10 qualities na dapat mong hanapin sa isang magandang breast pump

Manual o electric? Single o double-breast? Gaano kadalas gagamitin? Alamin ang mga dapat itanong sa pagpili ng magandang breast pump.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Breast milk is best for babies, kaya mahalagang gumamit ng magandang breast pump upang makatulong sa iyong breastfeeding journey. Ano nga ba ang breast pump para sa iyo, manual breast pump o electric breast. Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung paano nga ba pumili ng isang magandang breast pump. Alamin ang mga features ng isang magandang breast pump. 

Manual vs electric breast pump?  

Ang pagpili sa pagitan ng manual at electric breast pump ay depende sa iyong mga pangangailangan, kalagayan, at kaginhawahan. Ano nga ba ang mas bagay sa ‘yo manual or electric breast pump?

Manual breast pump:

Larawan mula sa iStock

  • Karaniwang mas mura: Ang mga manual breast pump ay karaniwang mas abot-kaya sa presyo kaysa sa mga electric pump.
  • Portable: Madaling dalhin at gamitin kahit saan dahil hindi ito umaasa sa kuryente. Ito ay magandang option para sa mga ina na nais mag-pump sa labas ng bahay.
  • Simple at tahimik: Hindi ito umaabot ng malakas na ingay, kaya’t mas discreet ito kapag ginagamit.

Electric breast pump

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Mabilis at komportable: Ang mga electric pump ay karaniwang mas mabilis kaysa sa manual at mas komportable para sa mga ina na nais mag-pump nang madalas o sa mga may mataas na produksyon ng gatas.
  • Madaling gamitin: Ito ay may mga settings para sa suction at speed, kaya’t madaling i-customize para sa iyong kaginhawaan.
  • Double pumping: Maraming electric breast pump ang may kakayahan na magpump nang sabay-sabay sa parehong suso, na nagpapabilis ng proseso.
  • Ibinabatay sa kuryente: Kailangan itong ikonekta sa power source, kaya’t hindi ito madaling dalhin sa labas ng bahay nang walang access sa kuryente.
  • Mas Mataas ang presyo: Karaniwang mas mahal kaysa sa mga manual breast pump.

Sa pagpili sa pagitan ng manual at electric breast pump, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Pangangailangan sa pumping

Kung kailangan mo lang mag-pump ng gatas sa ilang oras sa isang araw para sa mga espesyal na sitwasyon o emergency, maaaring ang manual breast pump ay sapat na.

2. Dalas ng pag-pump

Kung plano mong magpump nang madalas, lalo na kung magbabalik-trabaho ka o may iba kang rason para sa pang-araw-araw na pagpump, mas maganda ang electric breast pump.

3. Kaginhawaan at kalusugan

Kung may mga isyu ka sa kalusugan o kaginhawaan na maaaring gawing mahirap ang manual pumping (tulad ng carpal tunnel syndrome), mas mainam ang electric pump.

4. Budget

Ang presyo ay isa ring mahalagang factor. Kung may limitasyon ang iyong budget, maaaring mag-umpisa ka muna sa manual pump at i-upgrade ito sa electric pump kung kinakailangan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa huli, ang tamang breast pump ay depende sa iyong sariling pangangailangan at kalagayan. Maaari kang mag-consult sa lactation consultant o healthcare provider upang makatulong sa iyong desisyon.

Katangian ng magandang breast pump

Electric breast pump | Larawan mula sa Shutterstock

1. Dalas ng paggamit ng breast pump.

Ang simpleng hand pump ay mas mainam kung panandalian ka lamang mawawala sa tabi ni baby, at maayos na ang iyong milk supply. Ilalagay lang ang isang cone-shaped shield sa iyong suso at i-squeeze ang handle upang lumabas ang gatas.

Ngunit kung mas mahabang oras kang mahihiwalay sa iyong anak—kung babalik ka na sa trabaho halimbawa—mas magandang breast pump ay yung electric.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makabubuting hintayin ang paglabas ni baby bago bumili ng breast pump, upang masuri kung gaano kadalas mo ito gagamitin.

2. Oras na kailangan sa paggamit ng breast pump.

Ang isang pumping session at kadalasang tumatagal ng 10 hanggang 15 minuto. Kung kinakailangan ng mas mabilis na panahong mag-express ng milk, mas okay mag-invest sa electric breast pump, at kung kaya ng budget, yung may capacity na sabay mag-pump ng magkabilang suso.

Ang double-breast pumps ay nakakatulong mag-stimulate ng milk production, at nakababawas ng kailangang oras sa pag-express ng gatas.

3. Magkano ang iyong budget.

Ang breast pumps ay available sa iba’t ibang lugar tulad ng baby stores, tindahan ng medical supplies, pati na sa drug stores. Depende sa iyong budget, kadalasan ay mas mahal ang electric breast pump kaysa manual.

Upang maiwasan ang contamination, huwag manghiram o bumili ng gamit na breast pump.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaari ring magrenta ng hospital-grade electric breast pump sa ospital o tindahan ng medical supplies (kung meron), lalo na kung na-ospital ka o si baby at kinakailangan mong padedehen si baby ng expressed milk kaysa mag direct-feed. Ang aparato lamang ang rerentahan, at kailangan mo pa ring bumili ng pumping kit, o iyong mga kailangang i-attach sa pump.

Tanungin din kung covered ng iyong health insurance plan ang pag-renta ng breast pump.

4. Convenience at portability ng breast pump.

Gaya ng ilang appliances, mas ma-e-engganyo kang gamitin ang breast pump na madaling i-assemble at linisin. Kung sa pag-assemble pa lang ay hirap ka na, baka mabawasan ang kagustuhan mong mag-pump.

Siguruhin ding maaaring tanggalin at linisin ang anumang parte ng pump na malalapatan ng iyong balat o gatas.

Kung lagi namang dadalhin ito kung aalis, ang magandang breast pump na piliin ay yung lightweight at may kasama ng carrying case. Mas okay kung meron na ring insulated compartment, kung saan puwedeng itago ang expressed milk.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

I-check din ang ingay ng breast pump. Kung kailangang mag-pump sa opisina halimbawa, piliin ang pump na mas tahimik.

5. Breast shield at suction.

Siguraduhing tamang size ang breast shields para sa iyo. Kung hindi tugma, kailangang bumili ng hiwalay na breast shields. At kung double-breasted pump naman ang gagamitin, i-check na may dalawang breast shields itong kasama.

I-test din ang suction capabilities ng breast pump, at kung maaari itong ma-adjust. Iba-iba ang kapasidad ng ina, kaya mas mainam nakokontrol ang suction pati na ang cycling speed kung electric pump ang gagamitin.

6. Emergency power at back-up pump.

Kailangan ng kuryente kung eletrci pump ang gagamitin, kaya itanong din kung gagana ang pump gamit ang battery pack, para sa instances na pagkawala ng kuryente. Kung kaya ng budget, mas okey din na may manual breast pump bilang back-up.

7. Mayroong adjustable modes (electric breast pump)

Larawan mula sa Shutterstock

Ang mga electric breast pump na may adjustable suction at speed settings ay mahusay para sa pag-aayos sa iyong kaginhawaan at paraan ng pag-express.

8. Hygiene at maintenance

Pumili ng breast pump na madaling linisin at desinpeksyunin, at may mga bahagi na maaaring hugasan sa dishwasher o sterilizer para sa kalusugan ng sanggol.

9. Noise level (electric breast pump)

Kung nais mong maging discreet sa pagpump, tukuyin ang noise level ng breast pump. Ang ilang electric pumps ay mas maingay kaysa sa iba.

10. Warranty

Alamin ang warranty at mga serbisyong kabilang sa pagbili ng breast pump. Ito ay mahalaga upang mapanatili ang kalidad ng pump.

Bago bumili ng iyong breast pump, kumonsulta muna sa iyong doktor, sa iyong mga kapwa breastfeeding mommies, o sa lactation consultant upang matulungan ka pang makapili ng magandang breast pump.

 

Sinulat ni

Romy Peña Cruz