Maraming bata sa buong mundo ay tuwang tuwa kay Peppa Pig. Nakakatawa siya at hindi nahihiyang maging prangka. Pero sa mga nakalipas na taon, marami ring mga magulang ay nag-aalala na hindi lagi mabuting aral ang naituturo ng show na ito. Kaya natural na magtaka: masama ba ang Peppa Pig para sa mga bata?
Masama Ba Ang Peppa Pig? 6 na Aspetong Dapat Ipag-alala
1. Madalas walang respeto sa tatay niya si Peppa Pig
Madalas sabihin ni Peppa ang “Silly Daddy.” Kung para sa iba ay parang lambing lang ito, maaaring malito ang mga bata at isipin na okay lang asarin ang magulang nila.
Sa isang episode, gumawa pa nga si Peppa ng password na “daddy’s fat tummy” para lamang makapasok ang iba sa kaniyang treehouse.
“Hinayaan ko ang anak ko na panoorin ang buong episode, umaasang may mabuting aral,” isinulat ng isang nanay sa Common Sense Media. “Pero instead na matuto ng good lesson, itinuro ko na lang sa anak ko na mean at disrespectful ang secret password na ito at hindi nakakatawa.”
2. Madalas ay rude at bossy si Peppa
Ang ina na si Nicole ay nag-alalang naging masama ang pag-uugali ng 4-anyos niyang anak dahil sa show. Ang mommy na si Mandi din ay nagkaroon ng ganitong experience. Isa pang hindi niya nagustuhan kay Peppa ang pagbibida-bidahan nito.
“Lagi siyang nagsasabi ng mga negatibong bagay sa pamilya’t kaibigan niya,” sabi ni Mandi.
Bully din siya madalas sa nakababatang kapatid na si George.
3. Minsa’y hindi siya magandang makitungo sa mga kaibigan
“Si Peppa ay pangit ang pagtrato sa mga ibang karakter na dapat ay kaibigan niya. Hindi rin siya sinasaway ng mga magulang niya,” sabi ni Sydney.
Maraming parents din ang nag-alala na mareklamo si Peppa at hindi siya marunong tumanggap ng pagkatalo.
“Ayoko na sa’yo! Hindi na kita best friend.” Madalas ito naririnig mula kay Peppa, tulad nung binagsakan niya ng telepono si Suzie sheep dahil marunong itong sumipol at siya hindi?
4. Minsa’y nagtuturo siya ng unhealthy habits
Hindi lamang si Peppa ang nagiging masamang role model, ayon sa mga magulang. Ang nakakabatang kapatid niyang si George ay ganito din. Madalas siyang magmaktol o tantrums dahil hindi nasusunod ang gusto niya. Ayaw din niyang kumain ng gulay at mahilig sa tsokolate.
Pero may mga magulang naman na nagsasabing ipinapakita lang nila ang tunayna ugali ng mga bata kaya cute daw ito.
5. Madalas sabihin ni Peppa ang ‘No’ at ‘Yuck’
“Masyadong pala-away at hindi magandang ehemplo. Si Peppa ay walang galang sa magulang, at halos lahat ng episodes ay may paghahamak sa tatay ni Peppa. Mas marami pang magandang choices na palabas para sa bata,” sabi ng amang si Jacob, na may 3-anyos na anak.
Oo, marahil ay pa-cute at light na expressions ito, pero maraming nag-aalala na ang mga salit na ito ay mapanuya at walang paggalang sa kapwa.
6. Tinuturo niya ang nakakalitong “gender roles”
Wala namang masama sa pagtuturo sa bata ng “traditional roles” tulad ng pagsuot ng palda at paglalaro ng manika para sa batang babae. Pero may mga parents na nagtataka kung bakit ayaw ni Peppa ang gumagawa ng gawain pang-lalaki lamang, kahit na kaya din naman ito ng babae.
Simpleng bagay man pero may mga nag-alala na pinapalawig nito ang mga stereotypes na nililimitahan ang kakayanan ng babae.
May Good Lessons Bang Matututunan sa Peppa Pig?
Oo naman. Maliban nsa nakakatawa naman ang mga episodes, tinuturuan din ang mga bata na mahalin ang pamilya nila at manatiling positibo kahit ano pa man ang suliranin sa buhay.
Ang show ang nagpapakita rin ng “strong female role models” tulad ni Mrs. Rabbit na sobrang sipag magtrabaho. Si Mommy Pig din ay nakaka-inspire dahil sinisikap niyang turuan ang anak na si Peppa kung ano ang tama at mali na may pagmamahal at mahabang pasensiya, kahit na may pagka-pasaway si Peppa minsan.
May mga iba mang nag-iisip na “naughty” behavior ang itinuturo ni Peppa Pig, mayroon pa rin namang naniniwala na maganda itong palabas na ito. Ang rason kung bakit patok na patok ito ay dahil kahit may pagkukulang ang mga karakter, relatable sila para sa nakararami.
Kahit ano man ang pinaniniwalaan mo, ang TV cartoons ay nagbibigay ng magandang pagkakataon na turuan ang mga bata.
Kung hindi mo talaga mapigilan ang mga anak na manood nito, mag-compromise. Bakit hindi ito gawing opportunity upang lubos na maturuan ang iyong anak?
Mag-communicate para malaman kung ano ba ang napupulot nila sa palabas. Ipaalala sa kanila na importanteng gawin ang mga ito:
- Mahalin at respetuhin ang nakatatanda
- Ang pagiging mabuting lider ay hindi ibig sabihin magiging bully ka
- Kung healthy sila, mas magiging happy sila (ang gulay ay mabuti para sa kanila!)
- Para magkaroon ng mabubuting kaibigan, maging mabuti ka din sa kanila.
- Piliin ang mga salita, siguraduhing mabuti ang mga ito.
- Tanggaping ang pagkakaiba ng bawat isa, sa itsura, background, o relihiyon.
Maraming magagandang aral na mapupulot sa telebisyon, pero kailangan ng mga anak mo ng gabay upang maisapuso at maisabuhay nila ito habang sila’y lumalaki. Sagutin ang mga tanong nila nang may pasensiya at bukas na isip.
Sa paggabay mo, ang nakakatuwa at mabuting leksyon lamang ang maalala nila mula sa Peppa Pig at sa iba pa nilang paboritong palabas.
Isinalin sa Wikang Filipino mula orihinal na Ingles na Is Peppa Pig Bad? ni Bianchi Mendoza.
sources: Common Sense Media, The Guardian, news.com.au
BASAHIN: Mga pagkaing Pinoy para sa pagyabong ng talino ng iyong anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!