Marian Rivera to other moms: “I salute you! Our job is priceless”

Ayon sa aktor, siguradong mai-enjoy niya ang makasal at buhay may asawa sa piling ni Maine Mendoza.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marian Rivera may mensahe sa mga kapwa niya nanay ngayong Mother’s day. Aktres may paalala rin kung bakit dapat alagaan ng mga mommies ang sarili nila.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

Mensahe ni Marian Rivera sa mag kapwa niya ina ngayong Mother’s day

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Isa sa mga hinahangaan at sinusubaybayang mommy dito sa bansa ang aktres na si Marian Rivera. Maliban sa pagkakaroon ng pogi at talented na mister ay biniyayaan din si Marian ng dalawang cute na anak na sina Zia at Sixto.

Ayon kay Marian, naniniwala siya na tungkulin ng mga magulang ang mapalaki ng maayos ang kanilang mga anak. Sa tulad niyang isang working mom, dapat daw ay alam niya ang priorities niya, kung hindi mahihirapan siyang balansehin ang kaniyang oras. Ito daw ang isa sa mga bagay na natutunan niya sa sarili niyang ina.

Ngayong Mother’s day, si Marian nagbigay ng mensahe sa mga kapwa niya mommies.

“I salute you! It’s hard, but incredibly rewarding. Our job is priceless.”

Ito ang mensahe ni Marian sa mga mommies.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paalala ni Marian sa mga kapwa niya ina

May paalala rin siya sa mga ito pagdating sa pag-aalaga ng kanilang sarili. Ito ay para masiguradong mabibigyan ng maayos na pag-aalaga rin ang kanilang mga anak.

“You have to look after yourself and stay strong and healthy, inside and out. My goal is to be healthy for my children … so I can keep up with them.”

Dagdag pa niya, sa ganitong paraan ay naipapakita rin ng mga magulang kung paano dapat alagaan ng kanilang mga anak ang kanilang sarili.

“It’s important that they see you taking care of yourself, because it will make them realize that it’s something they have to do, too, when they grow up.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement