Manila Water price hike na abot P26 kada cubic meter o 780% nakaambang ipataw sa publiko.
Manila water price hike
Panibagong pasakit na naman ang nakaambang ihatid ng Manila Water sa publiko ngayong buwan. Kung noong una ay kakulangan sa tubig ngayon naman ay halos P26 na dagdag singil sa kada cubic meter na tubig ang maari umanong singilin ng kompanya.
Ito ay kaugnay sa desisyon ng Supreme Court na pag-multahin ang Manila Water at Maynilad ng halos P2 bilyon dahil sa paglabag sa Philippine Clean Water Act.
Ang direktibang ito ay mula sa Department of Natural Resources o DENR na inaatasan ang MSWSS at dalawang water concessionaires noong 2009 na maglagay ng sewerage treatment facilities sa mga lugar na na-cocover ng kanilang serbisyo. Ngunit ito ay hindi umano nagawa ng Maynila at Manila Water.
Ngunit depensa ng Manila Water ay nakatupad sila sa direktibang ito ng DENR. Dahil naisagawa nila ang interconnection ng 61,000 na water subscribers sa kanilang sewer trunk. May natira lang na 2,000 subscribers mula sa mga lugar na hindi nila mabungkal o maayos ang sewage system partikular na ang mga nasa EDSA.
“The rest could not be interconnected because the sewers would be compromised if overloaded. But since then, the company had installed additional sewers and spent billions of pesos more than it had collected for the purpose.”
Ito ang dagdag na pahayag ng Manila Water sa isang panayam.
Parusa sa paglabag sa Clean Water Act
Kaya dahil dito ay pinagmumulta ang dalawang water concessionaire ng higit tag-P921 million. Dagdag pa ang palugit na limang taon para tapusin ang kanilang sewerage treatment facilities sa buong Maynila. At ang P322,102 daily fine na kailangan nilang bayaran hanggang sa matapos ang kanilang sewerage projects.
Ngunit sagot ng Manila Water, ito ay imposible at nagkakahalaga ng daan-daang bilyong piso para maisagawa. Lalo pa’t ang estimated completion ng mga improvement projects na tulad nito ay umaabot ng 40 years. At ang gastos ay kargo umano ng kanilang mga subscribers o ang publikong Pilipino.
“If the concessionaires were to compress into five years as the SC ruling wants what was planned as a 40-year project, the hundreds of billions of pesos required would lead to an increase in the water bill of subscribers, leaving them less money for other necessities and triggering higher inflation.”
Ito ang pahayag ng Manila Water.
Maliban sa napakalaking gastos ay dadagdag din ito sa malalang traffic sa ka-Maynilaan. Dahil kabilang ang EDSA sa kanilang East Zone na kailangang hukayin para ma-kumpleto ang proyekto.
Reaksyon ng mga Pilipino
Samantala, ayon naman sa consumer advocacy group na Citizen Watch Philippines, magulo ang desisyon na ito ng Korte Suprema. Dahil noong 2011 ay binigyan daw nito ang MWSS at dalawa nitong concessionaire ng hanggang 2037 para makapag-comply sa proyekto sa tulong ng iba’t-ibang 17 government agencies. Dahil kailangang magkaroon ng lupa at maisaayos muna ang right of way ng nasabing sewerage treatment plants. Dagdag pa ang pagsasa-ayos ng mga permits at pagtukoy sa mga households at establishment na hindi sumusunod sa batas.
Samakatuwid sa kanilang desisyon, ang publiko umano ang pinaparusahan ng Korte Suprema at hindi ang mga water concessionaire.
Umalma din si RJ Javellana, president ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) sa pahayag na ito ng Manila Water. Ayon sa kaniya, hindi ang publiko ang lumabag sa batas kaya hindi dapat ito ang magbayad sa multa na ipinataw ng Korte Suprema sa kompanya.
Source: Philippine Star, Rappler, DZBB Report
Photo: Freepik
Basahin: 5 na sakit na maaring makuha kapag walang tubig
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!