Mabuntis ng mas mabiils sa pamamagitan ng mga tips na ito!

lead image

Mga pambihirang tips para masigurong tataas ang tyansya at mapabilis ang inyong pagbubuntis!

Para sa maraming mag-asawa, ang pagkakaroon ng anak ang isa sa pinakapambihirang bagay na maaaring mangyari sa kanila. Ngunit, hindi ito laging madaling gawin. Kaya naman narito ang mga tips na maaaring makatulong sa sa inyo:

Kung gumagamit ng birth control, itigil ito sa lalong madaling panahon

Kung kayo ay gumagamit ng birth control, itigil ito sa lalong madaling panahon. Ito ay dahil minsan, hindi agad nawawala ang bisa nito at nakakababa ito ng tyansya ninyong maging fertile.

Ang pagtigil ng paggamit ng birth control ay nakakatulong magpataas ng inyong fertility at nakakatulong masiguro na kayo ay magbubuntis agad.

Alamin kung kailan ang iyong ovulation

Karaniwan, ang ovulation ay nangyayari 14 days bago matapos ang inyong cycle, at mahalagang subaybayan lalo’t ang isang itlog ay nabubuhay lamang sa loob ng 12-24 oras matapos ang ovulation, habang ang semilya ay 48-72 oras matapos ang pakikipagtalik.

Nangangahulugan ito na maigsi lamang ang oras kung saan maaring mabuo ang isang sanggol.

Gumamit ng ovulation prediction kit

Isang madaling paraan para malaman na kayo ay ovulating o hindi sa pamamagitann ng ovulation prediction kit. Ang paggamit nito ay isang mabuting paraan para malaman kung kayo ay maaaring magbuntis.

Makipagtalik anim na araw bago ang ovulation

Anong mabuting paraan para masigurong hindi kayo lalampas sa iyong ovulation period? Makipagtalik ng mas madalas! Ang pakikipagtalik anim na araw bago ang predicted ovulation period ay makakatulong na palakihin ang posibilidad ng inyong pagbubuntis.

Suriin ang mga produktong ginagamit

Kung gumamit ng mga produkto bago o habang nakikipagtalik, alamin kung anong nilalaman ng mga produktong ito. Halimbawa, gumamit ng lube o pampadulas, suriing mabuti kung ito ay may spermicide o wala. May mga pampadulas na mayroong spermicide na pumapatay sa sperm kaya ito ay nakakabawas ng posibilidad na kayo ay magbuntis.

Kumain ng mabuti at umiwas sa masamang bisyo

Ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, o kaya naman ang pagiging unhealthy ay nakakaapekto sa tyansya n’yong magbuntis. Kaya kung kayo ng inyong mister ay may bisyo – paninigarilyo, pag-inom ng alak o kaya naman ay pagkain ng mga hindi masusustansiyang pagkain, kailangan ninyo itong baguhin at ayusin.

Wag itong masyadong problemahin!

Magrelax, kung hindi man agad kayo makabuo ni mister, huwag isipin na kayo ay may kapansanan na o hindi na magkakaanak. Hindi lahat ay mabilis nanabubuntis at minsan, nangangailangan ito ng tyaga at panahon.

Ang article na ito ay unang isinulat ni Alwyn Batara