate professor of psychology sa Rutgers University-Newark na nag-ispecialize sa infant at child development, para maging mabait na bata ang ating anak ay “empathy” ang unang kailangang nilang matutunan.
Ayon sa online Merriam and Webster dictionary, ito ang kahulugan ng empathy:
Definition of empathy
- the action of understanding, being aware of, being sensitive to, and vicariously experiencing the feelings, thoughts, and experience of another of either the past or present without having the feelings, thoughts, and experience fully communicated in an objectively explicit manner.
Sa simpleng salita, ito ay ang kakayahan ng isang taong maintindihan ang nararamdaman ng kaniyang kapwa. Kung itratranslate sa salitang Tagalog, ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.
Bakit mahalagang matutunan ng ating mga anak ang empathy
Ayon parin kay LoBue, mahalagang matutunan ng ating mga anak ang empathy. Dahil sa ito ay isang prosocial emotion na pinagsisimulan ng mga prosocial behaviors tulad ng pagbibigay at pagtulong sa kapwa.
Ang pagpapakita rin ng empathy ay mas nagpapalusog ng social relationship ng isang tao sa kaniyang kapwa. Nakakatulong rin ito sa pagpapakita ng kooperasyon at magandang performance ng isang bata sa school. Ito ay base sa isang 2013 study.
Ayon naman sa isang 2011 study, ang empathy ay moral emotion na isang predictor ng moral choice ng mga adolescents. Tulad sa kung sila ay mandadaya o magnanakaw.
Habang ayon naman sa isang 2015 study, ang mga batang nagpapakita ng empathy ay mas mababa ang tiyansang mabully ng kapwa niya bata. At mas mataas ang tiyansang tulungan ang kapwa niya batang na-bubully.
Pero ang sobrang pagpapakita ng empathy ay masama rin. Dahil ito ay maaring magdulot ng personal distress. Lalo na sa mga batang laging nakakaranas ng mga negative emotions.
Ang sobrang empathy rin ay maaring pagsimulan ng racism o xenophobia. O ang pagpapakita lang ng pagmamalasakit sa mga taong tulad mo ng grupo, sitwasyon, status sa buhay, o kalagayan.
Paano maituturo ang empathy sa iyong anak
Ngunit napakahalaga nito upang turuan at lumaking mabait na bata ang iyong anak. At para matutunan niya ito ay mahalaga ang papel na iyong ginagampanan. Maituturo ang empathy sa iyong anak sa sumusunod na paraan:
- Pagbabasa ng mga kwento o pagpapanood ng palabas na nagpapakita ng empathy o pagmamalasakit sa kapwa.
- Pakikipag-usap sa iyong anak tungkol sa kaniyang nararamdaman.
- Pagpaparamdam sa kanila ng security at iyong pagmamahal lalo na sa oras na nakakaramdam siya ng kalungkutan o iba pang negative emotions.
- Pagiging magandang halimbawa sa kaniya at pagpapakita ng pagmamalasakit o empathy sa iba.
Sa pamamagitan ng empathy ay matutunan ng iyong anak kung paano harapin ang mga negative emotions na kaniyang nararamdaman. Matutunan niya ring galangin at pahalagahan ang nararamdaman ng kaniyang kapwa. At makakasanayang magpakita lang ng tama at mabuti upang mapanatili ang masayahin at friendly na kapaligiran.
Source: Psychology Today, Merriam and Webster, Psychology Today
Photo: Freepik
Basahin: Kung ayaw mong maging masama ang ugali ng anak mo, huwag mong gawin ang mga ito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!