X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Maine Mendoza kay Arjo Atayde: “Para akong prinsesa sa kaniya. The way he loves and cares for me, parang sobra.”

5 min read

Arjo Atayde ibinahagi kung paano niya pinaghandaan ang engagement proposal niya kay Maine Mendoza, na aniya ay na-postpone pa raw dati!

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Maine Mendoza and Arjo Atayde engagement story.
  • Reaksyon ni Maine sa wedding proposal ni Arjo.

Maine Mendoza and Arjo Atayde engagement story

maine mendoza and arjo atayde engagement

Larawan mula sa Instagram account ni Maine Mendoza

Marami ang nagulat at natuwa ng malamang engaged na si Maine Mendoza at Arjo Atayde. Ang balitang ito ibinahagi nila sa Instagram nitong July 29, 2022.

“Wait, whaaaat??? We’re engaged?!”

Ito ang caption ni Maine sa IG post niya noon na tampok ang picture nila ni Arjo at habang suot niya ang engagement ring na bigay nito.

Habang si Arjo ito naman ang caption sa kaniyang IG post tungkol sa nangyari nilang engagement na ginanap noong July, 28, 2022.

“My turn, I will marry you cutie. 07.28.22.”

Kahapon, sa kani-kanila paring IG accounts ay ibinahagi ni Arjo at Maine ang naging kuwento sa naging engagement nila.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

Ayon kay Arjo, last year pa dapat siya mag-popropose kay Maine ng kasal. Pero may nangyari na kailangan niyang i-consider kaya naman ito ay na-delay.

“I was supposed to propose last time nagkaroon lang ng unting problema. Definitely something we need to consider, because it did involve family. So na-delay ng onti. Nagtanong ako ulit nagpaalam kay Tito and Tita for the second time. And nabigyan ng pagkakataon to ask her.”

Ito ang kuwento ni Arjo.

Kuwento naman ni Maine, wala siyang ideya sa mga mangyayari. Ang buong pag-aakala niya ang pupuntahan niyang event ay para sa photoshoot niya sa isang magazine.

“A week ago sinabi na sakin na I have a shoot today for a magazine. I was really looking forward to it because it’s been a while since my last magazine shoot.”

Ito ang kuwento naman ni Maine.

Si Arjo nag-propose ng kasal kay Maine sa Tali Beach, Nasugbu, Batangas. Isa daw ito sa mga lugar na gustong puntahan ni Maine noon pa. Pero si Arjo iniiwas na dalhin doon si Maine dahil sa ito daw ang napili niyang lugar para isagawa ang kaniyang wedding proposal. Ang plano niyang ito ay inabot daw ng higit sa isang taon bago niya tuluyang naisakatuparan.

“Never pa siyang nakapunta dito at iniiwasan ko siyang dalhin dito for the longest time. Because this is where I really plan to ask her. I’ve been planning for a year now. Long time in the making, one year medyo matagal”, sabi pa ni Arjo.

Tinapat niya daw ang proposal sa parehong date na kung saan unang nag-Tweet si Maine tungkol sa kaniya at sa parehong araw kung kalian sila nagkakilala.

“She tweeted the Arjo cutie today so, July 28, 2013. This is the day that I met her also July 28, 2018. And now I proposed, July 28, 2022.”

Maine Mendoza and Arjo Atayde Engagement Story

Larawan mula sa Facebook account ni Maine Mendoza

 

Reaksyon ni Maine sa wedding proposal ni Arjo

Sa engagement video ni Maine at Arjo ay makikitang gulat na gulat si Maine sa ginawang surprise engagement proposal ni Arjo sa kaniya. Si Arjo makikitang sobrang thankful sa moment na ito ng buhay niya. Makikita ring hindi napigilan nito ang pagtulo ng kaniyang luha.

“I can’t get enough of you ‘cause my love for you keeps growing always.”

“I am at the point of my life that I no longer love someone as much as I love you. It’s too much.”

Ito ang maririnig na sabi ni Arjo kay Maine bago nito sabihin ang tanong niyang “Will you marry me?”

Si Maine mabilis na pagtango at yes ang sagot kay Arjo na naluluha rin sa very special moment na iyon sa relasyon nila.

Si Arjo naman ng marinig ang “yes” ni Maine ay napatayo at napahalik agad dito. Dahil sa wakas after 4 years ay engaged na siya sa babaeng pinakamamahal niya.

Si Maine hindi pa rin daw makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

Maine Mendoza kay Arjo Atayde: Para akong prinsesa sa kaniya. The way he loves and cares for me, parang sobra.

“To be honest, it hasn’t really sunk in yet. Parang I’m still on cloud nine. Sobrang bilis ng pangyayari. It all happened so fast but we’re here now.”

Dagdag pa niya, napaka-buting boyfriend at fiancé ni Arjo Atayde sa kaniya.

“Lagi ko ngang sinasabi, para akong prinsesa sa kanya. The way he loves and cares for me, parang sobra. Sometimes, I really ask the Lord what I have done to deserve this kind of love.”

Ito daw ay pinagdasal niya sa Diyos na makilala at makasama sa buhay. At very thankful siya na ang dasal niyang ito ay nagkatotoo. Si Maine pinasalamatan rin si Arjo sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kaniya at pati sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

“I’ve always prayed to find a man na who’s gonna love me for who I am and then you came.”

“I just want to thank you for loving me the way you do. I want to thank you for being you, for loving my family, for loving my friends, and for loving me.”

Ito ang sabi pa ni Maine sa naging engagement nila ni Arjo Atayde.

Instagram

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Maine Mendoza kay Arjo Atayde: “Para akong prinsesa sa kaniya. The way he loves and cares for me, parang sobra.”
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.