Alamin kung paano maiiwasan ang malalang sintomas ng COVID-19!
Mababasa sa artikulong ito:
- 4 medical condition na kinakailangan ng COVID-19 hospitalization
- Tips para makontrol ito
- Maaari bang makontrol ang malalang sintomas ng COVID-19?
Hindi natin maitatanggi na nakakatakot ang COVID-19 at kung paano nito mabilis na inaapektuhan ang katawan ng isang tao. May iba na mild symptoms lang ang kanilang naranasan at nakayang magpagaling sa bahay.
Dito nila naranasan ang lagnat, tuyong ubo, pagkapagod, pananakit ng lalamunan at ulo, pagdumi at kawalan ng pang-amoy at panlasa.
BASAHIN:
Tumataas na naman ang kaso ng COVID, dapat ka bang bumili ng face mask para sa bata?
Subalit para sa iba, grabe ang kanilang naranasang sintomas. Katulad ng hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib, pagkawala ng panlasa at kakayang magsalita. Ito ang mga sintomas na kinakailangan ng hospitalization.
Ang mga mas risk sa COVID-19 ay ang mga matatanda o kaya naman tao na may medical condition. Anu-ano nga ba ito at paano sila nalalagay sa panganib ng COVID-19?
High risk ka ba sa COVID-19?
Ayon sa pinakabagong pag-aaral na nakalimbag sa Journal of the American Heart Association, ipinakita rito ang mga medical condition ng mga taong positibo sa virus at kinailangang ma-ospital.
Kasama rito ang obesity, hypertension, diabetes at heart failure. Kung ikaw ay mga sakit na ganito, kailangan mo ng tripleng pag-iingat.
1. Obesity
Ang obesity ay isang complex disease kung saan ang katawan ay mayroong sobra-sobrang taba. Kung ikaw ay obese, marami kang kailangang tandaan na magiging banta sa iyong kalusugan. Nariyan ang sakit sa puso, diabetes, high blood pressure at cancer.
Sa katunayan, ang mga taong obese ay maaaring mahirapan magkaanak o kaya naman sa panganganak mismo.
Ayon sa pinakabagong pag-aaral, nagpapataas ng risk at komplikasyon ang obesity sa pagkakaroon ng COVID-19. Mas madaling tamaan ng nasabing virus ang mga obese na tao.
Ang Cytokine storm (CS) ay isang “critical life-threatening condition” na kinakailangan ng mahigpit na pangangalaga sa ospital.
Kung ikaw ay obese, narito ang mga maaaring maging balakid na pwedeng makaapekto rin sa iyong pagpapagaling.
- Ang mga obese na nagkasakit ay kinakailangang ilipat sa intensive care unit dahil mas mahirap silang ma-intubate.
- Mas mahirap kuhaan ng diagnostic imaging.
- Mahirap iposisyon ang mga obese na tao o ilipat ng mga medical staff sa ICU.
- Ayon sa pag-aaral, ang general health system ay hindi kayang maalagaan ng todo ang mga pasyenteng obese. Halimbawa, ang special bed at positioning/transport equipment ay available lamang sa specialised surgery units. At hindi makikita sa lahat ng kwarto ng ospital.
Tips para maiwasan at makontrol ang obesity:
- Mag ehersisyo lagi
- Idoble ang pagkain ng gulay at prutas
- Mas okay ang “good” fat kaysa sa “bad” fat
- Iwasan ang pagkain ng processed at matatamis na pagkain
- Isama sa journey ang buong pamilya
- Kailangang normal ang iyong BMI
- Kumain ng tatlong beses sa isang araw. ‘Wag laktawan ang pagkain!
- Tinatayang nasa 15% ng calorie ay nasa invisible fats. Katulad ng fatty meat, butter, cheese, lard at cream. Limitahan ang sarili sa pagkain nito.
2. Hypertension
Isa pang delikadong kondisyon para sa COVID-19 ay ang hypertension.
Kung ikaw ay may high blood pressure, kailangang protektahan mo rin ang iyong sarili laban sa COVID-19. Bukod sa obesity, ang high risk din sa nasabing virus ang mga taong may hypertension. Maaari rin silang magkaroon ng pinakamalalang sintomas at mamatay dahil sa impeksyon.
Kung malala ang iyong sintomas, kailangan mo ng medikasyon. Samantala, upang maging matagumpay ang iyong pagapapagaling, kailangang gawin mo ang mga ito:
Tips para makontrol ang hypertension
- Tumigil sa paninigarilyo
- Tumigil sa pag-inom ng caffeinated drinks
- Bawasan ang pag-inom
- Bawasan ang sodium intake
- Mag-ehersisyo ng madalas
- Magbawas ng timbang at kontrolin ito
3. Diabetes
Ang diabetes ang pinakamalalang kondisyon para sa COVID-19. Maraming pag-aaral ang nagtuturo na kung ikaw ay may diabetes, malaki ang tiyansa na tamaan ka ng coronavirus katulad ng COVID toes, skin inflammation.
Sa katunayan, ang hindi kontroladong diabetes ay makakapagpataas ng risk sa pagka ospital dahil sa COVID-19.
Tips para makontrol ang diabetes
- Ehersisyo. Subukang maglaan ng 30 minuto araw-araw para ma-exercise ang iyong kasukasuan at mga kalamnan.
- Maghanap ng paraan para mawala ang stress.
- Iwasan ang diet. Kumain ng masustansyang pagkain.
- Huwag palampasin ang regular na check-up para ma-monitor ng maayos ang iyong diabetes.
- Kumain ng maraming pagkain na mayaman sa fiber katulad ng saging, peas, mani, seeds, cereal, melon at orange.
- Magbawas ng timbang sa pamamagitan ng ehersisyo.
4. Heart failure
Ang pinaka inaapektuhang parte ng katawan ng COVID-19 ay ang puso ng tao. Ang mga taong may problema sa puso at tinamaan ng COVID-19 ay kinakailangan ng stiktong pangangalaga sa ospital.
Ito ay maaaring ikamatay kung hindi bibigyan ng pansin. Kung ikaw ay mayroong sakit sa puso, kailangan mo ng tripleng pag-iingat kahit na mild lang ito.
Sang-ayon ang mga doktor na high risk sa coronavirus ang mga taong may sakit sa puso. Mula sa inflammation, pagbaba ng pundasyon ng puso, hirap sa paghinga, postural drop blood pressure at iba pang sakit sa puso pati na rin ang mga sumailalim sa operasyon sa puso dati.
Ang masayang puso ang tanging solusyon para magkaroon ng healthy na pamumuhay.
Tips para alagaan ang iyong puso
- Bawasan ang pag-inom ng alak.
- TUMIGIL sa paninigarilyo.
- Magbawas ng timbang.
- I-monitor lagi ang iyong blood pressure at blood sugar.
- Kumain ng healthy foods. Iwasan ang mamantikang pagkain at kumain ng maraming gulay.
Maaari bang makontrol ang malalang sintomas ng COVID-19?
Kung hindi mo inaalagaan ang iyong kalusugan, huwag itong patagalin pa. Ayon sa pag-aaral, maaaring mapabuti ang kalusugan ng isang tao pagkatapos ng anim hanggang walong linggo ng pagbabago ng kanilang diet.
Samakatuwid, importanteng magsimula sa maliit na pagbabago sa iyong katawan. Isa itong paraan para mabawasan ang pagkakaroon ng malalang COVID-19.
Sa patuloy na pagtaas ng kaso sa ating bansa, kinakailangan nating mas maging maingat, responsable at patuloy na alaagan ang kalusugan.
Kung lalabas ng bahay, ‘wag kakalimutan ang mga safety precautions. Social distancing, at pagsusuot ng face mask ang kailangan.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano
News Source: