X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mag-asawa patay nang malunod sa 'death pool' sa Pangasinan

2 min read
Mag-asawa patay nang malunod sa 'death pool' sa Pangasinan

Trahedya ang sinapit ng mag-asawa mula sa Antipolo City nang malunod ang mga ito sa tinaguriang 'death pool' o 'depth pool' sa Pangasinan.

Trahedya ang sinapit ng mag-asawa nang malunod ang mga ito sa bahagi ng Cabongaoan Beach na tinaguriang “death pool” sa Pangasinan.

Mag-asawa nalunod sa ‘death pool’ sa Pangasinan!

Nalunod ang mag-asawang Gonzalo Maglalang Jr., 47-anyos at Emelita, 48-anyos sa ‘death pool’ ng Cabongaoan Beach sa Pangasinan.  Ang mag-asawang ito ay nakatira sa Antipolo City, Rizal.

death pool sa pangasinan

Screencap mula sa stock video ni Reggie Lapitan Bual

Ayon sa mga awtoridad, nag-check in umano ang mag-asawa kasama ang kanilang 25-anyos na anak na si Eugene nitong June 22, Sabado sa isang resort sa Barangay Ilio-ilio, Burgos, Pangasinan.

Bandang alas-5 ng hapon nang bumisita ang mga ito sa tinatawag na ‘death pool’ sa Cabongaoan Beach. 400 metro ang layo mula sa tinutuluyang resort.

Habang naglalakad sa mabatong bahagi sa gilid ng death pool ay aksidenteng nadulas si Emelita at tinangay ng malakas na ragasa ng tubig.

Dahil sa bigla sa pangyayari ay agad na tumalon ang mister nito na si Gonzalo para sagipin sana ang kaniyang asawa. Kaya lamang ay masyadong malakas ang ragasa ng tubig kaya kapwa sila tinangay nito at nalunod.

Ayon pa sa kapulisan, ganap na alas-9 na ng gabi nang ma-recover ng mga rumespondeng mangingisda ang katawan ng mag-asawa.

death pool sa pangasinan

Stock photo mula sa Shutterstock

Advertisement

Agad ding dinala sa Dasol Community Hospital ang mga ito kaya lamang ay idineklara na rin itong dead on arrival ng attending physician.

Ang ‘death pool’ sa Pangasinan ay hindi basta man-made swimming pool lamang. Isa itong natural circular tidal pool na napalilibutan ng coralline shores.

Kilala ang lugar na ito na dinarayo ng mga turista. Tuwing low tide ay maaring tumalon sa tidal pool at enjoyin ang alon nito.

death pool sa pangasinan

Screencap mula sa stock video ni Reggie Lapitan Bual

Sa artikulo ng GMA Network Balitambayan, ayon umano sa programang Pinoy MD, ang tunay na tawag sa death pool ay “Depth Pool”. Umaabot daw kasi ng 20 talampakan ang lalim nito na tagos sa dagat.

Ito raw ang dahilan kung bakit tuwing malakas ang alon sa dagat ay nagkakaroon ng pagbulwak ng tubig sa loob mismo ng depth pool. Madalas itong mangyari tuwing umaga at kumakalma rin naman pagdating ng hapon.

Ayon umano sa tourism officer ng Burgos Pangasinan, mahalaga ang ibayong pag-iingat tuwing naliligo sa tidal pool na ito dahil posible talagang mahigop pailalim ang tao kapag malakas ang ragasa ng tubig.

Manila Bulletin, Manila Times, GMA Balitambayan

Partner Stories
Over 200 McDonald’s party areas transform into teachers’ work-friendly McClassroom
Over 200 McDonald’s party areas transform into teachers’ work-friendly McClassroom
Camille Prats-Yambao on encouraging Nala’s all-around Development
Camille Prats-Yambao on encouraging Nala’s all-around Development
New kid on the block: Enfagrow AII Nurapro Four, with all-natural A2 milk proteins!
New kid on the block: Enfagrow AII Nurapro Four, with all-natural A2 milk proteins!
BEAUTY BAR TOGETHER: Let us show our love and appreciation to our heroic medical frontliners
BEAUTY BAR TOGETHER: Let us show our love and appreciation to our heroic medical frontliners

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Mag-asawa patay nang malunod sa 'death pool' sa Pangasinan
Share:
  • Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

    Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

  • PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

    PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

  • 14-anyos patay sa panananaksak ng kaklase dahil umano sa bullying?

    14-anyos patay sa panananaksak ng kaklase dahil umano sa bullying?

  • Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

    Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

  • PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

    PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

  • 14-anyos patay sa panananaksak ng kaklase dahil umano sa bullying?

    14-anyos patay sa panananaksak ng kaklase dahil umano sa bullying?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko