LOOK: Marian Rivera ipinakita ang kaniyang baby bump nang naka-bikini

lead image

Marian Rivera buntis sa pangalawang pagkakataon at proud na ipinakita ang kaniyang baby bump in a bikini habang nagbabakasyon sa Siargao.

Marian Rivera buntis sa kanilang pangalawang baby, isang baby boy, ng asawang si Dingdong Dantes. Proud na ipinakita ng Kapuso actress ang kaniyang baby bump sa isang series ng bikini photos na kaniyang ipinost sa kaniyang Instagram account.

 

View this post on Instagram

 

My heart is full...and so is my tummy.... ❤️ #WalangKatumbas ??

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Nagbakasyon ang mag-asawa kasama ang kanilang panganay na si Zia sa Siargao.

 

View this post on Instagram

 

Mi Vida! ???? #TheDantesSquad ❤️

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Tila ine-enjoy ng mag-asawa ang panahong ito upang makapag-bonding kasama si Zia bago dumating ang kanilang baby boy.

 

View this post on Instagram

 

#TheDantesSquad ❤️

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Nag-stay ang Team Dantes sa Bayud Boutique Resort sa Siargao. Makikita sa mga posts ni Dingdong na masayang-masaya si Zia na nakikipaglaro sa mga local kids habang sakay ng surf board.

 

View this post on Instagram

 

Island friends. #MariaLetizia

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Zia's third birthday

Kamakailan ay nag-post din ang pamilya ng video ng kanilang bakasyon sa Hong Kong Disneyland noong Nobyembre, kung saan nag-celebrate si Zia ng kaniyang third birthday. Sinabi ni Dong na dapat ay sa ibang Disneyland sila pupunta ngunit nagkaroon ng travel warning sa lugar na iyon. Pinili nilang huwag na lang pumunta at baguhin ang kanilang travel plans dahil sa pagdadalangtao ni Marian.

(Mukhang sa Japan dapat sila pupunta ngunit naglabas ng travel warning dahil nagkaroon ng rubella outbreak sa bansa noong panahon na iyon. Ang rubella ay lubos na mapanganib sa mga buntis dahil maaari nila itong maipasa sa sanggol sa sinapupunan.)

Kahit naiba ang kanilang plano, masayang masaya pa rin si Zia sa kaniyang birthday gift. Nag-stay ang pamilya sa Disneyland hotel kung saan nakita nila ang Disney characters. Nag-paayos din si Zia upang maging kamukha ang kaniyang favorite na si Elsa mula sa pelikulang "Frozen."

Panoorin ang kanilang Disney adventure dito:

Basahin: Dingdong Dantes at Marian Rivera, ni-reveal na ang gender ng kanilang baby!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!