Masama ba sa baby ang aircon? Ito ang warning ng isang ina!
Mababasa sa artikulong ito:
- Babala ng isang ina tungkol sa kung masama ba sa baby ang aircon.
- Ano ang pneumonia? Ang sakit na maaring makuha dahil sa maduming air conditioner.
Masama ba sa baby ang aircon? Ito ang sagot ng isang ina
Sa init ng panahon ngayon, it’s a must na mayroon ng aircon ang bawat tahanan. Lalo na kung may maliit na bata o sanggol na inaalagaan.
Dahil kapag malamig ang kuwarto o tahanan ay mahimbing ang tulog ni baby mas makakagawa ng gawaing-bahay si Mommy. Hindi lang ‘yan! Kapag may aircon ang kahit isa sa mga kuwarto sa bahay ay nakakaiwas sa init ng panahon ang buong pamilya.
Pero babala ng isang ina, ang aircon hindi sa lahat ng oras na makakabuti sa mga baby. Ito ay nasabi ng inang si Zia Saad sa kaniyang Facebook account matapos magkaroon ng pneumonia ang kaniyang sanggol.
Ang sakit nakuha umano ng kaniyang anak matapos matulog sa kwarto na may madumi at maalikabok na air conditioner. Dagdag pa ni Saad, ito umano ay nangyayari matapos ang gabi-gabi nilang paggamit ng aircon.
Kung saan ang mga dumi mula rito ay nalalanghap ng kaniyang baby boy. Narito ang buong kuwento ni Saad sa nangyari sa anak.
Kuwento ng inang nagkasakit ang anak dahil sa paggamit ng aircon
“Mula ng maliit pa ang aking anak na si Am ay gumagamit na kami ng air conditioner sa bahay. Hanggang sa noong sampung buwang gulang siya ay napansin naming madalas siyang nilalagnat, inuubo at nahihirapang huminga.
Noong una naaalala ko, pabalik-balik kami sa clinic para lang mapa-checkup ang aming anak kasi pabalik-balik rin ang kaniyang ubo at lagnat. Hanggang sa isang araw sinabi ng doktor na i-admit na siya sa KPJ pediatric ward.
Doon ay isinailalim sa examination ang anak na sinasabing may suspected pneumonia at bronchiolitis. Ang pinaka-malala pa, ayon sa doktor na tumingin sa kaniya, mayroon siyang mga namamagang kulani sa leeg. At para maalis ang mga ito ay kailangan niyang sumailalim sa surgery.
Kami ng asawa ko ay natahimik nalang habang inaalam ng doktor ang totoong nangyari sa aming baby.”
Aircon sa bahay na hindi nalilinis maaaring pagsimulan ng pneumonia
Nag-imbestiga ang doktor sa kung ano ang dahilan ng pagkakasakit ng aking anak. Nagtanong siya ng nagtanong tungkol sa aming family background. Ganoon din sa environment at lifestyle ng kanilang pamilya.
Matapos ang analysis ng doktor, sinabi nito na ang kanilang anak ay na-expose sa maduming hangin na nagtataglay ng bacteria.
Doon namin naikuwento na ang aming anak ay natutulog sa aming bahay na laging bukas ang air conditioner. Ayon sa doktor, ang paggamit ng aircon sa bahay ay mabuti kaysa sa electric fan. Dahil sa ito ay mayroong filter.
Pero kung ang filter na ito’y hindi nalilinis ay maaaring pamahayan ito ng bacteria. Ang bacteria na ito ay hahalo sa hangin na inilalabas na aircon na maaaring malanghap ng mga taong nasa loob ng bahay na gumagamit nito.
Delikado ito para sa mga batang dalawang taong gulang pababa ang edad. Ito ay ang dahil wala pa silang sapat na antibody resistance laban sa mga sakit.
Sa nangyari sa anak ko, nagkapulmonya ang baby ko dahil hindi namin nililinis ng aircon.”
Ito ang pagkukuwento ni Saad.
BASAHIN:
7 best split-type aircon units to keep you and your family cool
Ano ang pneumonia?
Ang pneumonia ay ang impeksyon na tumatama sa mga maliliit na air sacs sa ating baga na tinatawag na alveoli, pati na sa mga nakapaligid na tissues dito.
Ito ay napupuno ng bacteria o mucus na humaharang sa oxygen na makapunta sa ating dugo. Ang impeksyon na ito ay dulot ng bacteria, viruses, fungi at microbes sa ating paligid.
Palatandaan at sintomas ng pneumonia
Ang isang bata o tao ay maaaring nakakaranas na ng pneumonia sa oras na siya ay nagpapakita ng mga sumusunod na sintomas:
- Lagnat na umaabot sa 39 o 40 degrees Celsius na sasabayan ng pangangatog ng katawan.
- Ubo na mayroong plema na kulay dilaw, berde o brown o may dugo.
- Pagsakit ng dibdib sa tuwing umuubo o humihinga ng malalim.
- Humihinga na mabilis at mababaw.
- Lethargic o matamlay ang katawan.
- Pagpapawis o pamumula ng balat.
- Kawalan ng gana kumain.
Huwag kalimutang ipa-service o ipalinis ang air conditioner ninyo sa bahay!
Ito ang paalala na dapat kaugaliang gawin ng mga magulang para masigurong malinis ang hangin na umiikot sa inyong bahay. Maaring hingan ng tulong ang isang technician upang gawin ito. P
ero dahil sa may pandemya ngayon, mainam na pag-aralang gawin ito para ikaw na mismo ang maglilinis ng inyong air con at masigurong malinis ang hangin na lalabas dito. Panoorin ang sumusunod na video.