Marian Rivera may mahalagang mensahe sa mga mag-asawa mula sa pelikulang Rewind.
Mababasa dito ang sumusunod:
- MMFF film na Rewind.
- Marian Rivera sa aral na nakuha niya mula sa pelikulang Rewind.
MMFF film na Rewind
Usap-usapan ngayon ang pelikulang pinagbidahan ng mag-asawa na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Maliban sa excited ang kanilang mga fans sa muling pagtatambal nila, sa pelikula ay gumaganap din sila dito bilang mag-asawa.
Ang kuwento ng pelikula ay umiikot sa kuwento nilang mag-asawa na may magandang pagsisimula ang pagsasama. Hanggang sa unti-unting nawalan ng oras ang mister na si Dingdong sa kaniyang misis at naging pangit ang trato niya dito. Ito ay dala narin ng pressure sa trabaho at kaniyang career. Habang ang misis na si Marian tahimik lang at tinatanggap ang lahat ng maling trato ng mister niya sa kaniya.
Nagbago ang lahat ng maaksidente ang mag-asawa at doon na-realize ng mister na si Dingdong ang pagkakamali niya. Pero tila huli na ang lahat para itama pa ang pagkakamali na hindi niya napansin na sumisira sa relasyon nila ng kaniyang misis at pamilya.
Marian Rivera sa aral na nakuha niya mula sa pelikulang Rewind
Mula sa pelikula, si Marian may mensahe sa mga mag-asawa. Ito ay base sa aral na napulot niya sa kuwento na maraming couples ang paniguradong makaka-relate. Partikular na pagdating sa pagkakaroon ng open communication na sinasabing sikreto ng masaya at matibay na pagsasama.
“Sa mga asawa na busy at sa mga misis na nahihirapan na magsalita sa asawa walang time. Kung paulit-ulit ninyong ikipkip ang lahat sasabog kayo at ang mangyayari sa relationship hindi maganda. Kaya kung merong pagkakataon, may tyempo, kung mayroon kang nararamdaman na hindi okay walang masama na deretsuhin mo asawa sabihin mo sa asawa mo para maayos ninyo agad.”
Ito ang sabi pa ni Marian.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!