Marco Gumabao itinampok sa kaniyang bagong vlog ang kaniyang ina at mga kapatid na sina Michele at Gita. Ang kanilang pinag-usapan ay ang tungkol sa naging epekto sa kanilang pamilya ng pagkaka-aresto ng haligi ng kanilang tahanan na si Dennis Roldan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagbabahagi ni Marco Gumabao at kapatid na si Michele Gumabao patungkol sa kanilang tatay
- Tips para sa mga anak na na-trauma.
Marco Gumabao with mother Loli Imperial and sisters Michele and Gita./Image from Marco Gumabao’s Facebook account
Marco Gumabao inaalala ang araw na naaresto ang amang si Dennis Roldan
Maaaring lingid sa kaalaman ng marami kung sino ang ama ng mga kilalang celebrities ngayon na sina Michele at Marco Gumabao. Sila’y mga anak ng dating aktor na si Dennis Roldan na naaresto sa kasong kidnapping at nahatulan ng habang-buhay na pagkabilanggo noong 2005. Ang tagpo na ito sa kanilang buhay ay piniling isapribado ng kanilang pamilya sa loob ng halos 15 taon. Ngunit ngayon sa latest vlog ni Marco Gumabao kasama ang kaniyang ina na si Loli Imperial at mga kapatid na sina Michele at Gita ay ikinuwento nila ang mga nangyari noong araw na arestuhin ang kanilang ama. Ibinahagi rin nila ang naging epekto nito sa kanilang buhay at pamilya.
Ayon kay Marco, sampung taon palang siya ng arestuhin ang kaniyang ama noong February 20, 2005. Naganap ang lahat bandang alas-singko ng umaga. Mga oras na kung saan nasa mahimbing pang pagkakatulog ang kanilang pamilya.
“It was Sunday morning, 5 a.m. Biglang ginigising ako ng mommy ko. Sabi niya sakin, ‘Marco, go to the bathroom, go to the bathroom’. Syempre, bagong gising ako, naalimpungatan ako, pumunta ako agad ng banyo. So, kami ng Mommy nagtago sa loob ng banyo. Tapos silang dalawa (Michele at Gita) nasa room, natutulog silang magkasama.”
Ito ang pag-kukuwento ni Marco.
Dennis Roldan/Image from GMA News
Wala silang kaalam-alam o ideya sa mga pangyayari noon
Sunod nga umanong naalala ni Marco, sinira ang pintuan ng banyo na pinagtataguan niya at kaniyang ina. Saka siya kinuha ng pulis, habang ang kaniyang ina’y sinabihang huwag umalis sa kinaroroonan niya.
“Kinuha ako ng isang pulis, ibinaba niya ako sa sala namin. On the way out, nadaanan ko yung daddy ko. ‘Yung daddy ko was nakadapa na siya sa kama niya tapos pinoposasan na. Siyempre, hindi ko alam kung ano ‘yung nangyayari. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa tatay ko.”
BASAHIN:
Ito ang epekto sa bata kapag mabilis mo siyang nakakagalitan
Goin Bulilit star na si Hopia Legaspi engaged na at malapit ng bumuo ng sarili niyang pamilya
Ito ang pahayag ni Marco. Tulad niya, ang kapatid niyang si Michele na 12-anyos noon ay wala ring alam sa nangyayari. Nagulat na lamang umano ito at kapatid na si Gita na 8-anyos ng sila’y magising na may nakatutok ng mga baril sa kanila.
Tantya ni Marco nasa 20-30 pulis ang pumasok sa bahay nila noon. Wala silang kaalam-alam noon sa kung ano ba talaga ang nangyayari. Kahit ang kanilang ina’y walang ideya. Pag-aakala nga ni Michele ay na-kidnap ang kanilang ama. Nalaman na nga lang daw nila ang dahilan ng pagkakaaresto sa ama sa TV ng ito ay naibalita na.
Epekto at impact ng insidente sa kanilang pamilya
Marco Gumabao with mother Loli Imperial and sisters Michele and Gita./Image from Marco Gumabao’s Facebook account
Ang mga naging karanasan na ito ayon kay Marco at Michele ay hindi nila malilimutan at nagdulot ng trauma sa kanila. Dagdag pa ang mga pangungutya na naranasan nila mula sa ibang tao dahil sa nangyari sa ama.
