Pansin mo ba ang maliliit na butlig sa utong mo? Alamin kung ano ang dahilan nito!
Ano ba ang Montgomery’s tubercles?
Ito ay makikita sa iyong nipple na mas kilala sa tawag na areola. Narito rin ang maliliit na sebaceous glands. Ang itsura nito ay maliliit na bumps na hindi kapansin-pansin hanggang sa ikaw ay magbuntis. Montgomery’s tubercles o areolar glands, ito ang tawag ito.
Sa pregnancy ni mommy, ang glands na ito ay mas lalong lumalaki at umuumbok. Ito ay tila maliliit na pimple o goosebumps. Gaya ng ibang babae, iba-iba ang itsura o laki ng kanilang nipple at areola. Ang Montgomery’s tubercles ay nag-iiba rin ang laki o dami.
Karaniwan, ang maliliit na butlig sa utong na ito ay umaabot ng 28o higit pa sa isang nipple.
Ano ang function ng maliliit na butlig sa utong o montgomery’s tubercles?
Gaya ng oil glands na siyang nagpapanatili ng hydration sa ating katawan, ganito rin ang pangunahing gawain ng Montgomery’s tubercles.
Kung ikaw ay nagpapasuso ng madalas, naglalabas ito ng lipids na siyang nagpapadulas sa nipple. Tandaan, ito ay nakakatulong upang maprotektahan sila sa impeksyon at maalagaan ang gatas ni mommy pati na rin si baby.
Maliliit na butlig sa utong | Image from Freepik
Isa pang nakakahanga rito, ang Montgomery’s tubercles ay may partikular na amoy na nakakatulong sa iyong baby upang malaman ang iyong nipples. Kaya ito ang dahilan kung bakit hindi na kailangang gumamit ng sabon si mommy sa paglilinis ng kanilang nipple.
Kailangan mo ring iwasang maglagay ng kahit na anong uri ng disinfectants o ibang produkto sa iyong nipple. Sapat na ang paglilinis gamit ang tubig. Pwede ka rin namang gumamit ng kaunting patak ng iyong breastmilk at ilagay ito sa iyong nipple. Hayaang matuyo.
Bakit lumalaki ang Montgomery’s tubercles sa pagbubuntis?
Sa pagbubuntis, ang iyong katawan ay naglalabas ng maraming hormones. Kasama rito ang ilang pagbabago sa iyong suso na naghahanda sa lactation at breatfeeding.
Sa pagbabago na ito, ang Montgomery’s tubercles ay nag-iiba rin ang itsura. Mas lumalaki ito at umuumbok. Maaaring makaramdam ng sakit at pagiging sensitibo ng areolas.
Kailan ito lumalabas kapag buntis?
Ayon sa Healthline, lumalabas ito kapag o nagiging noticable kapag na-delay ang iyong period. Sapagkat naghahanda na ang katawan ng isang babae para sa pagbubuntis. Kaya naman naglalabas ang katawan ng hormones para maihanda sa pagpapasuso ng sanggol.
Bilang bahagi ng pagbabagong ito, ang montgomery tubercles ay magbabago rin ng itsura, mas magiging prominente ito kasabay ng paglaki ng mga dibdib kapag buntis.
Pagkakaroon ng Montgomery tubercles pero hindi naman buntis?
Kahit na ang pagkakaroon ng maliliit na butlig sa utong o montgomery tubercles ay isa sa mga maagang senyales ng pagbubuntis, hindi lahat ng babaeng may ganito ay buntis.
Ilan sa mga dahilan na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng maliliit na butlig sa utong o montgomery tubercles ay pagkakaroon ng hormonal imbalance, stress, at malaking pagbabago sa timbang.
Sapagkat ang pagbabago ng itsura nito ay may kinalaman sa pagtaas ng hormones ng babae. Maaari ring mapansin ito bago dumating ang buwanang dalaw.
Kung ang montgomery tubercles ay noticeable pa rin kahit alam mo na hindi ka buntis, magpakonsulta sa doktor kung ikaw ay nababahala.
Senyales na may impeksyon ang iyong Montgomery’s tubercles
Posibleng magkaroon ng block at impeksyon ang glands na ito. Kaya naman narito ang mga kailangang bantayan:
- Pamamaga sa paligid ng iyong nipple
- Pamumula
- Pangangati
- Pagdurugo
- Paglaki ng husto ng montgomerys tubercles
Kung agad mong mapansin ang mga senyales na ito o iba pang hindi normal na pagbabago sa iyong suso, kumunsulta agad sa iyong doktor.
