Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

Nalalapit na kasal ni Maja sa Hulyo beach wedding umano.

Maja Salvador bachelorette party dinaluhan ng mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz. Aktres nag-share ng kaniyang nararamdaman sa nalalapit niyang pagpapakasal.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Maja Salvador bachelorette party.
  • Nalalapit na pagpapakasal ni Maja Salvador.

Maja Salvador bachelorette party

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 

Star-studded at full of fun. Ganito kung maisasalarawan ang naging bachelorette party ng aktres at TV host na si Maja Salvador. Makikita sa videos na ibinahagi ng aktres ang kaniyang saya na mapalibutan ng malalapit niyang kaibigan sa isang milestone na ito sa kaniyang buhay. Ilan nga sa present na celebrity sa bachelorette party ni Maja ay sina Kathryn Bernardo, Miles Ocampo, Maine Mendoza MJ Lastimosa at Precious Lara Quigaman. Nandoon rin ang mga komedyante na sina Kakai Bautista, Pooh at Alora Sasam.

Sa unang bahagi ng video ng nasabing party ay maririnig na sinasabi ng mga kaibigan ni Maja na deserve niyang magkaroon ng espesyal na bachelorette party. Dahi bilang kaibigan ay lagi daw ito ang ipinaparamdam ni Maja sa kanila, ang pagiging espesyal.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 

Nalalapit na pagpapakasal ni Maja Salvador

maja salvador and rambo nunez

Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Si Maja nagbahagi rin ng kaniyang nararamdaman sa nalalapit niyang pagpapakasal sa fiancé na si Rambo Nuñez.

Pag-amin ni Maja magkahalong takot at excitement ang nararamdaman niya sa nalalapit niyang kasal.

“Papunta na ko sa new chapter ng buhay ko. I’m scared. Pero ‘yun nga yata ‘yung kagandahan, kapag may takot. Kasi kung ibabahagi ko siya sa bawat role na gagawin ko, this time parang nakakatakot dahil wala ng direktor na magka-cut, wala ng actor’s cue. Ito na yung totoong buhay and excited ako.”

Ito ang pahayag ni Maja sa kaniyang bachelorette party.

maja salvador and rambo nunez

Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Samantala, biglang paghahanda sa nalalapit niyang kasal nitong darating na Hulyo ay nagpaalam na rin si Maja sa pag-hohost sa noon time show na Eat Bulaga. Ito daw ay para makapag-focus ang aktres at manager sa kaniyang wedding preparations.

Sa mga naging pahayag naman ng aktres tungkol sa nalalapit niyang kasal ay ibinahagi niyang ito ay beach wedding.

Congratulations Maja!

maja salvador engaged

Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!