Isang heartwarming na interview with Maricar Reyes at Richard Poon ang ibinahagi ni Karen Davila sa kaniyang YouTube vlog.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paano tinanggap ni Richard Poon ang nakaraan ni Maricar Reyes
Richard Poon sa pagtanggap sa past ni Maricar Reyes: I’m not cleaner!
Sa interview ni Karen Davila sa celebrity couple na sina Maricar Reyes at Richard Poon, hindi naiwasang mapag-usapan ang nakaraan ni Maricar Reyes.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ang nangyari noong 2009 kay Maricar Reyes na nakaapekto nang malaki sa kaniyang reputasyon.
Kwento ni Richard, bago niya pakasalan ang kaniyang misis, kinausap daw siya ng isa sa kanilang mga ninang.
Saad nito, “Before you make a decision, tingnan mo lahat ang sinasabi na kaya mo ba na your kid one day will go to school and say your mom’s ganito, your mom’s like that, kaya mo ba? If you can answer that question go ahead.”
Pinag-isipan daw ito ni Richard at tsaka bumuo ng desisyon.
“I made a decision as a man, na kung ito ang pipiliin ko, kasama na lahat ‘yon. You can never say ‘I want a clean reputation’, ‘I want walang magba-bash sa anak ko’”
“Kasi when you get to know somebody, minsan kung ano yung public persona ang layo ron sa kapag nasa bahay ‘yong tao e. So for me, ang importante ay, ‘okay you can judge my wife from a far, but to me, iba siya sa bahay e. When you get to know the real Maricar at home, iba. Ibang-iba.”
Maricar: I feel more free
Hindi naging madali para kay Maricar ang patawarin ang mga taong nagkasala sa kaniya pati na rin ang kaniyang sarili. Pero unti-unti, natanggap din niya na may mga mali siyang desisyon sa buhay at pinalaya ang sarili.
“’Yun yong hindi ko mabitawan, the reputation that I lost. Kasi feeling nandon ‘yong value ko. So, nong natanggap ko siya na I’m not squeaky clean kasi I was never squeaky clean to begin with. It’s a process e, so every year na mas natatanggap ko siya, I feel lighter, I feel actually more free.”
Dagdag na kwento ni Richard, mayroon siyang isang kaibigan na nakipag-usap sa kaniya tungkol sa issue ni Maricar Reyes at sa pagpapakasal niya rito.
Paliwanag ni Richard sa kaibigan, “Kung bubuksan mo ‘yong internal ko into my past, walang sinabi si Maricar sa mga ginawa ko. I’m not cleaner e, I’m worst, so how can I judge…”
Si Richard Poon umano ang nagparamdam kay Maricar na may value pa umano siya, na may tao pa na gusto iparamdam na may halaga siya sa kabila ng lahat.
“Iba siya kasi he was very honest and he had that thing na, ‘I’m not cleaner than you’, may ganon na siyang vibe which I didn’t really feel with a lot of other people.”