Maliliit na butlig sa utong | Image from iStock
Mawawala ba ang maliliit na butlig sa utong?
Oo, mawawala rin ito pagkatapos mong magpa-breastfeed sa iyong anak. Normal ito at walang dapat ikabahala dahil parte lang ito ng proseso.
May ibang babae na mayroong Montgomery’s tubercles kahit na hindi sila buntis o nagpapasuso. Sa ganitong sitwasyon, kung hindi ka komportable sa kanila, maaaring tanungin mo ang iyong doktor kung paano ito alisin.
Ngunit narito naman ang ilang home remedy para mapaliit ang butlig nipple. Subukan ang:
- Uminom ng madaming tubig araw-araw
- Bawasan ang pagkain ng matamis at maalat na pagkain dahil isa itong dahilan kung bakit lumalaki ang tubercles
- Magpahid ng shea butter o aloe vera gel sa paligid ng iyong nipple
- Basain ang malinis na towel gamit ang maligamgam na tubig. Idampi ito sa nipples tuwing gabi sa loob ng 20 minutes.
Tamang treatment para sa Montgomery Tubercles
Maaaring nakakabahala ang itsura nito sa umpisa subalit hindi naman ito mapanganib. Dagdag pa rito, hindi dapat ito makaabala sa iyong pagbubuntis o pagpapasuso sa iyong baby.
Subalit kung nais mong gumamit ng mga home remedies para mabawasan ang laki nito at itsura nito ay maaaring subukan ang mga sumusunod:
- Ibabad ang maliit na towel sa isang maligamgam na tubig at dahan-dahan idiin ito sa iyong nipples gabi-gabi sa loob ng 20 na minuto.
- Maaari ring mag-appky ng shea butter o kaya naman aloe vera gel sa iyong nipples.
- Uminom ng maraming tubig araw-araw
- Bawasan ang pagkain ng mga pagkaing may mataas na sugar at sodium content. Sapagkat nakakatulong ang dalawang ito para lumaki pa lalo ang maliliit na butlig sa utong o ang montgomery tubercles.
Para naman mapangalagaan ang iyong nipple area, lalo na ang montgomery tubercles habang buntis at nagbe-breastfeeding, narito ang ilang tips:
- Hayaan lang sila. Maaaring ayaw mo sa kanilang istura subalit may silbi ito. Kaya naman kung ang iyong nipples at areola ay soft at healthy, pabayaan na ang maliliit na butlig na ito. Kaya ng sinasabi kanina mas magigng less noticeable ito kapag tapos nang manganak at mag-breastfeed.
- Maging malinis sa katawan. Huwag na huwag kalimutan na panatilihin malinis ay dibdib. Gumamit ng warm water at mild cleanser para hugasan ito. Iwasan ang mga sabong maaaring i-wash away ang protective substance na dala ng iyong Montfomery grlands.
- Iwasan ang pag-pop dito. Maaaring tempting ang pag-pop o pick sa mga maliliit na butlig na ito pero huwag itong gawin. Lalo na kapag may marumi kang kamay.
- Huwag mag-apply ng gamot pang-tigyawat. Karamihan sa mga acne medication ay may mga sangkap na nakaka-dry sa iyong areola, at higit sa lahat may harmful effects lalo na kapag na-ingest ito. Kaya naman huwag malagay nito sa iyong dibdib lalo na kapag ikaw ay buntis at nagpapasuso sapagkat maaari itong makasama sa iyo at sa baby.
- Maging maingat sa paggamit ng mga nipple cream, lotion, at ointments sa iyong dibdib para maiwasan ang pagkakaroon ng nipple problems. Maliban na lamang kung ikaw ay mag sore, cracked nipples o kaya naman impeksyon. Ang mga produktong ito ay hindi naman necessary at maaari pang magpalala ng problema.
Kung ikaw ay mayroong breast o nipple problem, huwag na huwag mahiyang magtanong sa iyong doktor. Kapag ikaw ay isang babeng hindi naman buntis at nagbe-breastfeeding at may nakita kang montgomery tubercles at nababahala ka riot ay magpatingin din sa iyong doktor. Baka sanhi ito ng hormonal imbalance at maaari nila itong tanggalin surgically.
Kung ikaw ay nag-alala patungkol sa itsura ng iyong dibdib o mga pagbabago na iyong napansin sa iyong dibdib habang buntis huwag mahiyang kumonsulta sa doktor.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!