“Noong bata kami, sa school kami, it was really a hard time for us. Siyempre ‘yung mga tao, kung mga kaklase mo. Áh, ‘yung tatay mo, kidnapper. Sasabihin nila.”
Ito ang kuwento pa ni Marco.
“Parang at first, hindi ko alam na traumatic experience pala siya, pero after that kapag nakakarinig ako ng mga kalabog or loud noises, hindi pa rin mawawala na magugulat ko. Looking back ‘yun talaga ‘yung memory na hindi ko malilimutan.”
Ito naman ang pahayag ni Michele.
Paglilinaw ni Marco at Michele, hindi sila nagsasalita ngayon para depensahan ang kanilang ama. Nais lang nilang ibahagi ang kanilang karanasan upang magsilbing inspirasyon sa iba pang pamilya na dumadanas ng matinding pagsubok sa buhay ngayon. Dahil ang karanasan nilang ito’y maraming naituro sa kanila. Naging dahilan upang mas maging matibay ang pagsasama nila bilang isang pamilya.
“We also wanted to say this kasi gusto namin din maka-relate ‘yung mga tao na lahat tayo as a family. Pag-usapan man natin, i-publicize man iyan. May pinagdaanan tayong lahat. Ang kailangan lang sama-sama lang talaga para pagdating sa dulo lahat kayo maging successful, lahat maging blessed.”
Ito ang pahayag pa ni Michele.
Paano matutulungan ang iyong anak na maka-cope-up sa isang traumatic experience?
Ayon sa mga psychiatrist, psychologist at mental health experts, para maibsan ang trauma na nararanasan ng isang bata ay mahalaga ang papel na ginagampanan ng adult na lagi niyang kasama tulad nating kaniyang mga magulang. Dahil tayo ang magbibigay sa kanila ng feeling of comfort, support at security na magagawa natin sa mga sumusunod na paraan:
- Yakapin o i-cuddle ang iyong anak. Ito’y magbibigay sa kanila ng feeling of security.
- Manatiling kalmado sa harap ng iyong anak. Huwag magsasabi ng mga nakakabahalang salita na maaaring magdagdag ng anxiety niya.
- Panatilihin ang inyong family routine hangga’t maaari. Tulad ng pagkakaroon ng regular mealtimes at bedtimes sa kabila ng nangyaring traumatic incident sa inyong pamilya.
- I-encourage ang iyong anak na gumawa ng activities at laro na mai-enjoy niya. Huwag maging distraction sa kanila at hayaan silang mag-enjoy.
- Hayaan ang iyong anak na magtanong at sagutin ang mga tanong niya. Pero ingatan ang mga salitang iyong sasabihin.
- Iwasang makanood ng mga balita ang iyong anak na makakapag-paalala sa kaniya ng insidente. Dapat ilagay sa isip ng iyong anak na temporary lang ang nangyari para madali siyang maka-recover mula rito.
- Ipaalam sa iyong anak na normal lang na makaramdam siya ng galit, guilt at pagkalungkot. I-acknowledge ito at iparamdam sa kaniya na lagi ka lang sa tabi niya.
Warning signs na dapat dalhin na sa doktor ang isang bata na nakaranas ng traumatic experience
Makakatulong din kung dadalhin sa isang eksperto ang isang bata na may traumatic experience. Lalo na kung siya ay nagpapakita ng mga sumusunod na warning signs.
- Anim na linggo na ang lumipas pero hindi pa rin umaayos ang pakiramdam ng bata.
- Nahihirapan na ang iyong anak na mag-function sa school.
- Binabangungot o biglang nagpa-flashback sa alaala ng iyong anak ang traumatic experience na naranasan niya.
- Nakakaranas siya ng sintomas ng traumatic stress tulad ng sakit ng ulo, pananakit ng tiyan at hirap sa pagtulog.
- Nahihirapan ang iyong anak na makasalimuha sa mga kaibigan o ibang miyembro ng inyong pamilya.
- Nakakaisip na mag-suicide ang iyong anak.
- Nadagdagan ang mga bagay na iniiwasan ng iyong anak na nagpapaalala sa kaniya ng traumatic experience.
Sa tulong ng isang eksperto ay mapapayuhan ka sa kung ano ba ang tamang therapy na makakatulong sa recovery ng iyong anak.
Source: