Nang naipanganak ang iyong baby, siya ba ay maputi o maitim? Kamusta ang kulay niya habang siya ay lumalaki? Ang kulay ba ng kanyang balat ay mana sa magulang?
Maitim ang baby
Isang ina ang humihingi ng payo sa theAsianparent Community dahil sa kulay ng kanyang anak. Ayon sa kanya, maputi silang mag-asawa ngunit ang kanilang baby ay maitim kumpara sa kanila. Dahil dito, nakakarinig sila ng mga pagpuna na hindi nila kakulay ang kanilang anak.
Ito ang naging dahilan ng pagtatanong niya kung sila lang ba ang nakakaranas nito. Kanya ring itinatanong kung ano kaya ang dahilan kaya hindi nila kakulay ang kanilang baby.
Hindi ka nag-iisa
Marami ang sumagot na ganito rin ang kanilang karanasan sa kulay ng kanilang baby.
Ayon sa isa sa mga ito, ang kaniyang kapatid ay mukhang Spanish kahit pa Taiwanese naman ang kanilang ama. Kanilang nalaman na ang lola ng kanilang ina ay Spanish at malamang ay dito nakuha ng kanilang kapatid ang genes na ito.
Sa ganitong pagkakataon, may posibilidad na ang ilan pa sa magiging anak nila ay maaaring magmukhang Spanish.
Sa kuwento naman ng isa pang nagkomento, magkaiba ang kulay nilang mag-asawa. Ganunpaman, nang naipanganak ang kanilang baby ay kakulay niya ito. Nang lumaon ay pumuti rin tulad ng kanyang asawa.
Ipinapakita niya rito na ang kulay ng baby ay sadyang nagbabago habang sila ay lumalaki. Kung ano man ang kulay ng baby sa kanyang kapanganakan, normal lang na magbago ito.
Marami rin ang nagsabi na kahit ano pa man ang kulay ng baby, hindi ito mahalaga. Pinayuhan nila ang ina na huwag pansinin ang mga natatanggap na komento o pangungutya tungkol sa kulay ng kanilang anak. Ang mahalaga ay masigla ito at naaalagaan nang mabuti. Ano pa man ang sabihin ng iba, dapat mahalin nila nang buong buo ang kanilang anak.
Nagbabago ang kulay ng baby
Pagdating sa kulay ng bata, hindi agad masasabi kung ano ang magiging kulay niya sa pagtanda. Ayon sa average, maaaring abutin ng 2 hanggang 3 buwan bago makita ang magiging tunay na kulay ng baby.
Marami ring iba’t ibang dahilan kung bakit maaaring magmukhang maitim ang isang bata.
Isa sa mga madalas na dahilan kaya tila maitim ang mga bagong panganak ay ang temperatura ng kanilang panligo. Sobrang sensitibo ng balat ng baby, ang masyadong malamig o mainit na panligo ay maaaring maging sanhi ng pagkabalisa nila. Para masigurado na tama lamang ang temperatura ng panligo, maaaring isawsaw nang bahagya ang siko o pulso. Hindi epektibo ang pagtingin ng temperatura gamit ang kamay dahil hindi ito ganon ka sensitibo.
Ang pagpayat din ng baby ay nagiging dahilan para tila umitim ang kulay ng kanilang balat. Sa kanilang pagkapanganak, sila ay pumapayat hanggang maitaguyod ang kanilang pagkain at marami na silang naiinom na gatas. Habang muli silang bumibigat, puputi na ulit ang kanilang kulay.
Kadalasan, ang premature babies ay tila maitim. Ngunit, habang sila ay lumalaki, mapapansin din ang kanilang pagputi.
Ano pa man ang kulay ng balat ng baby, hindi ito dahilan para mabawasan ang pagmamahal sa kanila. Bawat baby ay maganda at hindi mahalaga ang kulay ng kanilang balat. Basta sila ay manatiling masigla at walang sakit, walang dapat alalahanin.
Sources: theAsianparent Community, Babygaga
Basahin: Bianca Gonzales: “Hindi po kami kawawa, maganda ang kulay namin”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!