Nahihirapan ba kayong magkaanak ng iyong asawa? Hindi lang ikaw ang dapat kumonsulta sa doktor, kundi pati rin si mister. Basahin ano ang mga sign na baog ang lalaki.
Natural na dumarating sa buhay ng isang mag-asawa ang pagdedesisyon na handa na silang bumuo ng pamilya. Pero hindi sa lahat ng oras, nagiging madali para sa isang babae at lalaki na magkaroon ng anak.
Ano ang mga sign na baog ang lalaki?
Ayon kay Dr. Gergen Marie Lazaro-Dizon, isang OB-gynecologist at eksperto sa Infertility mula sa Makati Medical Center sa eksklusibong panayam ng theAsianparent Philippines, hindi lahat ng mag-asawa na hindi magkaanak ay mayroong problema sa kanilang katawan. Kailangan ding isaalang-alang ang ilang bagay sa paligid nila, tulad ng dalas ng kanilang pagtatalik.
“Actually para sabihin mong hirap ang mag-asawa to conceive, dapat one year of trying o one year na nagta-try.
Hindi mo pipilitin, hindi mo sasadyain. Dapat one year kayong magkasama, one year kayong hindi magkahiwalay at nag-iintercourse kayo ng madalas.
Kapag walang pagbubuntis, dun mo iisipin na may problema kayo.” aniya.
Mga sign na baog ang lalaki | Larawan mula sa iStock
Bakit kailangan ding magpa-checkup ni Mister?
Dito sa Pilipinas, ang mga babae ang kadalasang nagpapatingin sa doktor para malaman kung bakit nahihirapan siyang magbuntis.
Pero hindi sa lahat ng oras ay ang babae lang ang may problema.
Ayon kay Dr. Dizon, 20% sa mga kaso ng mag-asawang hindi magkaanak, ang lalaki ang may problema sa kaniyang kakayahan makabuntis. Tinatawag itong male factor infertility.
“That’s why when a couple embarks on a fertility work out, kailangan pareho kayo. Kailangan magpapa-checkup ng semilya ‘yong lalaki.
‘Yong babae magpagpapa-ultrasound siya, magpapa-check kung nag-oovulate siya,” aniya.
Pero paano mo nga ba malalaman kung baog ang isang lalaki?
Posibleng mga sign na baog ang lalaki
Ayon sa Mayo Clinic, ang mga pangunahing sign na baog ang lalaki ng pagkabaog ay ang kawalan ng kakayahan na makabuntis, kahit na aktibo ito sa pakikipagtalik sa babae. Kadalasan, walang ibang sintomas na lumalabas sa isang lalaki.
Pero maliban dito, narito ang ilan sa mga posibleng sintomas o senyales ng pagkabaog:
- Problema sa pakikipagtalik (kaunting semilya ang lumalabas, hindi tumatayo ang ari, walang ganang makipagtalik)
- Pamamaga o bukol sa may bahagi ng ari
- Impeksyon sa baga
- Mahinang pang-amoy
- Hindi normal na paglaki ng dede
- Hindi tinutubuan ng buhok sa mga bahagi ng katawan
Mga sanhi
Maraming bagay ang makaapekto sa kakayahan ng isang lalaki na makabuntis.
Maaring mayroon siyang sakit o impeksyon na nagdulot ng pagbaba ng kaniyang semilya. Pwede rin namang epekto ito ng mga gamot na ginamit niya noon o kaya mga kemikal na pumasok sa kaniyang katawan.
Nakakaapekto rin ang timbang sa pagbaba ng posibilidad na makabuntis ang isang lalaki. Maging ang pag-upo ng mahabang oras o pagsuot ng masisikip na damit ay maaari ring maging sanhi ng pagkabaog.
Paano nalalaman kung baog ang isang lalaki?
Larawan mula sa iStock
Ayon kay Dr. Dizon, isa sa mga paraan para makumpirma kung baog nga ang isang lalaki ang pagsasailalim sa isang sperm analysis. Binanggit niya ang proseso ng pagsasagawa nito:
“Ang sperm analysis, ang process nun, mag-abstain sila from sex ng ilang araw then mag-cocollect ng sperm ‘yong lalaki sa center kung saan gagawin ‘yong analysis. Tapos titingnan ‘yong make-up ng semilya o semen niya.”
Narito ang tatlong bagay na nasusukat o nalalaman sa sperm analysis:
Ito ang dami ng sperm cell sa semilya na lumalabas sa isang lalaki kapag nakikipagtalik. Ayon sa doktor, dapat higit sa 20 milyong sperm cell ang naroon sa semilya para magkaroon ng malaking posibilidad na makabuntis.
“Titingnan kung ilang milyon, kasi million dapat talaga. Maski isa lang ang nakakabuntis, you have to have millions. I think it’s at least 20 million in a lower limit,” paliwanag ni Dr. Dizon.
Tinutukoy naman nito ang kakayahan ng sperm cells na gumalaw at lumangoy papunta sa fallopian tube kung saan naroon ang itlog ng babae para makabuo ng isang fetus.
Tandaan na dalawang araw nabubuhay ang sperm cells sa loob ng katawan ng babae, samantalang ang itlog o egg cells ay nagtatagal lang ng ilang araw.
Masasabing malusog ang sperm ng isang lalaki kung meron itong paggalaw na 25 micrometers per second.
Kadalasan, kapag lumalabas ang semilya mula sa ari ng lalaki, ito ay malapot na parang gel ang hitsura.
Pero ‘di katagalan ay malulusaw rin ito at lalabnaw upang mabilis makagalaw ang sperm cells papunta sa fallopian tube.
Kapag matagal malusaw o hindi natutunaw ang semilya, isa itong senyales na mahihirapan makabuo ang lalaki.
Isang maaaring sanhi ng ganitong problema ay dehydration, o kakulangan ng tubig sa katawan.
Ang tatlong bagay na nabanggit at iba pa ang masusukat at malalaman sa pamamagitan ng pagsuri ng semilya ng isang lalaki. Pero maaari ring humingi ang doktor ng mga karagdagang tests para matunton kung saan nanggagaling ang problema.
May kinalaman ba ang edad?
Ayon kay Dr. Dizon, walang kinalaman ang edad ng lalaki sa kakayahan nitong magkaanak.
Hindi tulad ng mga babae na nababawasan ang mga itlog habang sila ay tumatanda, ang mga lalaki ay patuloy na gumagawa ng sperm cells kahit sa anong edad.
“Walang limit sa lalaki, kasi nga ang difference natin sila constantly producing, may factory sila e. So every 2 months nagre-replenish.”
Mga maaaring gawin para magkaroon ng malusog na semilya
Larawan mula sa iStock
Kung mapapag-alaman sa sperm analysis na merong problema sa semilya, maaaring magbigay ang doktor ng mga gamot o maaaring sumailalim sa surgery o operasyon para masolusyunan ang problema.
Kumonsulta agad sa isang doktor o urologist kung:
- Nakakaranas na ng hirap o problema tuwing nakikipagtalik (hindi nilalabasan kaagad, walang gana)
- May nararamdamang sakit o pamamaga sa ari
- Sumailalim sa isang surgery sa iyong ari (scrotum o testicle)
- Ang iyong partner ay may edad na 35 pataas
Tips para mapanatiling malusog na semilya o sperm count
Ang pagkain ng labis na junkfood o ‘di masustansyang pagkain ay nakakaapekto sa sperm motility ng isang lalaki. Ugaliing kumain ng mga prutas, gulay, mani at mga pagkaing mayaman sa Vitamin B12, Vitamin C at Lycopene.
-
Uminom ng maraming tubig.
Iwasan ang ma-dehydrate para mapanatiling maganda ang sperm liquefaction.
-
Iwasan ang labis pag-inom ng alak o mga inumin na may caffeine.
-
Huwag gumamit ng ipinagbabawal na droga.
-
Mag-ehersisyo
Nakakatulong ang paggalaw o ehersisyo sa pagkakaroon ng tamang timbang at BMI, na nakakaapekto sa sperm count ng isang lalaki.
Pero tandaan na ang sobrang pagkilos at pagbubuhat naman ng mabigat ay maaari ring makasama at makahina ng semilya.
-
Iwasan ang pag-upo ng matagal
-
Huwag masuot ng masisikip na damit pang-ibaba (salawal at mga pantalon)
-
Magpalit agad ng damit kapag napagpawisan o nabasa.
-
Iwasan ang hot baths o pagbabad sa mainit na tubig.
-
Magkaroon ng sapat na pahinga at iwasan ang stress.
-
Hangga’t maaari, iwasan ang exposure sa mga kemikal gaya ng lead, styrene, acetone, mercury at dibromochloropropane.
Paano ba malalaman kung baog ang isang lalaki? Ang unang hakbang ay ang kumonsulta sa isang urologist.
Kung seryoso kayo ni mister sa inyong kagustuhan na magkaroon na ng anak, kailangan niyang gawin ang kanyang parte. Wala namang masama humingi nang payo sa eksperto at wala ring nakakahiya rito. Sapagkat hindi maglalaon sa tulong nila’y makakabuo rin kayo ng baby.
Larawan mula sa iStock
Huwag mahiya na magpa-checkup habang maaga para matulungan kayo sa pagbubuntis at maiwasan rin ang pagkakaroon ng malalang sakit sa ari sa hinaharap.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!