Ibanalita ng Lungsod ng Maynila na isasara muna nila ang kanilang Manila Zoo upang ito ay isailalim sa rehabilitation.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Manila Zoo isinara muna para sa rehabilitation
- Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagbisita sa zoo?
Manila Zoo isinara muna para sa rehabilitation
Humabol sa pamamasyal ang libo-libong tao sa Manila Zoological and Botanical Garden o mas kilala bilang Manila Zoo dahil sa pagbabalita ng Lungsod ng Maynila na ito ay isasara dahil ire-rehabilitate ang lugar.
Layunin daw nitong pagandahin pa ang zoo at mabigyan ng maayos na tirahan ang mga hayop na naninirahan doon. Ito raw ay muling bubuksan sa kalagitnaan ng Hulyo.
Screenshot mula sa Facebook live ng Manila Information Office
Sa Facebook live ng Manila Information Office, sinagot ng Officer-In-Charge Alipio Morabe Jr. ang ilan sa katanungan patungkol sa pagsasara nga ng Manila Zoo.
Bago raw isara ang zoo ang nagpasya silang magkaroon ng free entrance para sa mga papasyal hanggang sa ika-31 ng Mayo. Kapag na-rehabilitate na ang lugar, magkakaroon na aniya ng P 200 na entrance fee para sa mga hindi residente ng Maynila. P100 naman para sa mga nakatira dito.
Habang ipapanatili pa rin nila ang discount para sa mga senior citizens at persons with disability (PWD). Bagaman daw maluwag na ang restrictions, require pa rin daw ang vaccination card at pagsusuot ng face mask sa loob ng Manila Zoo.
Ayon sa kanya, pahinto-hinto ang pag-rehablitate sa zoo dahil sa naganap na pandemya. Marami-rami rin daw ang kinakailangang ayusin kaya dapat na ‘totally magsara’ ang zoo upang mapabilis ang pag-aayos at pagdadagdag ng ilang mga bagay sa zoo.
Pinaplano raw nilang pagandahin pa ang habitats ng mga hayop dito. Magdadagdag din daw sila ng ilang hayop pa sa zoo gaya ng zebra, hippopotamus, ostrich, at maging giraffe. Balak din nilang magdagdag ng elepante dahil isa na lang ang kasalukuyang nasa zoo na si Mali.
Kasama raw sa inaayos nila ay mga nocturnal animals gaya ng mga bats and owls. Kaya posible ring magkaroon ng night zoo kung saan maaaring magkaroon ng acoustic events at iba pang tugtugan.
Larawan kuha mula sa Facebook post ng Manila Public Information Office
Pagbabahagi pa niya, marami ang nag-donate sa kanila ng iba’t ibang hayop gaya ng snakes, turtles at iba pa. Ganito rin daw kasi noong nagsimula ang Manila Zoo noong July 1959, halos lahat ng hayop dito ay nagmula sa mga donasyon.
Bukod daw sa mga hayop, pinapangalagaan din daw nila ang mga punong kahoy at mga halaman na nasa loob ng zoo. Balak din daw nilang ayusing ang mga comfort rooms at plants na nasira na.
Matatandaang nagsara rin ang Manila Zoo noong January 2019 dahil naman sa iba’t ibang environemental issues. Magmula noon ay unti-unti nilang inaayos ang zoo ngunit natatagalan lamang dahil nga sa nangyaring pandemic.
BASAHIN:
7 bagay na kailangang tandaan kapag nakagat ng daga o iba pang hayop
6 na lessons na natututunan ng bata kapag mayroon siyang alagang hayop
Magulang sinubukang bigyan ng gamot pang hayop ang anak
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagbisita sa zoo?
Larawan kuha mula sa Pexels
Zoo ang kadalasang binibisita ng mga pamilya for their bondings sa school break, vacation o kaya ay holidays ng kids. Nag-eenjoy kasi ang mga bata sa tuwing nakakakita ng iba’t ibang animals in real life na nababasa lamang nila sa kanilang texbooks.
Sa pagbisita ng zoo, ito ang mga dapat tandaan upang maituring na good visitor:
- Magresearch patungkol sa zoo na pupuntahan – Bago bumisita sa zoo, mahalagang may alam kayo kung paano bumisita dito. Alamin kung requirement ba ang entrance fees. Maging ang mga hindi at dapat dalhin kung sakaling naroon na.
- Ituro sa anak ang animal entertainment at animal interactions – Importanteng malaman ng kids na ang mga hayop sa zoo ay hindi dapat pinipilit na gumawa ng unnatural tricks at behaviors. Dahil sila ay sanay sa wildlife.
- Maging aware sa iba’t ibang signage ng zoo – Naglalagay ang mga zoos ng iba’t ibang signage upang mapaalala sa mga visitors ang do’s and dont’s. Ugaliing tingnan ito parati upang malaman ang mga dapat gawin ninyo sa zoo.
- Alamin ang proper feeding – Hindi dapat basta-basta pinapakain ang mga hayop sa loob ng zoo. Hangga’t hindi nagbibigay ng instructions ang animal keeping staff, hindi dapat binibigyan ng kahit anong pagkain ang mga animals na ito. Maaari kasing makaapekto ito sa health ng mga hayop maging sa tao na rin mismo. Iniiwasan din kasing atakihin ang nagpapakain kung hindi familiar ang hayop dito.
- Laging tandaan na dapat irespeto ang mga hayop – Tulad ng tao, may boundaries din ang mga hayop kaya mahalagang lagi itong irespeto.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!