TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

5 na sakit na maaring makuha kapag walang tubig

4 min read
5 na sakit na maaring makuha kapag walang tubig

Narito ang mga sakit na maaring makuha kapag walang tubig. Ngunit maari naman maiwasan kung papanatilihin ang kalinisan sa katawan.

Walang tubig? Narito ang mga sakit na maaring makuha dahil sa problemang iyan.

Kapag walang tubig lahat ay apektado, mula sa panghugas ng plato, pangligo, pang-laba ng damit kahit na tubig inumin.

Ngunit maliban sa mga pasakit na iyan, ang kawalan ng tubig din ay maaring maging ugat ng pagkakaroon ng iba’t-ibang karamdaman na dagdag alalahanin para sa atin.

manila water, walang tubig

Mga sakit na pwedeng makuha kapag walang tubig

Ang tubig ang pangunahing panglinis ng ating katawan at mga bagay na ating ginagamit sa pangaraw-araw. Kaya naman ang kawalan nito ay nangangahulugan rin ng kawalan ng proper hygiene.

Gayunman, kailangan parin nating panatilihing malinis ang ating katawan o uminom ng malinis ng tubig sa kabila ng krisis.

Ito ay para makaiwas sa mga sakit na kadalasang nakukuha at kumakalat sa mga panahong walang tubig o may water shortage.

1. Typhoid

Ang typhoid fever ay isang sakit na dulot ng Salmonella typhi. Ito ay nakukuha at kumakalat sa pamamagitan ng contaminated na pagkain at inumin. Kung sakaling makakainom ng tubig ng contaminated ng bacteriang ito ay agad na magkakasakit.

Ang mga sintomas nito ay lagnat, pananakit ng tiyan na minsan ay may nagdudulot rin ng skin rashes.

Nalulunasan ito sa pamamagitan ng pag-inom ng antibiotic.

Ang typhoid fever ay maaring maiwasan sa pamamagitan ng pagpraktis ng good hygiene at safe food preparation. May mga vaccines rin na maaring maipabakuna bilang dagdag na proteksyon mula sa sakit.

2. Gastroenteritis

Isa pang sakit na maaring makuha kapag walang tubig ay ang gastroentreritis. Ito ay dulot din ng virus o bacterium na nakakapekto naman sa ating stomach lining at intestines.

Tulad ng typhoid fever ang virus rin na ito ay maaring makuha sa pamamagitan ng tubig at pagkain na contamined nito. Maari rin itong maihawa ng isang tao mayroon ng virus.

Ang mga sintomas ng gastroenteritis ay stomach cramps, watery stools, vomiting at dehydration.

Para maiwasana ng gastroenteritis ay kailangang i-paraktis ang good hygiene at uminom lang ng malinis na tubig.

3. Salmonella

Isa pang food-borne disease na maaring makuha kapag walang tubig ay ang salmonella.

Ang Salmonella bacteria ay nabubuhay sa loob ng human at animan intestines. Ngunit ito rin ay maaring makita sa mag food products gaya ng raw poultry eggs, karne at minsan rin ay sa mga hilaw na prutas at gulay.

Kaya naman para makaiwas rito ay kailangan siguraduhing malinis at maayos ang food preparation. Iwasang ding kumain o uminom ng unpasteurized milk at eggs.

Ilan naman sa sintomas ng sakit na ito ay diarrhea, fever, pananakit ng tiyan at sakit ng ulo.

4. Cholera

Dahil parin sa poor sanitation at hygiene na kadalasang dulot ng kawalan ng tubig, isa pang sakit na maaring makuha ay ang Cholera.

Ang cholera bacteria ay natatagpuan sa dumi ng tao.

Ngunit sa panahon na walang tubig at hindi maoobserve ang proper sanitation at hygiene ang bacteriang ito ay maaring icontaminate ang ating pagkain at tubig.

Ang mga sintomas ng chlolera ay matubig na dumi o severe diarrhea, pagkahilo, pagsusuka, dehydration at pananakit ng katawan.

5. Dengue at iba pang mosquito borne diseases

Ang kawalan ng tubig ay maaring magparami ng mosquito-borne diseases gaya ng dengue.

Kahit na ba may kakulangan ng tubig ay napipilitan tayong mag-ipon o magimbak nito para makatipid. Ngunit ang maling pag-iimbak ng tubig ay maaring gawing pamahayan ng mga lamok na maaring magdulot ng mga sakit na ito.

Para makaiwas sa mga sakit na ito ay kailangang gumamit ng mosquito repellant at iwasang magimbak ng tubig ng sobrang tagal.

Ang mga sintomas naman ng dengue ay lagnat, pananakit ng katawan, skin rash, pagsusuka at pananakit ng ulo.

Ang kawalan ng tubig ay hindi dapat maging dahilan upang hindi magkaroon ng proper sanitation at hygiene.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

Bagamat kailangang maging madiskarte sa mga panahong walang tubig kailangan ding alalahanin ang kahalagahan ng ating kalusugan na ating mapapangalagaan kung papanatilihin natin ang kalinisan.

 

Sources: Mayo Clinic, WebMD, Health 24
Photo by MI PHAM on Unsplash

Basahin: #WalangTubig: Manila Water inanunsiyo na araw-araw na mawawalan ng tubig

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Candice Lim Venturanza

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • 5 na sakit na maaring makuha kapag walang tubig
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko