Marco Alcaraz sa pagkakaroon ng masayang pagsasama: “May respeto, tiwala at hindi pinag-aawayan ang pera.”

Ibinahagi ni Marco Alcaraz ang sikreto sa masayang pagsasama nila ng asawang si Lara: respeto, tiwala, at hindi pinag-aawayan ang pera.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maro Alcaraz nagbahagi ng kaniyang advice para sa mga mag-asawa sa kaniyang Instagram account, na kaniyang natutunan sa relasyon bilang mag-asawa ng dating beauty queen na si Precious Lara Quigaman.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Marco Alcaras nagbahagi ng payo para sa mga mag-asawa
  • Paano pinapanatili ni Marco Alcaraz ang masayang relasyon nila ni Lara
  • Usapang pera sa mag-asawa

Marco Alcaras nagbahagi ng payo para sa mga mag-asawa

“Malalaman mo na masaya ang pagsasama nyo mag-asawa kung may respeto, tiwala at hindi pinag-aawayan ang pera. Kaya pag pera ni Mrs pera nya yun at kapag pera ni Mr pera parin ni Mrs yun 😅 tama ba ako?”

Ang caption na ito ay para sa isang photo nila ni Lara habang nakabakasyon sa Crimson Boracay kasama ang kanilang tatlong anak.

Happy wife, happy life

Bukod sa payong ito ni Marco, marami pang ibang “asawa tips” si Marco na kaniyang binabahagi sa kaniyang IG posts na may hashtags pang, #HappyWifeHappyLife #AsawaTips #MarcoAsawaTips #HappyLaraHappyMarco.

Tunay nga, naniniwala siyang “Happy wife, Happy life!”

Ikinasal ang mag-asawang Marco Alcaraz at Lara Quigaman noong 2011 sa isang civil wedding sa Vancouver, Canada. Nagkaroon namang sila ng Christian Wedding sa Pilipinas noong 2012. Sa kasalukuyan, sila ay mayroong 3 anak – si Noah, Tobias, at Moses.

Matatandaang si Lara, o Princess Lara Quigaman ay isang Order of Lakandula awardee at hinirang rin na Miss International 2005.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganda ng kanilang pagsasama at pamilya, paano nga ba napapanatili ito ni Marco Alcaraz? Narito ang ilan pa sa mga “asawa tips” ni Marco Alcaraz:

Paano pinapanatili ni Marco Alcaraz ang masayang relasyon nila ni Lara

Photo from Marco Alcaraz’s Facebook

  1. More than winning the argument aim to win your SPOUSE.

Para kay Marco, normal ang pag-aaway ng mag-asawa. Ang importante ay ang pagpili mo na piliin ang iyong may-bahay kaysa sa pagpapanalo ng argumento.

Sa nakaraang IG post, ibinahagi rin ni Marco na, “Ang magandang pagsasama ng mag-asawa ay ang pagbibigay ng mas maraming oras sa pakikinig kesa sa pagsasalita.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tunay nga, “Aanhin mo ang manalo sa argumento kung mawawala naman sa ‘yo ang asawa mo.”

  1. Huwag mo palalampasin ang araw na hindi mo ipinapakita ang pagmamahal mo sa pisikal na pamamaraan.

Ayon kay Marco, mahalaga ang pagpapakita ng iyong pagmamahal sa iyong asawa, may okasyon man o wala. Mula sa paghalik, pag-holding hands, o pagyakap, malaking bagay daw ito ng relasyon.

May away man o mainit ang ulo ng asawa, mahalaga pa rin na ipakita ang pagmamahal para rito sa kung anumang paraan na maiisip mo.

  1. Don’t stop doing things na ginagawa niyo nung nagsisimula pa lang kayo.

Hindi ibig sabihin na mag-asawa na kayo ay hindi niyo na maaaring gawin ang mga ginagawa niyo noong kayo ay magnobyo pa lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para kay Marco Alcaraz, isa sa mga bagay na natutunan nito sa higit sampung taon nilang pagsasama ni Lara ay ang patuloy na iparamdam sa asawa na parang nagsisimula pa lamang sila. Asawa niya na ito pero girlfriend niya pa rin ito kung lambingin.

Sabi pa nito sa isang separate IG post, “Dapat laging bagong kasal ang pagtrato niyo sa asawa niyo para mas lalong tumamis ang pagsasama ninyo.”

  1. The most important decision of your life is your partner – partner mo sa lahat ng challenges and success.

Ayon kay Marco Alcaraz, sa pagpipili ng iyong mapapangasawa, siguraduhin na ang taong ito ay magiging kakampi mo sa kasiyahan at hindi siyang pagmumulang ng iyong paghihirap at problema.

