3 paraan para mabawasan ang pag-iyak ni baby kapag tinuturukan ng bakuna

Ano nga ba ang mabisang gamot sa sakit ng baby sa gitna ng medical procedure? Katulad ng injection ng bakuna o pagkuha ng blood samples para sa pag-aaral. | Lead image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang mabisang gamot sa sakit ng baby sa gitna ng medical procedure katulad ng injection ng bakuna o pagkuha ng blood samples para sa pag-aaral. Ang medical procedure na ito ay kadalasang nangyayari pagkatapos ipanganak ng nanay o kaya naman sa unang araw at taon ng paglabas ng sanggol.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Role ng magulang sa pain management ng mga bagong silang na sanggol
  • Tips kung paano mabawasan ang pain ni baby sa medical procedure
  • Steps bawat tips

Subalit dahil sa mahigit dalawang dekada ng pag-aaral, nalaman na kung ano ang pinaka epektibong strategy kung paano tulungang mawala kahit papaano ang sakit na nararamdaman ng mga sanggol sa medical procedures na ito: Pagpapasuso at parent-infant skin-to-skin contact.

Ang mga strategy na ito ay ligtas at sinusoportahan ng science. Nirerekomenda rin ito ng mga organisasyon katulad ng Canadian Paediatric Society para matulungang maging komportable ang mga sanggol na hanggang 12 months old. Pinapangunahan ito ng mga magulang, ibig sabihin ay ang mga nanay ng bata ang pinagmumulan ng comfort na ibibigay sa sanggol.

Subalit sa likod ng benipisyong taglay ng mga strategy na ito, hindi ito laging makakatulong sa mga bata para mabawasan ang sakit. Ayon sa pag-aaral, umaabot ng mababa sa 50% ang bilang ng mga bagong silang na sanggol ang tumatanggap ng pain relief sa gitna ng medical procedures.

Bilang nurse scientist at eksperto sa pain management, narito ang mga tips at tricks para matulungang mabawasan ang sakit ng iyong baby sa isang medical procedure.

1. Breastfeeding

Mabisang gamot sa sakit ng baby | Image from Unsplash

Maituturing na treatment para sa mga baby na nasa ilalim ng medical procedure ang breastfeeding. Ito’y kapag may injection o pagkuha ng dugo si baby sa kaniyang unang taon. Ang mga batang sumususo sa kanilang ina ay mababa ang pain response katulad ng pag-iyak, pagbabago ng heart rate at pagbaba ng tiyansang dumumi. Narito ang maaari mong sundin:

  • Tanungin ang iyong health-care provider kung saan ang komportableng puwesto para isagawa ang procedure. Kailangang ikaw ay komportableng makakapag-breastfeed sa iyong anak. Bilang nanay, alam mo na ang magiging takbo ng breastfeeding kay baby. Wala namang nirerekomendang posisyon para mabawasan ang pain ni baby, alamin lang kung ano ang pinaka best para sa ‘yo at kay baby.
  • Kinakailangang may nakukuha nang gatas si baby sa iyong suso bago magsimula ang medical procedure. Ito ay maaaring tumagal ng 2 minutes. ‘Wag mag-alala, safe ang breastfeeding dito! Wala namang naitalang kaso na nabulunan ang isang sanggol sa gitna ng procedure.
  • Patuloy lang na i-breastfeed ang iyong anak sa gitna ng procedure hangga’t gusto pa ng iyong anak.

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

#ASKDOK: Puwede bang ma-delay ang bakuna ni baby?

Relactation: Guide para magkaroon ng gatas ulit kahit huminto na magpa-breastfeed

Mommy duty while working! Iya Villania, nagpa-breastfeed habang live sa “Chika Minute”

2. Skin-to-skin contact

Ang skin-to-skin contact ay kilala bilang “kangaroo care”, kung saan karga mo ang iyong baby na naka-diaper lamang at nakapatong sa iyong dibdib. Ayon sa pag-aaral, ang mga sanggol na may skin-to-skin contact sa kanilang anak ay mas mabilis gumaling at nakakaramdam ng kaunting sakit. Ang skin-to-skin contact ay para sa mga sanggol na ipinanganak ng premature o hindi makainom ng gatas.

Narito ang steps na kailangang sundin:

  • Tanungin ang iyong health-care provider kung saan ang komportableng puwesto para umupo, i-cuddle muna an giyong baby sa loob ng 10-15 minuto.
  • Hubarin ang damit ng iyong baby at itira lamang ang kanilang diaper. Buhatin ito ay idapa sa iyong dibdib. Para maging komportable, maaaring gumamit ng kumot para rito.
  • Hawakan ang iyong baby ng sampung minuto bago ang medical procedure. Kinakailangang sila ay kalmado at mahinahon bago gawin ang nasabing procedure.

Mabisang gamot sa sakit ng baby | Image from Unsplash

Ayon sa research, ang mga sanggol na mayroong skin-to-skin contact sa kanilang anak sa procedure na ito ay nakakaramdam ng kaunting sakit. Ang mga tatay, adoptive parents, co-parents at iba pang miyembro ng pamilya ay maaari ring gawin ang skin-to-skin contact na ito sa mga baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Iba pang paraan para mabawasan ang discomfort ng baby

Kung hindi mo kayang gawin ang naunang dalawang paraan, maaaring bigyan din ng pacifier o pasipsipin sa malinis mong daliri ang iyong baby sa masakit na procedure na ito. Maaari pang maglagay ng matamis na solution sa kanila katulad ng pagpatak ng maliit na matamis na tubig sa kanilang dila. Pwede rin namang maglagay ng numbing cream sa balat kung saan tuturukan, isang oras bago ang procedure.

Tandaan na dapat ay malapit sila sa ‘yo. Nakakaramdam ng distress ang mga baby kapag sila ay nakadapa habang binibigyan ng injection.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabisang gamot sa sakit ng baby | Image from Unsplash

Maraming magulang ang hindi alam kung gaano sila kaimportante sa mga panahong ito. Kayo ang pinakamahalagang tao para sa inyong mga baby. Ayon pa sa siyensya na nakakapagbigay ng comfort ang mga magulang sa bata kapag sila ay nasasaktan. Mas alam ng mga nanay o tatay ang makabubuti sa kanilang anak. Kaya naman kayo ay may hawak ng desisyon kung anong strategy ang gagawin.

Maaaring ibahagi ang tips na ito sa iyong health-care provider para masiguradong matulungan ka rin nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

This story is part of a series produced by SKIP (Solutions for Kids in Pain), a national knowledge mobilization network whose mission is to improve children’s pain management by mobilizing evidence-based solutions through coordination and collaboration.

“The Power of Parents: 3 Ways You Can Reduce Your Baby’s Pain During Medical Procedures” by Britney Benoit, St. Francis Xavier University and Marsha Campbell-Yeo, Dalhousie University

Britney Benoit, Assistant Professor of Nursing and Health Sciences Research Chair, St. Francis Xavier University and Marsha Campbell-Yeo, Professor, School of Nursing, Dalhousie University

This article is republished from The Conversation under a Creative Commons license. Read the original article.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Mach Marciano

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano