X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bakit may lumalanding asawa? Ito ang 7 posibleng dahilan niya

6 min read

Malanding asawa, uso ngayon ayon sa isang pag-aaral.

Mababasa artikulong ito:

  • Mga dahilan kung bakit may malanding asawa.
  • Ano ang dapat mong gawin kung may malanding asawa ka.

STUDY: Talamak ang paglalandi online sa ngayon!

Lahat nga ng bagay sa ngayon ay online na. Pati nga pangloloko o cheating ay maaari ng gawin over the internet. Ayon nga sa isang pag-aaral, kumpara noon ay mas talamak ang online cheating sa ngayon.

Ito ang natuklasan ng isang YouGov survey na ginawa sa ilalim ng National Marriage Project ng University of Virginia at the School of Family Life sa Brigham Young University.

Sa katunayan, base sa ginawang pag-aaral, 65% ng mga millenial at Generation-X live-in partners o mag-asawa ang nagsabing ang sexting o online secret emotional relationship ay hindi isang malaking isyu para sa kanila.

Ito ay kung kukumpara sa 75% ng mga baby boomers o old adults na nagsabing ang mga nabanggit na activities ay problematic para sa isang relasyon.

Pagdating sa pagpa-follow o pakikipag-usap sa ex-partner online, 26% lang sa mga millenials ang itinuturing na red flag ito sa isang relasyon. Habang 56% ng mga old adults ang nagsabing hindi ito makakabuti sa relasyon.

Mas ginagawa nga umano ito ng mga live-in partners kumpara sa mga kasal na

Ang mga kasal na mag-asawa at live-in partners ay may halos magkaiba ring opinyon tungkol sa usaping ito. Nasa 84% kasi ng mag-asawa ang nag-aalala sa magiging epekto ng online activites na ito sa kanilang pagsasama.

Bahagyang mataas ito sa 77% lang ng mga babae at lalaking nagmula sa cohabiting relationship na nagsabing ang sexting at online secret emotional relationship ay isang banta sa kanilang relasyon.

Higit sa lahat natuklasan din ng pag-aaral, na ang mga online activities na ito mas mataas ang tiyansang gawin ng mga younger at cohabiting couples. Kumpara sa mga older couples na kasal na.

malanding asawa

People photo created by yanalya – www.freepik.com 

Bagama’t alarming ang findings ng pag-aaral, lalo na sa mga couples sa ngayon, ayon sa mga social scientist ay may positive effect naman ito. Ito ay ang nababawasan nito ang posibilidad ng real world cheating na tinatawag ng mga scientist na phenomenon na kung tawagin ay “attractive alternatives”.

Pero bakit nga ba nagtsi-cheat ang isang babae o lalaki sa isang relasyon? Kung nahuli mo ang iyong partner o asawa na may kalandian online o sa real-world man, ito ang mga posible niyang dahilan.

Bakit nga ba nagtsi-cheat ang isang babae o lalaki sa isang relasyon?

Ayon sa isang 2017 study na nailathala sa The Journal of Sex Research, ito ang 7 dahilan kung bakit may malanding asawa o partner sa isang relasyon.

1. Anger or revenge.

Isa sa mga dahilan na natukoy ng pag-aaral na ginawa ng 495 na katao, ang isa mga dahilan kung bakit nagtsi-cheat ang isang babae o lalaki ay dahil sa galit o nais nilang makaganti. Ito ay masaring dahil sa niloko mo sila noon. O kaya naman ay galit sila o frustrated matapos ang naging pag-aaway ninyo.

2. Falling out of love.

Maaari ring kaya nagloloko ang isang babae at lalaki ay dahil ang inyong relasyon ay hindi na kasing sweet o intimate tulad ng dati. Kaya naman naghahanap siya ng ibang tao na muling magpaparamdam sa kaniya ng kilig.

3. Situational factors and opportunity.

malanding asawa

Photo by RODNAE Productions from Pexels

Ang pagtsi-cheat o panloloko ay maaaring resulta rin ng situational factors at opportunity tulad ng kayo ay nasa isang long-distance relationships.

O kaya naman ay pakiramdam ng isa sa magkarelasyon na siya ay hindi enough sa kaniyang karelasyon. Kaya naman sa oras na may nagsabi sa kaniya na siya ay good-looking at kaakit-akit ay tumataas ang tingin niya sa kaniyang sarili habang nahuhulog ang loob sa taong nagsabing ito.

BASAHIN:

STUDY: Mga couples na sabay matulog, mas matatag ang relasyon

Pakikipagkaibigan sa ex, narito kung bakit hindi ito makakabuti sa isang relasyon

12 signs na ikaw ay nasa isang emotionally abusive na relasyon

4. Commitment issues.

Maaari ring may commitment issues ang isang babae o lalaki kung bakit ito nangangaliwa. Puwedeng wala siyang interes sa long-term at serious relationship at nais muna ang casual relationship sa ngayon.

5. Unmet needs.

Bilang isang tao ay may iba-iba tayong gusto o pangangailangan. Sa oras na hindi nga napagbigyan ng ating asawa o partner ang gusto o pangangailangan nating ito ay may tendency na hanapin natin ito sa ibang tao.

Ito ang isa mga dahilan kung bakit may nangangaliwa sa isang relasyon. Ito ay maaaring dahil mayroon kayong magkaibang sex drive. O kaya naman ay wala kang sapat na oras at atensyon sa iyong asawa.

6. Sexual desire.

Mahalaga ang pakikipagtalik sa pagsasama. Ang pagkawala nito ay maaaring labis na makaapekto sa relasyon. Sapagkat sa oras na hindi ito maibigay ng isa sa magkarelasyon ay mataas ang tiyansang hanapin ito ng partner o asawa niya sa iba.

7. Low self-esteem.

Isa rin sa posibleng dahilan kung bakit nagtsi-cheat ang isang babae at lalaki ay maaaring dahil nais nilang madagdagan ang confidence nila sa sarili. Sapagkat the more na may nagkakagusto sa kanila o the more na may karelasyon silang iba ay mas nararamdaman nilang gwapo o maganda sila. Bilang resulta mas tumataas ang self-confidence at self-esteem nila.

Ano ang iyong dapat gawin?

malanding asawa

Partner Stories
What is "Copycat Suicide" and why should you care?
What is "Copycat Suicide" and why should you care?
Healing benefits of the yun-zhi mushroom for those with medical conditions
Healing benefits of the yun-zhi mushroom for those with medical conditions
Netflix’s Improved Parental Controls Gives More Choice to Parents
Netflix’s Improved Parental Controls Gives More Choice to Parents
Skechers Flagship Store Opens in Glorietta
Skechers Flagship Store Opens in Glorietta

Photo by RODNAE Productions from Pexels

Ngayon alam mo na kung bakit may malanding asawa o bakit may nag-checheat o ngangaliwa sa isang relasyon, narito ang mga dapat mong gawin:

  • Kausapin ang iyong partner tungkol sa insidente. Tanungin siya kung bakit niya ito nagawa. Mas mainam na iwasang alamin ang maliliit na detalye ng kaniyang panloloko para hindi ka na masyadong masaktan pa.
  • Sa inyong pag-uusap ay tanungin siya kung gusto niyang ituloy pa ang inyong relasyon. Sapagkat madalas kaya nagloloko ang isang babae at lalaki ay dahil hindi na siya masaya at nais makipaghiwalay na.
  • Pero maliban sa pagtatanong sa iyong partner ay tanungin din ang iyong sarili kung nais mo pa bang ituloy ang inyong relasyon. Maliban kasi sa kaniya ay dapat mo ring pahalagahan ang iyong nadarama. Dapat mo ring tanungin ang iyong sarili kung handa ka bang muli na pagkatiwalaan siya.
  • Tanungin din ang iyong sarili, mahal mo pa ba talaga iyong partner? Gusto mo pa bang ayusin ang inyong relasyon? Kung pakiramdam mo ay mahihirapan ka ng magtiwala pa mas mabuting pag-isipan ito ng mabuti na.
  • Kung nais na masagip ang inyong relasyon, makakatulong na makipagusap sa isang counselor. Sapagkat sa tulong niya kayo ay mapapayuhan at mabibigyan ng therapy para mas maging responsable kayo sa inyong relasyon. Kung paano ninyo mahahandle ng maayos ang inyong mga emosyon.

Source:

Washington Post, Healthline

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Bakit may lumalanding asawa? Ito ang 7 posibleng dahilan niya
Share:
  • 7 bagay na maaaring pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa at tips para maiwasan ito

    7 bagay na maaaring pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa at tips para maiwasan ito

  • 5 bagay na hindi dapat ikagalit tungkol kay mister

    5 bagay na hindi dapat ikagalit tungkol kay mister

  • Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

    Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • 7 bagay na maaaring pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa at tips para maiwasan ito

    7 bagay na maaaring pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa at tips para maiwasan ito

  • 5 bagay na hindi dapat ikagalit tungkol kay mister

    5 bagay na hindi dapat ikagalit tungkol kay mister

  • Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

    Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.