Malaking agwat sa pag-aanak? Narito ang aking kwento patungkol rito.
Mayroon akong 2 anak. 7 years ang age gap, yes, malayo ang agwat nila. I gave birth with my first born at the age of 23 and 31 naman dito sa bunso ko.
A lot of people says na ;di na ko mahirapan kasi malaki na panganay ko, matutukan ko na iyong bunso ko. Tama naman sila pero hindi totoo na hindi ako mahihirapan, kasi mahirap.
Kung ako lang sana, ayaw ko na masundan ang panganay ko. You know why? Kasi natrauma ako sa panganganak ko sa panganay ko. What I’ve been through was not easy.
“Baka hindi ko na ulit kayanin.”
Sabi ko nga sa mga kaibigan ko pag nagbuntis at nanganak ako ulit baka hindi ko na kayanin, baka ikamatay ko na. OA hindi ba? But that’s how I really felt before kasi ‘di ko ma-conquer ‘yong trauma ko noon.
Pero nung naghahanap na ng kapatid ‘yong anak ko, doon ako napaisip. Sabi rin ng mama ko mag-anak pa raw ako ng isa para kapag nawala na kaming asawa ko may kapatid na makakasama ang panganay ko. Napaisip ulet ako doon.
Makalipas ng pitong taon
At ayun nga, after seven years, I got pregnant. I gave birth to a cute little girl. My pregnancy dito sa bunso ko was not easy. Sobrang hirap ako. Muntik pa ko ma-confine because I was dehydrated dahil sa pagsusuka.
Kahit tubig sinusuka ko. Nanibago talaga ko. That is one of the disadvantage na nakita ko pag nagbuntis ka after so many years. Maninibago katawan mo.
Parang first time mo ulit magbuntis. Physically, mentally and emotionally ang laki ng adjustment. And then I gave birth, sobrang takot ako nung nagle-labor nako kasi ‘yon ang trauma ko but thank God I made it.
Nanibago ako sa pagaalaga ng baby. Sobrang magkaiba sila ng panganay ko. So adjustment nanaman. Since stay at home mom nako, tutok ako sa pagaalaga sa mga anak ko lalo sa baby ko.
BASAHIN:
10 tips para mapalaki ang anak na lalaki na may respeto sa mga babae
Ayon sa isang psychologist, narito ang maaaring gawin para maging close ang magkapatid
#AskDok: Paano disiplinahin ang magkapatid na magkaiba ang ugali?
Advantage at disadvantages sa malaking agwat sa pagkakaroon ng anak
One of the advantages na malaki ang age gap is naasahan mo na yung panganay ko. Nauutusan ko na sya. Natutulungan niya na ako sa ibang gawain dito sa bahay.
Buti na lang maaga ko siyang naturuan na maging independent lalo na sa pagaasikaso ng sarili niya. Nagsu-supervise na lang ako kung nagawa niya na ba lahat ang dapat niyang gawin.
Iyon nga lang may time na ang hirap pagsabayin nilang asikasuhin. Magkaiba kasi needs nila. Minsan ‘di ko alam sino uunahin ko asikasuhin. May time pa na feeling ko napapabayaan ko na panganay ko dahil sobrang focus ko sa bunso ko.
Another thing pa na disadvantage na malayo ang age gap ay iyong mga bagay na trip nila gawin. Of course, turning 8 na panganay ko this June, ang mga hilig niya more on streaming, mobile games at mga laruan na pang big boys na.
Pati sa mga pinapanood, while ‘yong bunso ko gusto siyempre mga rattle toys, nursery rhymes. Kaya ‘yong panganay ko nabo-bored sya bantayan at laruin kapatid nya pag may kelangan ako gawin like pag nagluluto ako.
Ang advantage naman, since malaki na siya, naasahan ko naman na suya magbantay sa kapatid nya lalo pag naliligo ako. Iyan lang ‘yong iba sa dami ng advanatges at disadvantages ng malaki ang agwat ng pagbubuntis. Pero siyempre lamang ang advanatage.
Kahit mahirap, kakayanin
Even though na napakahirap maging mommy ng isang young kid at infant, wala pa din tatalo sa feeling na nakakaya mo at nakikita mong maayos sila.
Yes, may advantages at disadvantages ang malaking agwat sa pag-aanak. Pero para saken mas tinitignan ko na lang yung advantages.
Kung kayo ang tatanungin? Ano ang ideal gap ng pagbubuntis? Sana ay nabigyan ko kayo ng konting idea kung ano ang ideal na agwat sa pagaanak. At naway makatulong ako sa inyo mommies lalo na sa mga nagpaplano sundan na ang panganay ninyo.