Sabi nga niya, “Marry a good person.”

BASAHIN:

Marco Alcaraz, pinayagan ang asawa na si Lara Quigaman na bilhin ang lahat ng gusto niya

Happy Wife Happy Life: Ang sikreto sa masayang pag-aasawa

Marriage Tips: How to be a good husband to your wife

Usapang pera sa mag-asawa

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo by Angie Reyes from Pexels

PInatotohanan ng isang research ang nasabi ni Marco Alcaraz tungkol sa pag-aaway ng mag-asawa tungkol sa pera.

Ayon sa isang pag-aaral sa Kansas State University, ang pagtatalo sa pera ay kasalukuyang nangungunang maaaring rason kung ang isang mag-asawa ay mananatiling magkasama o hindi.

Ang pag-manage ng pera bilang isang mag-asawa ay maaaring pagmulan ng mga argumento o hindi pagkakaintindihan, lalo na kung walang maayos na pag-uusap o kasunduan kung paano pangangasiwaan ang pera ng pamilya.

Maaaring magkaiba ang kinikita ng bawat asawa at maaari ring magkaiba sila ng nakasanayan na paraan ng paghahandle ng pera.

Mayroon ding mga asawa na mayroon pang mga responsibilidad sa kanilang mga magulang, kapatid, o mga binabayarang bills noong sila ay single pa lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman importante ang mapag-usapan ng mag-asawa kung paano maghahati at magkakasundo tungkol sa paghawak ng pera.

Paano iba-budget ang sahod at paano paghahatian ang mga bills

May iba’t ibang paraan ng paghahandle ng pera at bills ng pamilya. Maaaring pagsamahin ang mga strategy na ito o kaya naman ay ibahin ng naaangkop sa inyong sitwasyon.

  1. Pagsamahin ang sahod ng bawat isa.

Sa paraang ito, ang sahod ng bawat mag-asawa ay magiging isa at ilalagay sa isang joint account. Dito kukunin lahat ng panggastos ng pamilya pati na rin ang leisure expenses. May iisang budget ang mag-asawa at lahat ng lalabas na pera ay magmumula dito.

  1. Pagsamahin ang sahod ng bawat isa ngunit mayroong ibang account para sa leisure expenses.

Tulad ng nauna, iisa lamang ang pagmumulan ng pera para sa panggastos ngunit may separate accounts ang bawat isa para sa personal na gastusin.

  1. Ganap na ihiwalay ang finances

Magkaiba ang bank accounts ng mag-asawa at mayroong magkaibang budget at bills. Bawat isa sa inyo ay may kontrol sa sarili ninyong pera. Hindi mo kailangang umasa sa pera ng iyong asawa, at hindi sila umaasa sa iyo.

Photo by Karolina Grabowska from Pexels

  1. Hati ng 50/50 ang magsawa sa bills.

Ang bawat gastos ay nahahati sa dalawang paraan. Pareho kayong nag-aambag ng parehong halaga ng pera para sa lahat ng gastos tulad ng pabahay, mga kagamitan, bakasyon, atbp.

May kontrol ka sa sarili mong pera, ngunit may pataas na pagbabahagi ng mga gastos sa iyong partner.

  1. Hati sa bills depende sa sinasahod ng asawa.

Nakadepende sa sahod ng asawa ang hati nito sa mga gastos. May porsyento sa sahod ng bawat isa ang napupunta para sa joint bills.

May mga pagkakatoon kung saan ang asawang mas malaki ang kinikita ang may mas malaking porsyento sa pagbabayad ng bills.

  1. Magkaiba ang responsibilidad para sa pagbabayad ng ilang gastusin.

Maaaring magkasundo na may isa sa inyo ang magbabayad ng isang specific  na gastusin tulad ng internet o kaya naman ay groceries.

  1. Isang sahod lamang ang gagamitin para sa gastusin.

Ang gastusin ay babayaran lamang mula sa sahod ng isa sa mag-asawa. Ang sahod naman ng isa ay buong mapupunta sa savings ng mag-asawa o ng pamilya.

Maraming magkakaibang paraan ng paghahati ng pera ng mag-asawa. Ang mahalaga ay ang maayos na komunikasyon at pagkakasundo kung paano mababayaran ang mga gastusin, paano makakapag-ipon, at paano mahahandle ng maayos ang finances bilang mag-asawa at bilang isang pamilya.

Tulad nga ng payo ni Marco Alcaraz, ito ang isang malaking sikreto sa pagpapanatili ng mabuting pagsasama, ang pagkakaroon ng respeto at tiwala, at hindi pag-aaway tungkol sa pera.

 

Source:

ABS-CBN, Meratas

Sinulat ni

Margaux Dolores