Mahalaga bilang magulang na mapalaki ang inyong mga anak na may mabuting asal hindi lamang sa inyo kundi sa kaniyang kapwa.
Kinakailangan ng inyong mga anak na matutunan muna ang mga basic na kailangan niyang malaman. Katulad ng hygiene, pagkain ng tama, at higit sa lahat kailangan niyang matutunan na makitungo sa kaniyang kapwa.
Hindi basta-basta natutunan ng bata ang mabuting asal, isa itong bagay na kailangan na itinuturo sa kaniya. Lalo ng kaniyang mga magulang. Narito ang list ng mabubuting asal na alam dapat ng anak mo.
30 na mabuting asal na alam dapat ng inyong anak
- Pagsasabi ng “po’ at “opo” lalo na kapag siya’y kumakausap sa mga nakakatanda sa kaniya.
- Pagmamano kapag sa nakakatanda kapag nakakasalubong niya ito.
- Palaging pagngiti at pagiging positibo.
- Ang pagsasabi ng “paki” o “pakiusap” kapag may gusto siyang isang bagay mula sa iyo o sa iba.
- Pagsasabi ng “excuse me” kapag may sasabihin siya habang may kausap ka o ang ibang tao.
- Pagpapaalam sa inyo kapag may gusto siyang kunin
- Paghingi ng tawad kapag siya’y may kasalanan.
- Pagbabalik ng mga laruang hiniram niya sa iba.
- Pagbabahagi o pag-share halimbawa ng laruan sa kapwa niya bata.
- Pagbibigay ng compliments sa iba.
- Pagsasabi ng thank you kapag nakatanggap siya ng mga regalo sa iba o pinakitaan siya ng magandang gesture ng kapwa niya.
- Pag-greet sa mga bisita o bagong kakilala.
- Kapag may gusto siya kailangan turuan niyo siyang humingi ng paalam mula sa inyo.
- Ituro sa kaniya na hindi lahat ng bagay ay sinasabi sa iba lalo na kung negatibong opinion ito tungkol sa iba.
- Dapat ding malaman ng inyong anak na hindi maganda ang pag-comment sa mga pisikal na itsura ng ibang tao, pero kung compliment ito o papuri ayos lang ito. Basta huwag masama o panget.
Pagpapatuloy
- Alam niya dapat na kapag may nagtanong sa kaniya kung kumusta siya ay sasagot siya ng may pagalang.
- Ituro sa inyong anak na kapag nasa ibang bahay siya magsabi ng thank you sa ibang taong nagbigay sa kaniya ng pagkain. Halimbawa kapag nasa bahay siya ng kaniyang kaibigan.
- Huwag din kamo siyang basta-basta papasok sa isang kuwarto o bahay. Alam niya dapat na kailangan munang kumatok.
- Dapat alam niya rin na hindi maganda ang pagsasabi ng mga foul words o masasamang salita.
- Huwag mang-asar ng kalaro.
- Ituro rin na hindi dapat gawin katatawanan ang ibang tao.
- Takpan ang kaniyang bibig kapag siya’y uubo. Kapag siya naman ay sisinga takpan din ang kaniyang ilong lalo na kapag nasa pampubliko siyang lugar.
- Kapag may nakasalubong siyang nangangailangan ng tulong ituro sa kaniya na mabuting asal ang pagtulong sa kapwa.
- Ituro sa kaniya na kapag inutusan siya ng nakakatanda ay dapat sundin niya ito ng hindi nakasimangot o nagmamaktol
- Kapag may tumulong sa kaniya na isang tao dapat alam niyang magpasalamat dito.
- Pagkain ng tama sa lamesa. Ang paggamit ng tinidor at kutsara ay mahalaga. Turuan ang inyong anak sa proper ettiquete sa pagkain sa lamesa.
- Paghuhugas ng kamay bagay kumain.
- Hindi paggamit ng mga electronic gadgets kapag kumakain sa lamesa.
- Kapag nagkalat siya. Halimbawa pagkatapos niyang maglaro dapat matuto siya itong ligpitin.
- Huwag isisi sa ibang tao kapag siyang nagkakamali.
Ilan pang paalala
Sa mga simpleng mga pamamaraan na ito matuturuan ninyo ang inyong mga anak na lumaki na may mabuting asal. Bilang isang magulang sa inyo talaga nagsisimula ang pagtuturo nito at kayo lamang ang makakapagturo ng mga mabuting asal sa inyong anak. Sa pamamagitan nito alam niyo at kapante kayo na ang inyong anak ay hindi gagawa ng isang bagay na makakasakit sa ibang tao.
Tandaan din na ang pagtuturo ng mga ganito sa inyong anak ay kinakailangan na masinsinan. Alam niya dapat na seryoso kayo rito at naiintindihan niya ang inyong sinasabi. Dapat din ituro sa inyong anak na isapuso ang mga ito at lagi niyang tandaan. Huwag din gawing stressful ang pagtuturo sa kaniya ng mga magagandang asal o mabuting asal.
Katulad halimbawa kung may nagawa siyang pagkakamali, huwag siyang pagalitan agad at pagsabihan siya ng maayos. Ituro sa kaniya kung ano ba dapat ang tama niyang gawin at sabihan siyang huwag na itong uulitin. Kaya naman mga mommy at daddy kayang-kaya niyo ‘yan. Mapapalaki niyo ang inyong anak ng maayos. Alam na ba ng inyong anak ang nasa list?
Source:
BASAHIN:
5 paraan para lumaking strong at independent ang anak na babae
STUDY: Ito ang masamang epekto kapag masyado mong pinupuri ang bata
EXPERT: Kapag nasasaktan ang bata, hindi dapat sinasabihan na “maarte” siya