Marami sa mga nagsasama ang nasasabihan na, “Magkamukha na kayo.” Kamakailan lamang ay nabigyang pansin ang mga ito dahil sa viral posts at site tulad ng Boyfriend Twin sa Tumblr. Mayroon pang iba na napapa-isip na sila ay magkamag-anak tulad nang sa kuwento ni Olivia Brunner.
Di mapag-kakailang pagkakahawig
Noong 2016, isa is Olivia Brunner sa milyon na Amerikanong sumubok ng take-home DNA test. Ang pinag-kaiba, hindi niya ito ginawa upang maaliw. Kanya itong sinunbukan dahil sa hindi mapagkailang pagkakahawig nila ng kanyang kasintahan noon na si Greg.
Mula sa kulay ng buhok at balat hanggang sa mga expression ay pareho ang dalawa. Ilang taon na nilang naririnig ang mga komento na sila ay talagang magkamukha.
Para mapalagay, kanyang sinubukan ang take-home DNA test upang malaman kung magkamag-anak sila ng kasintahan. Siya ay sobrang nag-alala sa magiging resulta nito na hindi niya na alam ang gagawin kung sakaling tama ang hinala.
Sa kabutihang palad, mali ang kanyang kinakatakot at sila ay nagpakasal na noong nakaraang taon. Ngayon, biruan nalang sa mag-asawa ang pagiging magkamukha.
Photo by Helena Lopes from Pexels
Hindi lang nagkakataon
Nuong 1987, isang teorya ang nabuo ng mga scientist mula sa University of Michigan. Sa kanilang pagsusuri sa mga mag-asawang nagkamukha, kanilang nabuo ang teorya na kinikilala parin ng mga scientists ngayon.
Ayon sa kanila, ang dekada ng pagbabahagi ng mga emosyon ang nagiging dahilan ng pagkakamukha ng mga mag-asawa. Nagiging magkamukha ang dalawang tao dahil sa mga nabubuong linya sa mukha at nakukuhang ekspresyon.
Ngunit paano naman ang hindi pa inaabot ng taon ang pagsasama?
Ayon kay Justin Lehmiller, isang research fellow sa Kinsey Institute at sumulat ng librong Tell Me What You Want, ang mga tao ay lumalagay sa kung ano ang pamilyar.
Salungat ito sa kasabihan na “opposites attract.” Maaaring hindi sinasadya ngunit mas gumagaan ang pakiramdam ng tao sa kung ano ang pamilyar sa kanya.
Sa isang pagsusuri nuong 2013, nakita na ito ay totoo.
Pagsusuri sa pamilyar
Sa isang eksperimento, ilang tao ang pinakitaan ng litrato na binago at nilagyan ng ibang katangian mula sa iba. Ang ilan ay nilagyan ng katangian ng ibang tao habang ang iba naman ay mula sa sariling mukha ng sumusuri sa litrato. Maging lalaki man o babae ay nagsabing mas maganda ang mga litrato na may katangian nila.
Ang isang mas luma pang pag-aaral ay sumusuporta dito. Nalaman din dito na ang mga lumahok ay hindi sinasadyang mas naaakit sa katangian na mayroon ang magulang na iba ang kasarian.
Ang mga lumahok ay pinakitaan ng mga litrato na kanilang sasabihin kung maganda o hindi. Habang sila ay nakatingin sa monitor, may ilan na biglang lalabas nang wala pang isang segundo ang mukha ng magulang na iba ang kasarian. Minumungkahi nito na mas-pinili nila ang mga nakitaan ng litrato ng magulang dahil ito ang pamilyar sa kanila.
Sa isang pagsusuri nuong 2018, nalaman na ang mga taong halo ang lahi ay mas naaakit sa mga kahawig ng magulang ano pa man ang kasarian. Ayon kay Lehmiller, ito ay ang hindi sinasadyang natural na asosasyon ng isang tao sa kung ano ang kaaya-aya. Ang mga katangian na mayroon ang mga magulang ay ang nakakapagpa-kumportable ng isang tao.
Photo by vjapratama from Pexels
Dahil sa genes
Maraming pag-aaral ang nagsasabi na may kinalaman ang genes sa pagka-akit sa kamukha. Nasasabi dito na ang mga mag-asawa ay mas magkapareho ang genes kumpara sa ibang tao. Madalas na magkalapit ang ilang bagay tulad ng tangkad at natapos sa paaralan.
Mayroon ding ebidensya na ang mga mga tao ay mas naaakit sa mga kapareho ng lahi. Ngunit, ang pag-aaral ay limitado dahil isinagawa lamang ito sa mga caucasian.
Si Ben Domingue ay isang assistant professor sa Stanford Graduate School of Education na inaral ang pagkakapareho ng genes sa mga mag-asawa. Ayon sa kanya, nalalapit ang mga ito sa isa’t isa dahil sa panlipunan, kultura o pangkapaligiran na napagdadaanan. Dahil sa pagkakapareho ng pinagdadaanan, nagkakakilala ang mga ito at dito nagkakaigihan.
Ngunit, nagbabago na ito ngayon dahil sa pagbabago ng mundo. Dahil mas nakakapag-lakbay na ngayon ang mga tao, mas marami silang nakikilala na mula sa ibang lugar.
Online dating
Dahil sa online dating, ang mga tao ay hindi na nalilimitahan ng paghahanap ng partner sa social circle o paligid. May ilang mga mananaliksik na nagsasabing maaari parin i-filter ang mga makikita base sa lahi o relihiyon na maaaring magpa-pili sa tao ayon sa genes nito. Ngunit, may iba ring mga mananaliksik ang nagsasabing dumami ang mga nagsasama na magkaiba ang lahi dahil sa online dating.
Ayon sa US Census Bureau, 10% ng mga nag-asawa nuong 2012 hanggang 2016 ang magka-iba ng lahi. Ngunit, ayon sa Pew Research Center, halos 20% ng mga mag-asawa sa US ang magkaiba ang lahi nuong 2015. Ito ay kumpara sa 7% nuong 1980.
Ayon kay Lehmiller, hindi masasabi kung magpapatuloy ang pagkakatuluyan ng mga magkamukha dahil sa pagbabago sa mundo ng dating. Isa ring rason ay mahirap aralin ang pagka-akit dahil sa dami ng dapat i-kunsidera dito. Maaari rin mapalapit sa isang tao dahil sa pagkakatulad ngunit hindi ibig sabihin nito ay magiging masaya ang pagsaasama.
Source: Time
Basahin: STUDY: Mas humahaba raw ang buhay kapag masaya ang mag-asawa
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!