Pinagdiwang ng dating aktres na si Marjorie Barretto ang ika-1o kaarawan ng bunso niyang si Erich kasabay ng ikalawang taon niya sa pagiging vlogger sa YouTube.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Erich pinagdiwang ang kaniyang 10th birthday
- Birthday greetings para sa bunsong anak ni Marjorie Barretto
Larawan mula sa screenshot ng YouTube video ni Marjorie Barretto
Erich pinagdiwang ang kaniyang 10th birthday
Masayang ipinagdiwang ng dating aktres na si Marjorie Barretto ang ika-10 kaarawan ng bunsong anak niya kay Enrico Echiverri na si Erich.
Kasabay rin nito ang pagbabalik-tanaw niya sa pinakaunang eipisode ng kanyang vlog sa kanyang Youtube channel na kasabay nilabas sa birthday ni Erich two years ago. Kaya labis na lang din ang pasasalamat niya.
Sa isang vlog niya sa kanyang Youtube channel, binigyang chance niya ang mga subscribers na makita ang lahat ng kanilang ginawang preparation at celebration sa kaarawan ni Erich.
Isang sweet na sweet na bungad sa umaga ang pinakita niya sa vlog kung saan paggising na paggising ng anak ay binati niya kaagad ito habang hinahatiran ng kanyang breakfast in bed bilang tradition daw nila.
“Happy birthday dearest Erich! Happy birthday my love!”
Pagbati ni Marjorie sa kanyang anak. Nagdasal din ang dalawa bilang pasasalamat sa bagong taon na nadagdag sa edad nito.
Ipinakita rin ni Marjorie ang ilang sa mga gamit na inihanda nila bago ang aktwal na birthday party ng anak. Lumilitaw ang kulay pink at mga San Rio Hello Kitty na gamit sa lahat ng kanyang pinamili.
Pinagpasyahan ni Marjorie na i-celebrate ang party sa bahay na lang din nila mismo. Nag-set-up din sila ng inflatable playhouse para mag-level up ang fun ng party niya.
Habang ang mga foods naman na inihanda nila ay fries, hotdogs, cotton candy, ice cream, cake pizza at iba pang pagkain na tiyak mai-enjoy ng bata.
Pagkukuwento ni Marjorie hindi raw sila nakapaghanda ng ganito kaenggrandeng birthday party noong ika-8 kaarawan nito kaya bumabawi sila ngayon. Ngayon daw ay masaya sila dahil makakapagdiwang na sila kasama ang kanilang pamilya,
“Two years later, thank God we are in a much, much better place. We are vaccinated, Erich is fully-vaccinated and we get to celebrate with family now. Before, it’s just us.”
Larawan mula sa Instagram account ni Marjorie Barretto
Tinawag din ni Marjorie Barretto na ‘lucky charm’ ang kanyang anak dahil sa tagumpay ng vlog nito,
“I think also that you are my lucky charm because you were my first episode. Two years ago so it is also my anniversary.”
May mensahe naman ang birthday girl na si Erich sa kanyang sarili ngayong kanyang kaarawan.
“Stop and think before you say something.”
Ayon sa kanyang ina ganito na raw talaga si Erich kahit noong little girl pa lamang ito. Madalas daw talagang maingat sa mga salitang binibitawan ang bata dahil ayaw nitong makasakit ng ibang tao. Bukod dito isa raw sa mga good traits pa ni Erich ay ang pagiging maawain.
Pinasilip din ni Marjorie ang cake ni Erich kung saan labis na natuwa ang bata dahil kumpleto ang character ng San Rio dito. Kumpleto rin maging sa giveaways ang party para kay Erich.
BASAHIN:
Angeline Quinto nahirapan magpa-breastfeed kay Baby Sylvio: “Kahit masakit, tinitiis ko.”
Gretchen Barretto puts wish-granting on social media to a halt following viral video
Dani Barretto kay Xavi Panlilio sa kanilang 3rd wedding anniversary: “I’m so blessed to have such a supportive and loving husband.”
Larawan mula sa Instagram account ni Marjorie Barretto
Birthday greetings para kay Erich, ang bunsong anak ni Marjorie Barretto
Kasama sa dumalo ang aktres at kapatid ni Erich na si Julia Baretto. Nagbigay rin ito ng mensahe sa kanyang bunsong kapatid,
“I love you more than life.”
Nagbigay rin ng mensahe ang ilan pang bisita ng birthday girl na si Erich.
“The best for you. Only the best, I love you dear, dear. I’m so proud of you.”
“I hope she stays humble, sweet, caring. She’s very matured, I hope she grows up as the best Tita.”
“I wanna say thank you by me being welcomed to this family, you gave the proper training to be a good dad, a good father to my daughter. Because when I met you, you were so little so I kinda felt like a brother to you.”
“Thank you so much for teaching me how to be more patient and more understanding. Thank you for being a light to everyone’s life in this family including mine as well. I hope nothing but the best for you.”
“Erich, happy birthday and I know that you’re a good girl so parang I don’t know if I have something pa to add. Just continue to be that girl and love you.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!